ANA: "Ang laking INSULTO sa Comelec at sa buong Phl electorate in general itong SCRIPTED na BLACK PROPAGANDA ni BBM. Isang IT expert kuno na ayaw magpakilala ang source na meron daw tampering ng tranparency server ng Comelec, ayon ke atty Francesca Huang, sa presscon na ipinatawag ni BBM, kaya umano natambakan si BBM ng mahigit 200T votes ni Leni! Malaki umano ang DUDA ng IT expert ni BBM kase ang hash code of packet data eh napalitan para makapandaya?"
LISA: "Ang babaw naman ng ibinabatong dahilan ni BBM laban ke Leni na dinadaya si BBM ng Comelec pabor ke Leni sa pamamagitan daw na sadyang pinalitan ang script ng transparency server? Taga 'INSIDER' lang daw ng Comelec ang maaring mag-tamper sa server, ayon ke atty Huang, batay naman sa paliwanag daw sa kanya ng IT expert ni BBM. Hinamon naman ng Comelec ang kampo ni BBM na magpakita ito ng EBIDENS para meron basehang ligal ang pambabaraso ni BBM, 'di ba?"
CION: "Hay, LUDICROUS 'tong ginagawang panggugulo ni BBM, peksman! Biruin mong masidhi siyang gumagawa ng DAHILAN para magkaroon ng DUDA ang sambayanang-Pinoy sa integridad ng sistema ng VCM ng Comelec para ULITIN ang eleksiyon ng presidente, bise presidente at 12 senadores? Sa Bucaue, Bulacan eh pantay sa 16,694 ang boto ng mayoral candidates Joni Villanueva at Jim Valerio, batay sa resulta mula sa VCM. Nag TOSS-COIN lang ang dalawa at nanalo si Joni."
No comments:
Post a Comment