Friday, May 20, 2016

CHANGING TO FEDERAL SYSTEM NOT EASY

ANA: "Maliwanag na ang nagpanalo ke president-elect Duterte eh ang mapangahas niyang PANGAKO sa electorate no'ng kampanyahan, ang timeline nitong 3 to 6 months into his term kung siya ang mananalong prisidinti, to reduce criminality and corruption in the country by a substantial amount! Naintindihan itong maige ng millennials (age 35 pababa) na botante. Pero ang isa pa niyang pangako eh hindi naintidihan ng millennials - that he would call for a CON-CON para sa federalism!"

LISA: "Yes, yes yeow! Ang Phl Congress (Senate & House of Represetaives combined) lang kase ang merong KAPANGYARIHANG magpatawag ng isang constitutional convention, by a TWO-THIRDS vote of ALL its members, at hindi ang presidente, o, getz mo? So, kung bakit kelangan pang palitan ni Duterte ang sistema ng ating gov't, eh, 'yan ang hindi naintindihan ng 15 million plus na bumoto't nagpanalo sa kanya, peksman! 'Lamobang aabot na sa 105-M ang populasyon ng Pinas?"

CION: "Dats rayt, 'day! Si Duterte, samakatwid, eh isang prisidinting MINORITY! Ang bilang kase ng majority vote of 54 million Filipino voters eh 27-M plus ONE vote. Kaya naman sa palagay ko, eh NANGANGANIB na sumalempang lahat ang mga pangako ni Duterte, kase, imposibleng matutupad niyang lilipulin daw nito ang korapsiyon at kriminalidad sa Phl sa loob ng 3 - 6 na buwan? 'Tsaka, papalitan daw nito ang sistema ng gov't ng 'di isasangguni sa Phl Congress? Ano siya, DIKTADOR?"      

No comments:

Post a Comment