ANA: "Lumagablab ang mga BICKER (nagtalo-talong) bloggers re SC Resolution released on Saturday which retained its 9 - 6 vote granting Gracia's plea against her DQ, finding that the Comelec had committed grave abuse of discretion in cancelling her COC! Sabi ng SC, 'the court only had to rule on Gracia's grave abuse plea against the Comelec. Questions about Gracia's citizenship & residency may & should only be settled when the court sits as the PET thru a Quo Warranto petition!"
LISA: "NALILIGALIG (in turmoil) ang buong electorate sa desisyong ito ng SC, noh! Kase, hindi naman ang kaso ng NBFC at residency ni Gracia ang pinagbotohan ng SC, kundi ang grave abuse of discretion kuno ng Comelec dahil sa pagbasura nito ng COC para prisidinti ni Gracia, o, hah! Para bagang sinasabi ng SC na kelangang MANALO MUNA si Gracia sa eleksiyon bago siya sampahan ng petition for QUO WARRANTO (a writ demanding by what authority a person claims an office)."
CION: "Kung UUKILKILIN mo 'day, manalo man halimbawa si Gracia sa eleksiyon, eh hindi siya TATANTANAN ng mga dissenters hangga't hindi siya napapatalsik bilang prisidinti thru people power, peksman. Posibleng magkakaroon uli ng panibagong kasuhan sa pagitan naman ng nanalong vice president at ang nag-number 2 sa presidential race kung sino sa kanilang dalawa ang papalit sa napatalsik ng panggulo, o, 'di ba? Ang suma-tutal, madali nang masasakop ng China ang Pilipinas!!!"
No comments:
Post a Comment