ANA: "Lumagablab na ng tuluyan ang isyung HIDDEN WEALTH vs Duteteng batay sa legal documents na nakalkal at inilutang sa publiko ni Sen Sonny Trillanes, o, hah! Aabot sa P2.407 B ang nilalaman ng 17 accounts ni Duteteng sa 3 banko (2 banko sa MM at 1 sa Davao) that were recorded over a 9-year period, base sa EBIDENS na hawak ni Trillanes. Pero mariing itinanggi ito ng kampo ni Duteteng at bagkos, isinisising PAKANA lamang umano ito ng Malakanyang laban ke Duteteng?"
LISA: "Ay, PALUSOT lang 'yan! O, tingnan mo 'ga, merong 7 joint accounts ang mag-amang Rody at Sara sa BPI Br Julia Vargas, Pasig; 9 joint accounts din sa BPI Br Edsa Greenhills, San Juan; 'tsaka 1 joint account pa sa BDO Unibank, Davao Br. Hinamon ni Trillanes si Duteteng na pumirma ito ng waiver para legal na mabuksan ang records ng 17 joint accounts para maikumpara sa hawak na docs ni Trillanes. Kung 'di TUGMA, magre-resign daw sa Senado at sa kanyang kandidatura si Trillanes!"
CION: "Wow, ang bigat ng kundisyon ni Sen Sonny. Naubos ang tapang ni Duteteng sa hamon ng senador kaya ayaw nitong makipagkita bukas sa BPI Julia Vargas para pumirma ito ng waiver, see! Ibig sabihin eh TOTOONG lahat ang LEGAL DOCUMENTS na hawak ni Trillanes, o, 'di ba? So, ang ginagawa na lamang ngayon ng kampo ni Duteteng is to DISCOMBOBULATE (to throw into confusion) at paratangan si Mar Roxas na kandidato ng Malakanyang ng paninira sa kanya. OMG!"
No comments:
Post a Comment