Tuesday, May 3, 2016

TROLLS, PARTISAN NETIZENS RUN RIOT ON SOCIAL MEDIA

ANA: "Sabi ni Abi Valte, spoxperson ni PNoy, kung nakakamatay lang daw ang memes at hashtags na parang bomba, eh 'di sana'y naghambalang na sa Phl cyberspace ang mga bangkay ng mga protagonists ng mga presidentiables, ang mga bayarang TROLLS na nagsisilbing guns and goons nila sa social media. Ang mga partisan netizens na'to ng mga presidentiables are actually just trolls who sow discord by posting arguments that are controversial, unverified or just outright lies, o, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga, kahambal-hambal talaga. Ang mga trolls na'to sa social media ang nagsisilbing warriors o kaya'y GUNS & GOONS ng mga traditional politicians, see? Matindi ang impluwensiya nito sa electorates, kase, tinatayang 50% ang Share of Voice (SOV) ng mga 'guns n goons' na'to sa electorates, partikular sa mga millenials (edad 35, pababa). Nagbabatikusan ng mahahayap na salita laban sa isa't isa ang mga trolls nina DUTERTARD, YELLOWTARD, BINAYaran at POETARD!!!"

CION: "Sabi pa ni Ma'am Abi Valte - 'I've never seen so much bullying. Social media is toxic.' - Kase nga, ang mga troll eh nag-imbento ng salita na DUTERTARD, kombinasyon ng Duterte at retardate. Ibig sabihin, Sira ang ulo ni Duteteng, o, hah! Samantala, ang coinword naman para ke Nognog eh BINAYaran, ibig sabihin, mga ghost employees ng Makati City Hall eh patuloy na sumasahod mula sa Mkt gov't tuwing 15-30 kada buwan. Si Gracia nama'y PoeTARD ang bansag sa kanya. Ayos!"        












No comments:

Post a Comment