Friday, March 23, 2012

Legerdemain, contortion by Corona Defense panel

Lalong napilipit (contorted) ang Corona case sa Impeachment Court matapos mag-testify si ex-Mayor Lito Atienza ng Manila.

Sinabi ng Defense noong una na ihaharap nila sa IC si Corona para tumestigo sa "tamang" panahon.

Pero ang sinasabi ngayon ng Defense eh "hindi" na raw kailangan pang tumestigo si Corona at ang asawa nito sa IC.

Porke ba mahirap gumawa ng "legerdemain" halimbawa ang Defense para pabulaanan kung isasalang ng Prosecution bilang testigo si Sis. Flory Basa sa rebuttal?

Nagrali noon sa Luneta ang INC pabor sa Defense panel at halatang "naligalig" lahat ang senator/judges ng IC.

Nagrali rin ngayon pabor sa Prosecution panel ang Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB) at ang Catholic Educators Association of the Philippines (CEAP) sa harap ng Supreme Court pero hindi halatado na "nayugyog" ang senator/judges porke nasa recess na ang IC.

Tila nauwi na ang "hidwaan" ng Katoliko vs Iglesia-ni-Kristo ang impeachment ni Corona, 'di ba?

No comments:

Post a Comment