ANA: "Pinag-ibayo pa ng BBM trolls ang kanilang PECULIAR (kakatwa) protestang personalan vs Leni. Nagsampa ng reklamo sa OMB si running priest Robert Reyes against PPCRV & Leni dahil daw sa DAGDAG-BAWAS. Sabi pa ni Pareng Robert eh 'di raw utos sa kanya ni BBM na mag-file ang pari, bagkos, kusang-loob daw itong nagsampa ng reklamo sa OMB for investigation sa pagpalit ng 'computer command' para makapandaya si Leni vs BBM sa pamamagitan nga ng dagdag-bawas?"
LISA: "Bukod sa Biblia eh eksperto na rin ba si Pareng Robert sa IT? Meron na ba siyang hawak na EBIDENS samantalang 'di pa naman nag-uumpisa ang Comelec sa kanilang official cavassing? So, saan kaya niya ibabase ang kanyang reklamo sa OMB na dagdag-bawas daw na boto mula ke BBM at idinagdag DAW sa boto ni Leni? Habang sinusulat ito, merong mahigit na 11,615 votes from Rizal & Laguna yet to be transmitted to the Comelec. So, kapag ito'y tranmitted na, 100% votes are counted!"
CION: "Oke, para sa kaalamam ng mga trolls ni BBM, kasama ka na Pareng Robert, ang latest partial and UNOFFICIAL tally from the Comelec's transparency server, Leni was leading BBM by more than 262,000 votes. Kung gusto mo Pareng Robert, IDAGDAG mo na lahat ang 11,615 votes na'to sa boto ni BBM pero hinding-hindi na MATITINAG ang lamang na boto ni Leni vs boto ni BBM, kahit maglulupasay ka pa, Pareng Robert! Expect that this would also the result of the official canvassing next week because the votes all came from the same Certificate of Canvass! INTIENDE?"
No comments:
Post a Comment