Sunday, May 22, 2016

BBM INSISTS ON SYSTEM AUDIT

ANA: "Masidhing MANEOBRA sa umiiral na Comelec rules sa sistema ng eleksiyon ang gustong GULUHIN ni BBM. He is contesting the results of the unfinished unofficial quick count of the vice presidetial votes, which Leni leading BBM by 219,127 votes, o hah! Eh kase, nagbabaka-sakali si BBM na ISANGKOT si Leni sa umano'y script change ng counting machine na sadya kunong isinagawa ng PPCRV para lumamang sa quick count si Leni ke BBM? Nakanang-ina talaga, hhuuu!"

LISA: "O, 'yang tibok ng puso mo 'ga, 'wag kang hyper noh! Kung UUKILKILIN mo kase, por eksampol, na lalabagin ng Comelec ang sariling rules para lang pagbigyan ang hirit ni BBM na magsagawa ang kanyang IT experts ng system audit sa mga counting machines, eh, magkano ang usapan? Bilyon? Trilyon? Pero ang natitiyak ko eh UUSOK ang ngalangala ni president-to-be Duterte sa galit, kase, t'yak na madi-delay ang official canvassing sa Congress nito at ni Leni, see?"

CION: "Korek ka r'yan 'day! Biro mong bukod-tanging si BBM lamang, batay sa hinala niya, ang DINAYA ng PPCRV at Comelec, at hindi kasama si Duterte at mga nanalong senatoriables? How, how d' karabaw? Ang gusto kong ipayo ke BBM eh ihanda niya ang sarili niya sa nakaambang plunder case laban sa kanya sa OMB na walang piyansa, sa ilalim ng Duterte gov't. Dito masusukat kung totoo ang pangako ni president-to-be Duterte na lilipulin niya ang mga MAGNANAKAW!"    

No comments:

Post a Comment