Tuesday, March 20, 2012

PRE SHE MARVELS, ginagawang perplex ang MOB

Muling umarangkada ang PRE SHE MARVELS kahapon sa Impeachment Court. Tatandaan lahat sila ng Taong-Bayan, partikular ang Madlang Osyosero't Balayag (MOB).

PIMENTEL
RECTO
ESCUDERO

SANTIAGO
HONASAN
ENRILE

MARCOS
ARROYO
REVILLA
VILLAR
ESTRADA
LEGARDA
SOTTO

Naintindihan ng malinaw ng taong-bayan at ng MOB that the impeachment court is NOT bound by the rules of court or judicial decisions, although they may serve as guidelines.

Pero, sa pangunguna ni Joker, eh sinabo bago ginisa si LRA Adm. Eulalio Diaz III na testigo ng Defense at dating classmate umano sa Ateneo ni PNoy.

Ang tanong ni Joker kay Diaz eh impeachable offense ba raw ang MALI sa deklarasyon ni Corona sa kanyang SALN?

Batay daw kasi sa "SC decisions" eh PUEDE naman daw na ikorek ito ni Corona, sabi pa ni Arroyo, at sinang-ayunan naman ito ng PRE SHE MARVELS.

Tila sinasadya ng Lucky-13 PRE SHE MARVELS na pilipitin ang impeachment trial to bedevil Diaz and the MOB, 'di ba?

Ang Taong-Bayan, PRE SHE MARVELS, eh ginagawa n'yong perplex, pero HINDI sila obstinate, HINDI sila frivolous at HINDI sila stupid yokel, Your Honors, please.

No comments:

Post a Comment