Laging sinasabi ng Defence panel at inaayunan naman ng IC presiding officer na "mahina" o "hindi puwede" ang pinipresentang ebidensiya ng Prosecution dahil sa teknikalidad.
Pinaiiral ni Serafin Cuevas ng buong higpit ang isinasaad ng Rules on Evidence at Rules of Court na pinagbabasehan ng mga "legal proceedings" ng buong Hudikatura.
Ang gagawing desisyon ng Impeachment Court ay batay sa "katotohanan" at hindi batay sa evidence kung saan galing ang taksan-taksan nitong mga ariarian at kayamanan.
Walang apela ang desisyon ng impeachment court at ang mga senator/judges ay huhusgahan din ng taong-bayan pagsapit ng eleksiyon.
No comments:
Post a Comment