Pinasinungalingan nina CJ defense lawyers Ramon Esguerra at Tranquil Salvador III na merong mga ari-arian si CJ Corona sa U.S.A.
Batay sa imbestigasyon ni Raissa Robles at kinumpirma ni Buddy Gomez, dating opisyal ng Cory Administration na nakabase na ngayon sa USA, eh dalawa ang properties doon ni CJ Corona.
Isa sa Tampa, Florida at ikalawa sa Mountain View, California at parehong nakapangalan sa isang Renato C. Corona, born October 16, 1948 (63 yrs old).
Kinilala sa naturang document na "posibleng" mga kamag-anak ni Corona sina Charina R. Corona, Cristina R. Corona, Carla Corona, at Francis R. Corona.
Sinabi ni Raissa Robles: "No, I'm not saying that chief justice Corona OWNS Bayshore or has a house in Mountain View Heavens, no. I'm only saying that a certain Renato C. Corona is being linked somehow to these two addresses by US public records."
Ibinigay din ni Raissa sa kanyang report ang telephone number ni Renato C. Corona - #813-258-0148.
No comments:
Post a Comment