ANA: "Sa ikalawang-araw kahapon ng canvassing eh umalingawngaw sa plenaryo ng Congress ang palahaw ng mga aboGAGO ni BBM na dinadaya umano ni Leni si BBM sa pamamagitang ng UNDERVOTE! Bukod tanging si BBM lamang ang politikong nagrereklamo na dinadaya siya habang siya'y lumalamang ng 2 million votes sa isinasagawang canvassing of partial and official count sa plenary. Undervote means mga voter na bumoto pero NILAKTAWAN ang posisyon ng VP."
LISA: "Ang tindi rin namang mag-IMBENTO ng palusot 'tong si BBM noh! Anong klaseng animal ba 'yang undervote, fraud ba 'yan? Aba'y 2 milyong boto ang lamang ni BBM habang nasa 2nd day of cavassing, at siya pa ang me ganang magpalusot na biktima siya ng undervote? Nakanang-ina naman! Mintis ang una niyang plano na ipatigil no'n ang PPCRV sa kanilang partial and unofficial counting of votes. Tapos palpak 'yung ipinatawag na people power sa harap ng Congess kase walang sumipot!"
CION: "Tapos na kasi ang canvassing of partial and official count sa binuksang ballot boxes mula sa Ilocandia, Central Luzon at Metro Manila na balwarte ng mga Marcos, kaya lumamang ng 2 milyong boto si BBM vs Leni. Sa araw na ito'y ang ballot boxes naman mula Visayas at Mindanao ang ika-canvass sa plenaryo at alam-na-alam ni BBM na dito siya mauunahan ni Leni ng mahigit 200,000 boto. Kung tutuusin eh GA-HIBLA ang lamang na'to ni Leni vs BBM. Omigad, NAPAKASAKIT!"
No comments:
Post a Comment