Enrile: "We would judge him but we should not disrespect him."
Idinugtong pa niya: "These can't be hidden behind the technicalities of the rules of evidence."
Namutawi mula mismo sa bibig ni JPE ang mga salitang ito patungkol kay chief justice Corona.
Iginigiit ni JPE na kailangang irespeto ng mga Sen/Judges si Corona kung sakaling magkukusa itong tetestigo sa impeachment trial hinggil sa kanyang dollar account.
Otherwise, magre-resign umano siya kapag "binastos" ng mga Sen/Judges si Corona, ows? (an'tagal naman...)
Dapat noon pa nag-resign si JPE bilang presiding officer ng IC nu'ng bastusin ni Miriam si Atty. Aguirre at laitin din ang buong Prosecution, 'di ba?
Porke maliwanag na MAKILING si JPE sa Defense panel, yer honor, pls.
'Di baleng bastusin ni Miriam ang House na co-equal branch ng Senate, huwag lamang si Renato Corona na walang respeto sa 90-anyos na madre at mahilig manutok ng baril sa ulo ng malapit nang mamatay na matandang katiwala.
No comments:
Post a Comment