HINDI PWEDENG MAGSABING NADAYA SI BBM KUNG HINDI NIYA ALAM ANG LINUX COMMANDS:
Okay guys! Naintindihan ko yung sinabi ng Head ng Tech Support ng SMARTMATIC and ito yung ginawa nila, based from their press conference.
24 hours after the May 9th elections, napansin ng isang political party na yung pangalan ni Seneres may question mark dun sa N. So ibig sabihin nalilito ang system kung ano ba yung N na yun so niraise ng SMARTMATIC na gawin siyang enye.
So ano nangyari? Inescalate sa IT Team both ng SMARTMATIC and COMELEC. What's good about this?
- Hindi maaccess ang Central Server pag wala ang dalawa. Ang tawag dito, two factor authentication.
- Magkahiwalay na inenter ng SMARTMATIC IT Team at COMELEC IT team ang password nila. Kumbaga sa mga brilyante ng Encantadia, kung wala lahat ng apat na elemento, hindi nila makukuha ang mahiwagang kristal. In this case, dalawang elemento lang. team ng SMARTMATIC at team ng COMELEC.
-May CCTV footage na may patunay na nandun ang COMELEC, SMARTMATIC, political parties at maging ang election watchdogs - at nakita nila ang nangyari.
-Regarding sa hashcode or checksum, sinabi na ni Marlon Garcia kanina na kung hindi lang nagkaroon ng bagong update sa resulta after maissue yung pagbabago sa enye, pag binalik mo yung Enye sa N, makukuha mo pa rin yung original hashcode or checksum. (akala ko nung una hindi ito posible, pwede pala.)
- And yung command nga pala is a Linux Unix command named sed. Ito yun:
sed -i s/ \? /N / g $FILE_NAME
-Basta pinapalitan niya yung question mark ng enye.
-enye, for your information is Alt + 164 (small caps) and Alt + 165 (upper case) sa Microsoft Word. (Hold Alt then fast 164 enter or fast 165 enter.) try it!
-sed, in linux, is short from Stream Editor.
Guys, add ko lang: kaya iniba ng SMARTMATIC yung question mark dahil hindi pasok sa Universal Encoding System ng mga computers or UTF-8 ang n - enye. Kaya nag execute siya ng script para inline sa UTF-8 yung enye ni Osmena and Seneres.
In plain terms: tinranslate lang nila sa isang format na naiintindihan ng system yung enye. apparently, unique sa Pilipinas ang enye kaya hindi narecognize yung encoding.
Pinalitan lang ang question mark ng enye. Walang daya, walang lokohan. Trabaho lang ng SMARTMATIC at COMELEC na itama ang pangalan ng isang kandidato. MASAMA BA YUN?
Hindi ako nagsakripisyo ng 6 units na bagsak sa Computer Science, nadelay sa graduation na umabot ang pag-aaral ko ng 5 years at nagpuyat gabi gabi magdevelop ng code sa mga machine projects ko nung college pa ako para lang sabihan ng isang kandidato na, ayy nandaya sila kasi may nabagong script.
Sorry BBM, I know better than you.
Gets na ba? Any questions? Violent reactions?
No comments:
Post a Comment