Thursday, May 5, 2016

PLUNDER RAPS VS DUTETENG

ANA: "Asus MARyopes, meron palang mahigit 11,000 GHOST EMPLOYEES na pinasasahod ni Davao city meyor Duteteng that were alloted a budget of P708 MILLION in 2014! Biruin mo 'yon? Apat na araw bago mag-eleksiyon eh sinampahan ni Sen Sonny Trillanes ng plunder complaint sa OMB ang meyor at presidentiable na si Duteteng. Kilalang notorious for extrajudicial killings and summury executions ang Davao City sa pangunguna ng meyor, o, hah! Magpaliwanag siya sa OMB!"

LISA: "Naku, parang natubigang palaka ang mga BIGOT (panatiko) ni Duteteng, porke ang aksiyon daw na'to ni Trillanes eh utos ng Malakanyang para ILAGLAG ang nagbabadya kuno nitong susunod na panggulo ng Phl? Ows! Tinitingala kasi si meyor Duteteng ng kanyang  mga panatiko, atapang na tao, brusko, macho, siga, 'tsaka isang KUMUNISTA! Kaibigan niya si JOMA at si Pastor Quiboloy na laging me regalong bahay, lote, kotse at libre-gamit ng eroplano sa kampanya ni Duteteng, see?"

CION: "Lahat ng mga binanggit mo 'day eh DOKUMENTADO bilang EBIDENS ni Trillanes laban ke Duteteng. Kung ihahambing sa trak-trak na legal-documents bilang ebidens laban naman ke presidentiable Nognog sa kaso nitong pandarambong, eh parehong SWAK ang kaso ni Duteteng at Nognog sa Sandigan Bayan pagkatapos ng eleksiyon. So, awtomatikong maglalabas ng ARREST WARRANTS ang SB kina presidentiables Duteteng at Nognog ng WALANG PIYANSA! Araguy!!!"

No comments:

Post a Comment