Tuesday, December 31, 2013

PDAF AND DAP ARE NOT THE SAME

ANA: "No'ng tuluyang ibasura ng SC ang PDAF, aba eh, lumabas ang pangil ng House of RepresentaTHIEVES. Pa'no kase, dapat din daw na ibasura ng SC ang DAP ni PNoy, otherwise, maghaharap ng IMPEACHMENT case ang mga TONGresmen vs SC! Nagbabanta?"

LISA: "Ay mali, maling-mali naman 'yon noh!!! 'Yun kasing PDAF eh napatunayan ng SC na ginagawang GATASAN lamang ng mga TONGresmen mula pa no'ng panahon ni Tabako hanggang ke Ate Glo at nasupil lamang ito ngayong panahon ni PNoy. 'Yan eh, talagang fact-na-fact, sumpa man!"

CION: "Ang kaso kase, mahina talaga ang damage control ng Malacanang na lalo pang pinalala ng pagkakasangkot ng mismong OPIS ni Budget Sec aBAD re SARO scam, 'di ba? Pa'no, ang pagka-intinde ng publiko, ang PDAF at DAP eh same-same, pero, malaking-malaki ang pagkakaiba. 'Gaya halimbawa ng pondo para sa AGARANG rehabilitasyon ng Yolanda victims, hindi na daraan sa approval ng Congress na aabutin ng siyam-siyam, bagkos eh, HUHUGUTIN na lamang ito insegida sa DAP, o, getz mo?"

Monday, December 30, 2013

LAST VESTIGES OF CORRUPTION

ANA: "Ayon ke PNoy - (Last vestiges of corruption), ganito niya inilalarawan ang direksiyon ng kanyang huling kalahati (or, last 2 minutes) ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng Piulipinas, 'lamoyon?"

LISA: "Siempre naman. Ang tinutukoy kase ni PNoy eh 'yung mga TONGressmen, senaTONGs at PULPOLitikong walang-humpay na nakinabang sa SABSABAN ng PDAF ni Janet Lim-Napoles na lahat-lahat sila'y binansagan ni PNoy nang (DREGS OF THE OLD DISPENSATION). O, getz mo rin?"

CION: "Ang gleng-gleng n'yo 'day, sobra. Sinisiguro lang kase ni PNoy sa mga Pinoy na ituturing na lamang nilang MGA BAKAS NG LUMIPAS ang mga nasabing dregs of old dispensation, porke, wawalisin na ito ng tuluyan bago pa matapos ang termino ng Pangulo sa 2016. Maliwanag 'yan, promis!"

Sunday, December 29, 2013

REACTION TO THE REACTION

ANA: "Sabi ni CDQ eh totoong hinihilang pabulusok nina Secs Mar Roxas at aBAD ang polularity ni PNoy pero 'di sapat para malugmok ito, kase, the SWS survey shows that an overwhelming majority in Luzon, Visayas and Mindanao are still solidly behind PNoy, o, 'di ba?

LISA: "Yes, yes yow. Kaya lang eh inuurot si CDQ ng mga blogger, baket sadyang 'di raw niya gustong isulat ang isyu ng DASMAGATE, starring Junjun Binay, samantalang patuloy pa rin ang pambubuska nito ke Mar Roxas. Tsk, tsk, tsk sabi ng butiki. . "

CION: "Hindi lang 'yon, kase, me parunggit din si CDQ vs DAP ni PNoy, porke ginamit nito 'yung naunang bokadura ni Ping Lacson re DAP na isa lang umanong FISCAL DICTATORSHIP ito ng Pangulo! Ano sa tingin mo, hhmmm?" 

Saturday, December 28, 2013

OVER P700-M IN FINES, PENALTIES AWAIT EX-GEN CARLOS GARCIA

ANA: "Naku, sana naman eh madaliin ng SC ang Order para maibaba na ang sentensiya ke AFP ex-Comptroller Garcia at pagdusahan niyang MAGKASUNOD, hindi magkasabay, ang 7 at 6 na taong kalaboso, 'di ba?"

LISA: "Ay, oo nga. Pero bakit tila walang balita sa kanyang mga kasapakat na dati niyang mistah, ang kanyang asawa't mga anak, kase, nagpasasa at umastang nouveau riche sa USA, kaya naman nagkabistuhan sa malawakang pagdispalko ni Garcia sa AFP funds! Ay, juice koh..."

CION: "Well, well, well. Sa pagkakataong ito habang nasa panahon ng panunungkulan ni PNoy, sana'y magdesisyon ang SC ng kapuri-puri at walang bahid ng pagdududa ang publiko. Ikulong ang dapat ikulong sa sino mang sangkot sa pandarambong na'to, 'yun lang!!!"

Friday, December 27, 2013

DBM SARO GANG UNMASKED

ANA: "As usual, driver, janitor at mga ordinaryong clerk lamang ang NABUBULID, kase, sila ang naka-front sa galaw ng sindikato re: SARO scam, para kung magkakaGIPITAN, eh malayong paghinalaan si Supremo, o, 'di ba?"

LISA: "May tama ka 'ga. Pero dahil todo-busisi ngayon ang imbestigasyon ng NBI re saro-scam case, palagay ko eh matitiklo na rin sa wakas ang Hudas na utak ng sindikatong ito, batay na rin sa kalkulasyon ni DoJ Sec Leila, bago raw matapos ang buwan ng Enero 2014, hmm."

CION: "Well, magaling talaga kayong dalawa porke arok-na-arok ko ang usapan n'yo. Kung lilimiin kase, noh ha? posible kayang sina SUPREMO at DBM Usec Mario Relampagos ay IISANG TAO lamang???"

Thursday, December 26, 2013

DOJ PROBE ON JPE

ANA: "Ay sa wakas, tunay na maiimbestigahan na rin si Tanda sa naunang paratang sa kanya ni Sen Brenda na umano'y OPERATOR siya ng illegal gambling at illegal logging, ayon sa announcement mismo ni DoJ Sec Leila de Lima. Sana naman eh, totoong magtuloy-tuloy na ang imbestigasyon na'to, noh?'

LISA: "Hindi lang sana tuloy-tuloy, kundi, MAKUKULONG din ang mga IMBI, o, 'di ba? Biruin mo namang ginawang malaking IMBUDO ni Tanda ang Cagayan Economic Zone Authority para talbusan ang tamang taxes na dapat ibayad sa BIR para sa kaban-ng-bayan, 'lamoyon?"

CION: "Tiyak na ginigiyagis ngayon ng ngitngit si Tanda vs Brenda, kase, ultimong illegal loging na negosyo ni Tanda na kumakalbo sa mga kabundukan sa buong bansa at nagdudulot ng mala-delubyong pagbaha at kumikitil sa buhay ng libo-libong pinoy eh mai-imbestigahan na. Ang tanong eh, magkaroon kaya ng paborableng RESOLUTION ang imbestigasyon???"   

DEUTERIUM, AN ALTERNATIVE ENERGY?

ANA: "Ang deuterium eh ginagamit sa pagbuo ng hydrogen bomb, 'di ba? Bakit gustong gamitim ang sangkap na'to ni Sen Bongget Marcos para sa kanyang proyektong energy power kuno?

LISA: "Oo nga, kasi, 'yung atomic bomb na pinasabog ng mga 'Markano sa Nagasaki, Japan no'ng WWII eh deuterium o heavy water ang sangkap, ayon sa na-research ko, peksman."

CION: "Yes, yes yow. Ang deuterium eh na-discover ng 'Markanong si Harold C. Urey no'ng 1932 batay sa application theories ni Niels Bohr (hydrogen bomb). So, ano kaya ang gustong itawag ni Sen Bongget sa proyekto niyang ito, CAR BOMB?" 

Monday, December 23, 2013

PANALO ANG 48,396 VOTES VS 52,209 VOTES - SC

ANA: "Ay, ano ba 'yan!!! Malasado na naman ang Supreme Court's decision kase, bakit binabaluktot nila ang scientific formula ng aritmitik, noh? Nakagigimbal talaga nang imahinasyon ng sinoman, 'di ba?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Kahit sino namang ogag ang tatanungin eh alam na mas marami ang bilang na 52,209 boto ni Regina Reyes vs 48,398 boto ni Lord Allan Velasco bilang mga kandidatong kogresista ng Marinduque, pero, BAKIT NANALO si Lord batay sa inilabas na desisyon ng SC? Kasuhol-suhol na dahilan???"

CION: "Yeah! Bukod sa kasuhol-suhol na dahilan, eh, anak pala si Lord ni SC Justice Presbitero Velasco, Jr. so, maliwanag na ang SC eh namumutiktik din sa corruption!!! Kailan pa kaya mareREPORMA ang buong Judiciary upang bumalik ang tiwala ng publiko sa kanila, ha? Sige, Merry Christmas na lang sa lahat!!!"

Sunday, December 22, 2013

ERAP: WE DIDN'T TALK ABOUT POLITICS

ANA: "Ang galing talagang mamulitika ni Erap, 'di ba? Biro mo naman, dumalaw siya ke Ate Glo sa kulungan nito sa VMMC to thank her DAW (and return the favor), sabi ng amuyong ni Erap. So, anong klaseng pabor kase ang tinanggap ni Erap mula ke Ate Glo, 'lamoba?"

LISA: "Hindi. Pero sabi naman ni Atty Topac io (chatting happily, absent: politics and old enmities). Ibig sabihin, dating magkaaway sina Erap at Ate Glo sa politika at kapwa rin nakalaboso dahil sa kasong plunder. So, tunay silang magkasukob ng kapalaran."

CION: "Oke, kung aarukin ng mga urot ang aksiyon na'to ni Erap, maliwanag itong isang pagsasanib ng puwersa ng dalawang plunderers para sa spirit kuno ng Christmas. Merry X-mas Ate Glo, Erap, sampu ng inyong mga mahal sa buhay at mga amuyong!!!"

Saturday, December 21, 2013

POLITICAL DYNASTY VS POLITICAL DYNASTY

ANA: "Ay, nakakatawa naman talaga, noh! Kase, ginawang KENKOY nina onorabol Sen Nancy vs onorabol Sen Alan, 'gaya ng naunang bangayang nakasasakit din ng tiyan nina Tanda vs Brenda, ang okasyon pa man din ng Kapaskuhan, 'di ba?"

LISA: "Sumasakit ang panga ko sa kabubungisngis. Kasi naman, kung kailan panahon ng Kapaskuhan na dapat sana'y maghasik ng pagmamahalan ang Pinoy sa kapwa Pinoy, abaw, nagtatagisan ng TALINO ang a la malignong political dynasty kontra political dynasty! Okininana met ngarud!!!"

CION: "Heh, tumigil kayo. Pero, in fairness, nakakaaliw talaga kayo. Bukod kase ke Tanda vs Brenda 'tsaka ngayon nama'y sina Nancy vs Alan, sinong magkatunggali pa kaya sa Senado ang susunod na maghahasik ng kanilang onorableng halimuyak sa publiko, ha?"

Friday, December 20, 2013

ACTIONS SPEAK LOUDER THAN WORDS

ANA: "Eh, sino nga ba ang mangangambang mga taga-Tacloban na MAPAPALIS sila ng ngingit ng bagyong Yolanda bago pa'to tatama sa kanila, kase nakikita nilang KAMPANTE lang ang mayor nila, noh!"

LISA: "Pa'no nga, HINDI gumagalaw noon si Mayor Romualdez porke ang buong pamilya niya eh nakitang naroroon lahat sa seaside resthouse isang araw bago bayuhin ng Yolanda ang Samar-Leyte. Salamat na lang at walang namatay sa kanila, 'di ba?"

CION: "Pero kung ang indultong humarabas sa Tacloban eh ikukumpara sa bayan ng Guiuan, Samar, aba'y ZERO casualty ang Guiuan! porke, sumunod ang lahat-lahat ng residente sa UTOS ng kanilang Mayor na lumikas sa matataas na lugar isang-araw bago pa sila dapurakin ng Yolanda! 'Lamobayon, Tacloban Mayor Romualdez, sir?"

Thursday, December 19, 2013

DESERVED SOME COURTESY???

ANA: "Halimbawa eh manalo bilang susunod na prez si Jojo Binay sa 2016, maliwanag na salungat ang pag-uugali nito kesa ke PNoy, kase, HINDI sumusunod ang lahi niya sa tamang regulasyon ng trapiko, 'lamoyon?"

LISA: "Ay, sinabi mo.. Si PNoy eh HINDI gumagamit ng wangwang, humihinto siya sa bawat RED LIGHT at wala siyang HAWI-motorcycle cops na merong pang-hambalos sa hahara-harang kotse sa harapan ng daraanan ni PNoy, o, 'di ba?"

CION: "May tama kayo r'yan 'day. Sabi pa kase ni Veep Jojo, kailangan daw bigyan ng KORTESIYA ang kanyang junior at mayor na anak ng Makati para LABAGIN ang regulasyon ng trapiko, 'gaya ng paggamit sa bawal na exit, merong mga tagahawing pulis na naka-armalite 'tsaka nagka-counter flow habang naka-wangwang. Ay, talagang nakaka-GIGILLL!!!"

Wednesday, December 18, 2013

BYPASSED!

ANA: "Bypassed na naman? Eh pa'no pa kaya makakapag-TARBAHO ng matino sina cabinet secretaries Leila de Lima ng DOJ, Corazon Soliman ng DSWD, Ramon Paje ng Environment at Jericho Petilla ng Energy kung AYAW aprobahan ng Commission on Appointments (CA) ang apat na ALTER EGO ni PNoy, ha?"

ANA: "Eh hindi na bago 'yang kostumbre na 'yan ng CA 'gaya no'ng panahon ni GMA na palaging bypassed din ang mga GMA-alter ego na sina Raul Gonzales at ang nagbaril-sa-sariling si Angie Reyes, o, kitam?"

CION: "So, maliwanag na ang function LANG PALA ng CA eh para SAGKAAN ang pagpapatupad ng mga alter egos (secretaries) ni PNoy ng kanilang FUNCTIONS, kase, 'yung majority members ng CA eh kaSANGKOT sa mga anomalya ni Janet Lim-Napoles, o, 'di ba???" 

Tuesday, December 17, 2013

STRONG EVIDENCE

ANA: "Oy, 'lamobang meron daw malakas na ebidensiya si Deputado ng Akbayan Walden Bello vs power industry players, kase, meron daw totoong COLLUSION kaya tumaas ang Meralco billing mula ngayong buwan ng Disyembre?"

LISA: "Oo nga 'ga, ubos tayo. Hindi naman sana magkakaroon ng power rate hike ang Meralco kung hindi sadyang tumigil sa operation ang 3 supplier nito ng power kasabay ng month-long shutdown ng Malampaya for maintenance. Hay, perwisyong SAPAKATAN talaga."

CION: "Kabilang sa mga nagsabwatan siempre sa pangunguna ng Meralco eh ang tatlong planta ng koryente - Therma Mobile, Bauang at Limay - at inaprobahan namang ni ERC Chair Zeny Ducut. Putaragis, maliwanag na NADUKUTAN ng paldo-paldo ang Pinoy, 'di ba, DEputaDO Bello? Meron kang magagawa? Ipakita mo!!!" 

Monday, December 16, 2013

COLLUSION

ANA: "Ay, alam ko ang ibig sabihin ng English word na COLLUSION: secret agreements for a fraudulent purpose, o, 'di ba ang galing-galing ko? Anong say mo?"

LISA: "Sige na nga. Iniimbestigahan na ng 2 Kongreso ang bagong delubyo na'to na muling tumama sa Pinoy after Yolanda, dulot ng approval ng ERC. Kitang-kita kase na KASAPAKAT ang mga Power Producers para tumaas hanggang alapaap ang singilin sa kuryente ng Meralco. Hay, nakakahilakbot talaga, noh?"

CION: "Naniniwala ang majority members ng Energy Committee ng 2 Kongreso na ang chef o COOKING INA sa a la extortion activity na'to ng Meralco eh si ERC Chair Zeny Ducut na tila baga walang kasawa-sawang dinudukutan ang Pinoy. Ay, sal-it!!!"

Sunday, December 15, 2013

ERC CHAIR ZENAIDA DUCUT, PORK AGENT OF NAPOLES

ANA: "Ay, ano ba 'yan! Mismong mga taga-Pampanga eh kumukulo ang mga budhi vs kina Zenaida Ducut at GMA na kapwa mga Kapampangan din, anak-ng-simangot, hhuuu!!!"

LISA: "Garampingat talaga sila sa totoo lang, noh! Sa katatapos lang na delubyong dulot ng Yolanda sa Leyte at itong man-made na calamity na authored nina Ducut at GMA, ayon sa ibinulgar ng PDI, eh UMAARINGKING sa sakit ang buong Pilipinas. Ayay, ayay koh poooo!!!"

CION: "Hay, juice ko, nasa'n ka. Ramdam ko talaga ang hapdi at kahihiyang dulot ng mga PUTARAGIS na GMA at Ducut, gggrrrr!!!"

Saturday, December 14, 2013

TARGET THE JUSTICES, SAVE THE DAP

ANA: "Sablay na naman 'tong halinghing ni Toby Tiangco at tila nababaliw pa siya sa pagsasabing - (The Plan: Target the Justices, save the DAP) porke HINOHOLDAP umano ng Malakanyang ang SC para paboran umano nito si PNoy, re: DAP legality? Ay, kapot!!!"

LISA: "Hindi lang topak ang pupuedeng adjectives na ikakabit ke Toby Boy, tulad ng - buhong, hangal, tunggak, ungas, wangbu, tsaka garampingat - kase, mistulang ROBOT siyang walang konsensiya na sumusunod sa ipinag-uutos sa kanya ng sinomang herodes mula sa grupo niyang UNA, sumpa man!!!"

CION: "Heto ang ipa-intindi mo, Toby Boy, sa mga amo mong D' 3 Kings - SI VIS PACEM, PARA BELLUM (If you wish for peace, prepare for war). Ito ang maliwanag na LEGAL BATTLE ngayon ni PNoy laban sa katulad mong ROBOT ng mga Herodes, o, getz mo?"

Friday, December 13, 2013

DECRIMINALIZED

ANA: "Tanong ng mga reporter ke Comelec Chair 6-2 Brillantes, bakit daw ginawang decriminalized ng Congress ang non-filing ng SOCE no'ng 1990's, eh sagot niya - (Malay ko sa kanila. Para siguro ilusot nila 'yung sarili nila). Ano ba kase ang SOCE, ha, key ba 'yon?"

LISA: " Heh! key-key ka r'yan. Ang SOCE (Statement of election Contributors and Expenditures) kase mula no'ng na-decriminalized eh dehins na binibigay sa Comelec ng mga nanalong kandidato ang kuwenta ng nagastos nila sa eleksiyon. O, getz mo?"

CION: "Kaya nga 'yung mga pinangalanan ni Chairman 6-2 na 400 nanalong kandidato no'ng nakaraang May 2013 elections, kabilang sina Ate Glo, Batangas Gov Vilma, Laguna Gov Estregan atbp eh sure-na-sure akong OVER SPENDING SILA. 'Di sila nag-file ng soce para ILUSOT nila 'yung sarili nila. 'Yun lang!!!"

Thursday, December 12, 2013

"GOD CREATED THE WORLD, BUT THE DUTCH CREATED HOLLAND"

ANA: "Bakit ayaw ng Simbahan ang RECLAMATION? Sa Holland kase, mahigit na 2/5 lawak ng kalupaan doon eh lubog sa tubig-dagat, ng mga lawa o swamps no'ng unang panahon, kaya naman SINIPSIP ng mga Dutch ang tubig at itinapon sa laot hanggang tuluyang lumutang at matuyo ang lupa, 'lamoyon?"

LISA: "Ang talino mo 'ga, bilib ako. POLDER ang tawag ng mga Dutch sa drained areas na'to sa Holland sa halip na reclamation, kung saan eh, naroroon ngayon ang matatabang farmlands. Ang pinakamalalaking lungsod ng Holland at ang mismong capital and largest city, ang Amsterdam, eh nakatayo sa mismong gitna ng polder, o, kitam?"

CION: "Yes, yes yow. Walang ipinag-iba ito sa lungsod ng Paranaque kung saa'y naroon din sa reclaimed area ang Mall of Asia na dinarayo ng mga turista. So, sa palagay ko, puedeng-puede na gawing modelo ang POLDER ng Dutch sa Pinas sa panukalang RECLAMATION project. 'Wag na lang sanang maki-alam ang Simbahan, noh?"

Wednesday, December 11, 2013

SPLICED!

ANA: "Naku naman, 'yung video na PUTOL-PUTOL na unang nai-post sa you tube ni Jose Gonzales, dating taartits at Tongresman na erpat ng waswit ni Tacloban Mayor Romualdez, eh 18 seconds lang ang haba: (You are a Romualdez and the president is an Aquino. BAHALA NA KAYO SA BUHAY N'YO!). Napanood mo 'yon?"

LISA: "Yes, yes yow. Pero lumalabas sa original video na posted sa you tube ni Cito Beltran at may habang 47 MINUTES, eh SPLICED o pinagdugtong lang pala ni Hoseng Tongresman ang unang sentence sa ikalawang sentence kaya nakabuo siya ng TSISMIS kontra sa Malacanang, o, 'lamoyon?"

CION: "May tama kayo r'yan 'day. Ang GAP kase ng unang sentence sa ikalawang sentence sa orihinal na video eh halos 40 MINUTES!!! Biruin mo 'yon??? Samakatwid, sumablay na naman itong si Hoseng taartits 'gaya no'ng sampalin sa stage 'yong Sgt-at-Arms ng Lower House no'ng TONGresman pa siya. So, certified na baliw talaga siya, 'di ba?"

Tuesday, December 10, 2013

LEGALIZED CORRUPTION

ANA: "Naku, pa'no kaya masusugpo ang legalized corruption eh pawang legislaTONG at mga Justiis pala ang mga kasapi sa Senate Electoral Tribunal (SET), alam mo?"

LISA: "Hindi! Pero kung naibulgar ito ni Election Lawyer Mak para sa kaalaman ng publiko, sana eh pangunahan niya ang pagtatanggal, LEGALLY, sa P127 million budget ng SET for 2014, porke wala nga namang eleksiyong magaganap sa loob ng susunod na 3-taon, 'di ba?"

CION: "Sigurado ako na marami ang magpiprisintang mga atorni-NO-case at sasabit ke Atty Mak sa legal battle nito vs legalized corruption ng SET para magkapangalan din sila sa larangan ng lawyering hinggil sa ELECTIONEERING, peksman!!!"

Monday, December 9, 2013

APARTHEID

ANA: "Alam ko ang ibig sabihin ng salitang APARTHEID. Ang apartheid eh coined word, meaning, RACIAL SEGREGATION sa South Afrika, o, 'di ba?"

LISA: "Pero, alam mo rin ba na dito sa Pinas eh meron ding PORK SEGREGATION na kung tawagin eh PDAF at exclusive lamang para sa mga legislaTONGS, 'gaya ng mga kauri nina JPE, Junggoy, Bobong Revilla at marami pang conGREASEmen? Shocking talaga, certainly!"

CION: "Inaasahan ng nakararaming Pinoy na lalong pag-iibayuhin ni PNoy ang tuluyang pagsugpo sa a la apartheid na parte-partehan ng legislatongs sa kanilang PDAF at maipaKULONG lahat sila bago pa matapos ang termino ni PNoy sa 2016. 'Yun lang!!!"

Sunday, December 8, 2013

TITO SEN WANTS TO CHAIR SENATE ETHICS COMMITTEE

ANA: "Bakit gustong maulit ni Tito Sen na ITAGO, 'gaya ng nakaraan, re: pagTIGOK ke Andres Bonifacio porke walang MINUTES OF MEETING ang mga Katipunero para pagbasehan ng galit noon ni Emilio Aguinaldo ke Andres, ha?"

LISA: "Pa'no kase, kung masusunod ang kagustuhang BURAHIN ni Tito Sen ang minutes of privilege SPIT kapwa nina Tanda vs Brenda sa Senate floor, ibig sabihin eh MANGANGAPA ulit ang susunod na henerasyon 'gaya ng pangangapa ngayon ng kasalukuyang henerasyon, kase, 'di malinaw sa Pinoy kung sino talaga ang nagUTOS na patayin si Bonifacio?"

CION: "So, ang bottom-line, kursunada talagang BURAHIN ni Tito Sen ang lahat-lahat ng paratang ni Brenda batay sa minutes ng kanyang SPIT sa Senate floor vs Tanda na posibleng sasabit kasama ang kulasising si Gigi? Ay, halinghing-ng-HANGAL!!!"

Friday, December 6, 2013

"EXAGGERATION IS TO PAINT A SNAKE AND ADD LEGS"

ANA: "Oy, 'lamobang sobrang nakakahilo ang inilabas na desisyon ng SC re: Regina Reyes vs Comelec and Joseph Socorro Tan, kase, DOUBLE FLIP-FLOP daw ito sabi ni Mareng Winnie? Ikaw, anong say mo, ha?"

LISA: "Eh pa'no kase, KINUNSINTI ng SC na papanalunin bilang congressman ng Marinduque si Lord Allan Velasco, anak ni SC Justiis Presbitero Velasco, batay sa dami ng nakuha nitong boto - 48,236 samantalang ang bilang ng boto ng kalabang si Regina Reyes, eh - 52,209!!!"

CION: "Sino mang botante na merong mababang pinag-aralan eh ALAM na mas mataas ang number 5 kesa number 4, pero majority sa mga SC justices, NAKALULUNGKOT, hindi nila alam na mas mataas ang numerong 5 kesa 4, kase, tinalo ni Lord si Regine! Ayon sa isang kasabihan - (Exaggeration is to paint a snake and add legs.)"

Thursday, December 5, 2013

BRENDA-JPE TIFF ROILS SENATE

ANA: "Kursunada ko lang na itatanong sana kina onorabol Tito Sen at OsmenYa, eh - alin ba ang mas nakakahiya, 'yung PANDARAMBONG ng mga senaTONG, partikular kina JPE, Jinggoy, Bobong Revilla, Gringo, atbp o ang unparliamentary SPIT sa Senate Floor ng nagbabangayang si Tanda at si Brenda, ha?"

LISA: "Ay, oo nga. Kasi, NANGHILAKBOT sina Tito Sen at OsmenYa dahil sa mga BALASUBAS daw na sagutan sa Senate Floor nina Tanda at Brenda, at siempre, nakakahiya umano ito kung maitatala sa history, kase, tiyak umano itong mababasa ng mga students sa susunod na henerasyon. So, kailangan daw na BURAHIN sa minutes. Nakanang-ina talaga, huuuu!!!"

CION: "Ahh, gustong BALUKTUTIN ang history ng 2 kapot? Huwag naman sanang igaya nina Tito Sen at OsmenYa ang mga ordinaryong Pinoy kina Tanda at Brenda na bukod sa kapwa onorabol eh tila kapwa rin may TOPAK sa ulo? Ay, halinghing-ng-harot!"   

Wednesday, December 4, 2013

EXCHANGE OF HARSH WORDS AND CHARGES

ANA: "Meron palang 7-kasalanan daw si Tandang JPE sa taong-bayan, ayon ke Brenda batay sa kanyang privilege SPIT sa Senado kahapon. UNA, pagdukot at pagtigok kuno sa mga estudyante at political dissenters no'ng martial law; babaero-(Gigi Reyes); mastermind-(P10B pork barrel scam); smuggler-(Port Irene, Cagayan); operator din daw ng gambling empire; merong illegal logging concession; &, underdeclaring his networth at just P118 million. Biruin mo 'yon?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Pinai-imbestigahan nga ni Brenda sa DoJ ang 7-sins na'to eh. Pero 'lamobang tila 'di tinatablan si Tandang JPE nu'ng mga pinasabog na ATAKE ni Brenda laban sa kanya, kase, naglalaro lang ng e-game si Tanda habang nanggagalaiti si Brenda na (pinupunyeta) nito sa mata ng publiko si Tanda, o, 'di ba?" 

CION: "Bilib talaga ako sa pagsisiwalat n'yo ng naka-aaliw na kaganapan sa Senado kahapon. Mismong ang lahat ng mga senatong eh tila nag-eenjoy din sa circus ng dalawang kagulang-gulang at onorabol na senaTONG, kase, walang dapat itulak-kabigin sa kanilang dalawa para kampihan ng publiko kung sino ang mas-merong-sira ang utak? Hay, juice ko 'day!!!"

Tuesday, December 3, 2013

INSPIRED MADNESS?

ANA: "Ang US Constitution, kung saan hinango o iginaya ang Phl Consti, eh walang ispisipikong binabanggit na pupuedeng magdeklara ito ng martial law, 'di ba?"

LISA: "Yes, yes yow. But it implies the power by giving the Federal Gov't the RIGHT TO PROTECT a state from INTERNAL VIOLENCE, 'gaya na nga ng uncontrollable looting sa Tacloban, Leyte after Yolanda, 'lamoyon?"

CION: "Precisely! Open book ang buhay ni Ping Lacson at alam ito ni PNoy na si Ping lamang ang bukod-tanging makakapag-EXECUTE ng Marshall Plan para sa total rehabilitation ng Visayas sa devastation ni Yolanda, at wala nang iba pa, sumpa man!!!"   

Monday, December 2, 2013

IMPETUOUS ONSET OF ACTIONS

ANA: "Ay, sure-na-sure ako na maraming professional hecklers at spinners na bata-bata ng mga politikong mandarambong ang naghahanda na ng pag-ATAKE ke Rehabilitation Czar Ping (RCP) bago pa nito masimulan ang kanyang IMPETUOUS ONSET OF ACTIONS, 'lamoyon?"

LISA: "Eh kase nga, agad nag-warning si RCP na todo-todong gagamitin nito ang kanyang pagka-BASAGULERO para sagkaan ang mga politiko na gustong sirain ang kanyang a la MARTIAL PLAN  rehabilitation project na pinondohan ng mahigit P40 BILLION! Biro mo 'yon?"

CION: "A surge of public opinion nga eh RUMARAGASA na dito sa internet, pro and con ke Rehabilitation Czar Ping, porke maliwanag na nakikita ng mga CONTRA ke RCP, shoe-in siyang susunod ke PNoy bilang Pangulo ng Pilipinas kapag natapos niyang maayos ang Marshall Plan sa Visayas before 2016 presidential elections, t'yak 'yon!!!

Sunday, December 1, 2013

IS PACQUIAO'S PROMOTER EXPLOITING HIM?

ANA: "O, kitam? Tama pala 'yung ispekulasyon ko na isang Mafia si Bob Arum?

LISA: "Oo nga 'ga. So, ang payo ko ke Pacman eh makiusap siya sa BIR na sila na lamang ang gumawa ng petition sa IRS para mabigyan ng kopya ang BIR ng mga tax receipts na binayaran ng kanyang boxing promoter. Simple, 'di ba?"

CION: "Kung merong discrepancies, 'gaya nga ng insistence ng BIR na P2.2 BILLION ang dapat bayarang taxes ni Pacman, magkakaroon siya ng documentary evidence mula mismo sa IRS para MADIIN si Bob Arum? Kung magkagayon, muling gaganda ang reputasyon ni Pacman at hindi na iisipin ng Pinoy na tax evader siya, 'di ba?"

Saturday, November 30, 2013

PNOY URGED TO HALT RECLAMATION PROJECTS

ANA: "Naipanganak ka na ba no'ng early 1960's noong i-reclaim ang buong CCP Complex hanggang sa lugar na kinatatayuan ngayon ng MOA, ha?"

LISA: "Ay, bata pa 'ko noh! Pero nabasa kong ang lahat daw na hinahakot na basura at iskombro sa buong kamaynilaan (wala pang Metro Mla Com noon) eh itinatabon sa reclamation area sa impluwensiya ni Harry Stonehill, ang American cigarette magnate na baka-baka ng mga malalaking politiko nu'ng panahong 'yon, at gustong mag-angkin sa nasabing proyekto. O, bakit?"

CION: "Kung ihahambing sa posisyon ng Samar/Leyte na nasa EAST at nakaharap sa open sea (Pacific Ocean), ang CCP Complex/MOA naman ay nakaharap sa WEST (Manila Bay). Kung darating ang daluyong na 'sing laki at bagsik ng Yolanda eh MABABASAG na ito sa bungad pa lamang ng Manila Bay sa pagitan ng Cavite at Bataan provinces at hindi na aabot ang daluyong sa reclamation area, o, 'di ba?" 

IS BOB ARUM A MAFIA?

ANA: "Ang umuukil-ukilkil sa aking isipan ngayon eh, isang Mafia kaya si Bob Arum na promoter ni Cong Manny (Pacman) Pacquiao? Ano sa palagay mo, ha?"

LISA: "Puede, puede, kase nga, ang Mafia organization eh kilalang grupo ng mga kriminal pero, ang ilang aktibidades nito eh ligal naman, 'gaya ng boksing, kaya mahirap talaga silang makuhanan ng documentary evidence laban sa kanila. O, bakit?"

CION: "Dangankasi, hawak lahat ni Al Capone ang illegal operations sa Chicago underworld no'ng 1920's sa New York City porke TINITIGOK niya ang mga otoridad o kapwa mga gangster na kumokontra sa kanya, gayunman, eh na-CONVICT siya sa salang TAX EVASION ng Federal Jury. Paalala ke Pacman - halos MAGKATULAD ang batas ng Pinas at USA."

Friday, November 29, 2013

PACMAN LOOKS MORE LIKE A TRAPO

ANA: "Guniguni ko lang marahil 'to, pero, 'di kaya binulungan lang si Pacyu ng kanyang ama-amahang si Lito Atienza at sanggang-dikit na si Chavit Singson - na HUWAG MAGBAYAD ng tamang buwis sa BIR tulad din ng gawain nila?"

LISA: "Ay, posibleng-posible ako. Kasi, matatandaang walang nagawa ang Mafia vs Internal Revenue ng US Gov't na nagsagawa rin ng garnishments sa US bank deposits ng gang, bukod pa sa naipakulong din ang mga lideres nito, o, 'di ba?"

CION: "Yes, yes yow. Kumpirmadong trapo na nga si onorabol Pacyu. Kung patuloy siyang maniniwala sa bulong nina Tolits at Savit sa kanya vs BIR (hindi pagbabayad ng tamang buwis) malamang na DARANASIN din ni onorabol Pacyu ang dinanas noon ng Mafia, peksman."

Wednesday, November 27, 2013

VICIOUS AND BASELESS ACCUSATIONS?

ANA: "Wala akong duda na mas magaling talaga bilang SATIRIST si JPE kesa ke Brenda kung ibabase sa pang-uuyam ni Tanda vs Brenda sa kanyang privilege SPIT sa Senate bilang sagot nito, punto por punto, sa naunang panunuya sa media (satirically) ni Brenda ke Tanda, 'lamoyon?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Sure akong maraming Pinoy ang nalaglag sa silya sa katatawa sa GERA ng dalawang kagulang-gulang na senadores ng Pilipinas na kapwa rin mahilig maglaba ng kanilang mabahong reputasyon sa publiko, o, 'di ba?"

CION: "Tumpak kayo, 'day. Pinagbibintangan ni Tanda si Brenda na isang PEEPING TOM. Alam kase ni Brenda tuwing iihi ang una sa CR eh lagi raw merong bitbit na armalite, tsaka, NAASIMAN din daw si Brenda sa kanya para sa romansa, bukod pa sa naiinggit din daw ito dahil 91% ang grado sa bar exam ni Tanda, samantalang 76% at pasang-awa lang umano ang grado ni Brenda, kasi raw eh schizophrenic siya?"  

GARNISHMENT

ANA: "Kung ako ang tatanungin mo 'ga, 'di ba maganda ang ginawa ni BIR bigboss Kim re: garnishment ng deposito sa mga bangko ni Pacman dahil UMANO sa tax evasion, para naman MAKASINGIL ang BIR ng tamang buwis?"

LISA: "Korek! Pero, malinaw nating napupulsuhan na majority sa mga Pinoy eh itinuturing na isang hero si Pacman matapos nitong talunin si Brandon Rios sa Macau, kung kaya naman, NANIGAS ang kanilang gitnang-daliri at itinutok kay Kim porke bakit inaapi raw si Pacman? Susmaryopes!"

CION: "Por eksampol, ano kaya kung versus JPE, Jinggoy at Bobong Revilla eh ipatupad din ni Kim ang garnishment sa kani-kanilang bangko, istilong a la Pacman siempre, sigurado akong BARREL ang nakasipat ke Kim sa halip na gitnang-daliri lamang ng mga sipsip, partikular si Savit, o, 'di ba? Nakanang ina talaga!!!"  

Tuesday, November 26, 2013

WASHING AND SHREDDING MACHINES FOR DBM, DA

ANA: "Ano-anong klase ba nang tools ang ginagamit ng mga professional na bantay-salakay, 'gaya nina ALAB (Alcala-Abad), para garantisadong makapagNAKAW mula sa kaban-ng-bayan gamit ang pekeng SARO, ha?"

LISA: "Ay, maliban kay 8wa na urong ang dila at SP Drilon, eh alam din siguro nina JPE, Jinggoy at Bobong Revilla ang SALAMANGKA sa paggamit ng pekeng SARO na matagal na palang umiiral sa DBM at DA, o, 'di ba? Ano sa palagay mo?"

CION: "Sa palagay ko eh talagang nagkakalagayan ng bilyon-bilyong halaga ng SARO na napupunta sa sariling bulsa ng mga salamangkero! Kase, parang pinaiikot sa washing machine o kaya eh ginugutay na fake SARO sa shredding machine ng DBM at DA nina ALAB para itago ang kanilang pandarambong sa kaalaman ni PNoy kasama ang lahat-lahat ng kanyang boss sa buong Pinas na nagbabayad ng tax!!!"

Monday, November 25, 2013

ALCALA & ABAD (ALAB)

ANA: "Talaga namang tumatalab ke blogger eagleclaw101 ang ngitngit kina sekwat-tary ALcala at ABad o ALAB, partikular ke aBAD, kasama ang ordinaryong Pinoy porke umaALAB na totoo ang kanilang damdamin, 'lamoyon?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga, kase, itong sina ALAB eh nagsisilbing mga TALANGKA na nakapaligid ke PNoy porke silang dalawa ang LITERAL na kumihilang-pababa sa Pangulo dahil sila mismo eh hinihinalang gumagawa rin ng pandarambong sa utos daw ni PNoy? Susmaryopes!"

CION: "Unang-UNA, kung talagang wala silang ginagawang pandarambong sa kaban-ng-bayan batay sa ebidensiyang pinakakalat daw ni JimPol sa media, bakit hindi na lamang tumiwalag sina ALAB sa kanilang posisyon at sumailalim sa NBI investigation? Kung magkagayon, maisasalba nila sa kahihiyan ang Pangulo pati na rin ang kanilang sariling reputasyon! O, 'di ba?"     

Sunday, November 24, 2013

A DOUBLE-EDGED THING

ANA: "Kung tutuusin, parang doble-kara o double-edged pala ang isyu ng DAP against PNoy, noh? Kasi, puedeng ito raw eh OMISSION o kaya naman eh, COMMISSION. Pa'no ba 'yon?"

LISA: "Ang kilos daw kasi ni PNoy re DAP issue eh ipinagwalang-bahala (tolerating) raw niya 'yung mga pinaggagawa nina DA Sec Alcala at DBM Sec Abad kaya naman umaALAB ngayon ang umano'y bayarang grupo ng media na kasapakat ng isang POLICARPIO na alaga raw ni JPE?"

CION: "Tumpak kayo r'yan 'day. Parang lucky-punch na tumama kase ke PNoy 'yung bintang thru praise-releases ni Policarps vs PNoy na meron din umanong DIRECT PARTICIPATION ang Pangulo sa pandarambong ng DAP na racket daw nina Alcala-Abad o ALAB?"

Saturday, November 23, 2013

PORK WENT TO LEGIT PROJECTS - SEN CYNTHIA VILLAR

ANA: "Oy, 'lamobang merong PALA-PALA ring bloggers si Sen Cynthia dito sa Disqus na TANGApagtanggol nilang mag-asawa to Simplify1 explanations kuno kung pa'no ibe-verify ang milyon-milyong halaga ng proyekto ng mga Villars (Manny at Cynthia) na NAKALATAG sa ilalim ng tubig?"

LISA: "Ang Phl Navy eh sigurado akong meron silang nakahandang FROGMEN para sumisid o mag-imbestiga sa ano mang KRIMEN na nangyari sa ilalim ng tubig. Pero, maituturing ba kasi na krimen ang proyektong REHABILITATIONS of rivers ng mag-asawa?"

CION: "PLUNDER!!! Pero ang problema, sino ang sisisid sa BURAK para mag-imbestiga, ang Phl Navy? Phl Coastguard? ang PNP? o ang COA? Huwag naman sanang idamay ng mag-asawang Manny at Cynthia na gawing a la burak ang  isipan ng Pinoy re soft projects nilang nasa ilalim ng tubig na posible naman daw i-verify?"

Thursday, November 21, 2013

8 PAGES INTRODUCTORY/DISPOSITIVE PORTIONS OF 246-PAGE MEMO

ANA: "Talagang 'tong si JPE eh a la chess player sa kategoryang grand master, kase, nakakapag-isip ng PATIBONG sa kalaban na advance ng 10 moves, 'gaya nga ng LEAK daw ng Inquirer re 8 pages Memo ni Asst Omb Fangon, noh?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. 'Yung sobrang talino ng bastardong si Enrile na ginagamit laban sa mga mangmang na Pinoy eh magpapatuloy, sure ako, hanggang sa huling hantungan ng kanyang buhay, 'gaya ng kapwa niya bastardo ring si Ferdinand ONG Marcos, o, 'di ba?"

CION: "Yes, yes, yow 'day, perfect ang argumento mo. Kapwa lahing Intsik na salisi ang isip at kapwa rin anak-sa-labas, sina Enrile at Marcos ay napagkalooban ng kakaibang talino/tuso ni Lucifer bilang mga MANDARAMBONG ng kayamanan mula sa kaban-ng-bayan. Mag-ingat ang mga Pinoy!!!"

Wednesday, November 20, 2013

NON SEQUITUR (It does not follow)

ANA: Unang-UNA, ang gusto talaga ni Congreaseman Tiangco re DAP issue, eh GAPUSIN a la yobabs si PNoy para 'di ito makakilos at magmukhang walang silbing pangulo. How barbaridad naman pala ang utak nitong si Tiangco, 'di ba?"

LISA: "Oo nga 'ga, kase nga, kung igagapos (tatanggalan ng DAP) ang pangulo, ang pangulo'y MAKIKIUSAP sa mga lagislatongs na magpasa agad-agad sila ng pondo para tulungan ang mga nasalanta ng kalamidad, 'gaya nga ng pinsalang dulot ng daluyong ni Yolanda sa Tacloban."

CION: "Tumpak ka 'day. Alam naman kase ng Pinoy na super-bagal kung kumilos ang mga legislatongs porke dumidiskarte pa ang mga brightboys upang makipag-bargain sa Pangulo kung MAGKANO ang kanilang SOP!!! Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo???"

Tuesday, November 19, 2013

GRADATION

ANA: "Nasisilip ko na ang tunay na GRADATION o unti-unting pagbabago sa takbo ng politika sa Pinas dahil sa pagbasura ng SC sa PDAF. The end na ang pandarambong ng mga switik na politiko, tulad nina JPE, Jinggoy at Bong sa darating na 2016 elections, kase, wala na ngang PDAF. 'Yun eh kung puede pa silang kumandidato kahit nasa loob na sila ng kulungan, noh?"

LISA: "Korek, ang g'ling mo 'ga. Sa pagbasura ng SC sa pinagsasaluhang PDAF ng mga tongresmen at senatong eh sa'n pa kaya sila makakapangulimbat para pondohan ang kani-kanilang kandidatura sa 2016, maliban na lamang siempre kung sobra-sobra na ang naipon nilang datung mula sa pangungurakot ng PDAF, 'gaya nga ng 3 nabanggit mo, o, 'di ba?"

CION: "Tumpak kayo 'day. Dahil wala na ang PDAF, inaasahan ng Pinoy ang malaking improvement ng eleksiyon sa 2016 porke mas naintindihan na ngayon ng Pinoy kung pa'no sila pinaiikot DATI a la washing machine kada eleksiyon ng mga legislatong, kase nga eh, sagana lagi ng pondo ang kanilang spin doctors for vote buying sa mga ignoranteng nagbebenta ng boto!!!"

Monday, November 18, 2013

PATUTSADAHAN

ANA: "Hindi ba parang nagsilbing tulay si PNoy nang ipatawag niya si Tacloban Mayor Rumualdez para mag-usap ang mayor vs DILG Sec re sa lumalalang patutsadahan ng dalawa?

LISA: "Nagsisisihan kase 'yung dalawa eh. Walang sinoman ang umasa, maging si PNoy, Sec Mar o Mayor Romualdez, na daraanan ng PARAGOS ni Yolanda ang Tacloban, kaya naman kampante si Mayor Rumualdez at buong pamilya nito na manatili o magkubli na lamang sa kanyang seaside resthouse bago pa manalasa si Yolanda, 'di ba?"

CION: "Tumpak kayo r'yan 'day. Siempre, bilang Ama ng Tacloban eh sumunod lang ang mga constituents (anak) ni mayor na huwag na rin lumikas para umiwas sa paparating na super-bagyo, 'gaya ng kanilang (ama), bagkos eh tahasang sinuway ang paalala (warning) ni PNoy isang araw bago manalasa sa Tacloban si Yolanda. Hay, disaster talaga!"

Sunday, November 17, 2013

DALUYONG

ANA: "Hay, anoba'yan! Unang-UNA, 'yung mga BINAYarang taga-paikot re tinamaan ng storm surge (daluyong) ni Yolanda sa Tacloban, Leyte eh lalo pang tumindi ang pag-iingay, 'lamo'yon?"

LISA: "Oo nga 'ga. Sinusubukan nilang lunurin o gibain o baguhin ang direksiyong tinatahak ngayon ni PNoy - ang manatili sa Tacloban at personal na pangasiwaan hanggang sa MULING MAKABANGON ang nasalantang lungsod dulot ng daluyong ni Yolanda na 1st time lang nangyari sa kasaysayan ng Pinas, 'di ba?"

CION: "Sa halip sanang mag-ingay na animo mga natubigang-palaka eh magpaka-PILIPINO na lamang sila at manahimik sa pamamagitan ng pagtikom ng bibig at pag-urong ng kanilang dila. Translation sa English - PUT TONGUE-IN ANEW!!!"

Thursday, November 14, 2013

EVACUATE PEOPLE OUT OF LEYTE

ANA: "Ang payo bilang solusyon sa Yolanda crisis ng isang Pilipino blogger na isang design consultant (Mech.Engr.), hakutin daw ng gov't ang mga bata, mga babae, senior citizens at 'yung mga may sakit at ilipat sila pansamantala mula Leyte sa Subic upang matugunang mabuti ang kanilang mga pangangailangan tulad ng gamot, tubig, pagkain, tirahan, edukasyon upang maging normal na muli ang kanilang pamumuhay. Samantala, maiiwan sa Leyte ang mga malalakas na mamamayan para tumulong sa gagawing rehabilitasyon ng kanilang sari-sariling propiedad. Kaya bang gawin ang ganun?"

LISA: "Sa palagay ko eh kayang gawing ng Pinoy 'yan. Nung 1962 kase eh hinarumba ng super-bagyong Karen ang Guam, USA na 'sing lakas din ng Yolanda at matinding nasalanta ang Guam na 'gaya rin ng nararanasan ngayon sa Leyte. Inilipat lahat ng US gov't ang 45,000 kataong mga nawalan ng bahay mula Guam sa California, Wake Island at sa Hawaii, sa mga public buildings at tent villages, para sa kanilang rehabilitasyon upang maging normal na muli ang kanilang pamumuhay. Mahigit na dalawang-taon silang nanatili roon, 'lamoyon?"

CION: "Sabi nga nung Design Consultant na isang Mechanical Engr by profession, (Subic is designed as a logistic augmentation base of the 7th fleet before when the US Naval Base is under the US. It has a an all weather harbor for air craft carriers and even large medical ships can sustain its presence for a number of years. It has an airport, large hangars, hospital facilities, school buildings that can be converted to classrooms that can accommodate elementary and high school students. It has large spaces for temporary housing and tent spaces. It is a place where you can secure the area. It can accommodate temporarily 15,000 to 20,000 families)."     

"GREATER ACCURACY IN REPORTING YOLANDA CRISIS"

ANA: "Matalinghaga ang mga salita ni PNoy hinggil sa mga puna ng media people, partikular ang foreign media re greater accuracy in reporting Yolanda crisis. Kung nakikinig ka, ano'ng masasabi mo, ha?"

LISA: "Oo nga 'ga. NILIWANAG pa nga ng Pangulo na madaraanan na ng tuloy-tuloy ang LAHAT-LAHAT ng mga baradong lansangan sa Samar-Leyte upang makapaghatid ng tulong sa lahat-lahat ng mga nasalanta ni Yolanda sa pagsusumikap umano ng DPWH at DSWD na 24-oras na kumikilos kahit kulang-na-kulang sila ng mga tauhan, 'lamorin ba 'yon?"

CION: "May tama kayong pareho 'day. Pero, NAKALULUNGKOT, kase, 'di ito nakikita ng ilan nating mga kapatid sa media, bagkos, humahanap pa sila ng butas kung pa'no sadyang mapupulaan ng personal si PNoy! Huwag naman sana nilang isama ang POLITIKA sa ganito kalaking trahedya na, sa unang pagkakataon, ay dinaranas ng ating mamamayan sa Samar-Leyte. Daig pa nila ang MAKAPILI, pakapalan ng sobre, sure-na-sure ako!!!"   

Wednesday, November 13, 2013

"WHERE IS THE GOVERNMENT?"

ANA: "Dahil sa tanong ni Anderson Cooper, Reporter ng CNN, (Where is the government?) eh napulaan mismo ng mga netizen si PNoy porke HINDI dumarating ang tulong sa mga nasalanta ng Yolanda 5-araw matapos makaalis ang bagyo. Bakit kaya?"

LISA: "Nakalulungkot. Inaamin naman ng mga underlings o mga gabinete ni PNoy na ngayon lang talaga nakaranas ang Pilipinas ng ganito katinding pinsalang dulot ng bagyo sa ating kasaysayan at WALA pang SISTEMA ang gobyerno kung pa'no matutugunan agad-agad ang pagtulong sa 100% nasalantang kabuhayan ng mamamayan, maliban pa sa libo-libong namatay."

CION: "Sa halip na magturuan, magsisihan, mag-away o mag-grandstanding, sana'y maging mahinahon ang mga underlings na'to ni PNoy at sumunod sa mga inilatag na sistema ng mga kinauukulan para mapabilis ang 100% pagdamay, pagsagip at pagtulong sa mga biktima ng Yolanda."  

Monday, November 11, 2013

RESILIENT

ANA: "Ang word na RESILIENT, ibig sabihin sa Tagalog eh, bumabalik sa dating hugis, hubog, sukat o bigat matapos itong tamaan ng kidlat, tsunami, lindol o ano pa mang Act-of-God. Ang word na ito umano, ayon kay CDQ, ang inihalintulad na salita ni John Kerry, na RESILIENT daw ang 10,000 biktimang Pinoy at madaling maka-recover sa trahedyang idinulot ni Yolanda."

LISA: "Sa palagay ko 'ga eh 'di sinasadyang patutsada lang ni John Kerry tungkol do'n sa tinatayang 10,000 nasawing biktima ng bagyong Yolanda, ke mayaman o mahirap, maliban na lamang kung 'yung mga biktima eh politikong 'gaya nina JPE, Bongbong Marcos, Bong Revilla, Jinggoy Estrada o kaya'y mga may-ari ng Insurance companies, eh tunay na resilient nga siguro sila, 'di ba?"

CION: "Tumpak ka 'day. Gayunman, sana eh magbigay naman ng donasyon ang mga nabanggit mong politiko o negosyante sa mga nasalanta ni Yolanda upang kahit paano'y mailibing ng maayos ang mga nasawi. Ipinakikiusap ko rin huwag na lamang nilang ipaskil sa tri-media ang kanilang gagawing pagtulong in aid of legislation kuno, puede?"   

Sunday, November 10, 2013

ANARCHY!

ANA: "Naku, hindi na masawata ang mga kababayan nating biktima sa Leyte. Anarchy na kasi ang senaryo ngayon doon, 'lamoba? Sa Tacloban City eh tinamaan sila ng tsunami-like storm surge na apat na metro ang taas. Diyos ko pooo!"

LISA: "Hay, nakakalungkot talaga. Kasi, dahil sa delubyong dulot ng bagyong Yolanda eh nawala rin sa probinsiya ang lahat ng linya ng komunikasyon, elektrisidad, mga naputol na lansangan upang mahiwalay itong tuluyan sa kabihasnan. Nagresulta ito sa pagkagutom kaya nagkaroon ng malawakang looting sa lahat ng dako ng probinsiya!"

CION: "Mabuti naman at maagap din na napigilan ang looting doon ni PNoy bago pa lumala ang sitwasyon porke personal na dumating doon ang Pangulo na dala-dala ang relief goods. Kagyat siyang nag-utos na magpadala ng mga sundalo at pulis sa lugar upang magpatupad ng kaayusan. Tinatayang aabot sa 10,000 ang mga namatay mula sa mga baybayin dahil sa tinangay ng storm surge sa laot."    

Saturday, November 9, 2013

1200 VICTIMS OF TSUNAMI-LIKE WAVES

ANA: "Alam n'yo bang meron umanong 1,200 katao ang namatay na biktima ng supertyphoon Yolanda no'ng araw ng Biernes sa Tacloban City at mga karatig-bayan sa Leyte?"

LISA: "Oo nga 'ga. Lalo pang pinalala ng bagyong Yolanda ang kanyang destruction on a massive scale, partikular sa napuruhang pagtama nito sa Leyte, dahil sa dala nitong maximum sustained winds of 315 kilometers-per-hour (kph) na nagresulta sa tsunami-like waves storm surges na aabot sa 10-talampakan ang taas. Biro-mo-'yon?"

CION: "Totoo 'yan 'day. Ang APOCALYPTIC scenes na ito na kauna-unahang naganap sa kasaysayan ng ating bansa ay maging hudyat sana ng TUNAY-NA-PAGKAKAISA ng mga Pilipino para magtulungan, magdamayan at magbigayan. Nawa'y maging mahinahon ang lahat."   

Friday, November 8, 2013

WHY NAPOLES LIED?

ANA: "Bakit ba kase masyadong interesado ang Senado na mang-agaw ng eksena re plunder case ni Janet, samantalang nasa hurisdiksiyon na 'to ng Ombudsman, ha? In aid of reelection? Ay, 'kakahiya naman sila, 'di ba"?

LISA: "Oo nga 'ga. Biruin mong pinagtulung-tulungan nila si Janet pero 'di nila 'to napiga kahit na a la bagyong Yolanda ang lupit ng hagupit ng mga tanong ni Brenda. Pinanindigan talaga ni Janet na (wala siyang alam) porke high school graduate lang siya, ayon mismo ke Brenda. Hay, supalpal!"

CION: "Gusto kasing kalkalin ni Brenda na dahil sa mababang pinag-aralan ni Janet, hindi nito kayang mag-isa na imaneobra bilang ekspertong mandarambong ang multi-billon halaga ng PDAF kung walang kasamang kasing-talino halimbawa ni JPE bilang mastermind?"

Thursday, November 7, 2013

BRENDA TOLD JANET: TALK OR DIE

ANA: "Wa epek 'yung mabalasik na pagtatanong ke Janet ni Brenda (u talk or die), kase, mas sampalataya ang UNA sa kanyang sarile na maa-absuelto siya sa kasong plunder, bukod pa sa posibleng pagbigyan din ng Korte (dahil-sa-kapal) ang kahilingang makapag-piyansa sa kasong kidnapping, 'di ba?"

LISA: "Me kutob akong magkakatotoo ang haka-haka mo 'ga. Pero sigurado akong iko-contempt ng Senado si Janet upang patuloy siyang nakakulong, mula sa kulungang bungalo ng PNP sa Laguna, ililipat sa a la 5-star hotel na kuwarto sa GSIS Bldg kung saan naroroon ang seat ng Senate, peksman!"

CION: "O, makinig kayo - 'di ito haka-haka, 'noh ha? Talagang mas magiging komportable si Janet sa magiging kalagayan niya bilang bilyonaryong plunderer na nakakulong. Napipiho ko, maraming Pinoy ang magdo-doctorate kapag nagpatayo ng graduate school si Janet - Phl Univ of Plunder (PUP) - kasosyo sina JPE, Junggoy at Amazing Kap. Perfect!!!"

Wednesday, November 6, 2013

WILL JANET TALK?

ANA: "Oy, 'di ba nakapagtataka, bakit alam na ng mga senaTONG, partikular si Sen Gunggongna, na HINDI magsasalita si Janet laban sa kanyang sarili, eh pilit pa rin siyang pinadadalo ngayong araw sa Senate hearing para PAAMININ siyang a la sirkera sa karnabal, 'di ba?"

LISA: "Ang nasisilip kong dahilan dito kase eh sariling INTERES ni Gunggongna at mga kakosa sa Senado ang show na'to, para turuang maging a la PARROT si Janet upang magsalita para lumubog sa kumunoy ang posibleng kalabang senaTONG ni Gunggongna for VP sa 2016, peksman!"

CION: "Para sa'ken, mas mabuting isama na rin sa panukala ng People's Initiative ni ex-CJ Puno na buwagin na ang buong TONGress, period!!!" 

Tuesday, November 5, 2013

ORIGINAL SIN

ANA: "Oy, 'lamobang sinabi ni CDQ na wala isa man daw ang naparusahang mandarambong mula pa noong kopong-kopong, 'tsaka, wala ring naibalik sa mga dinambong, ke kayamanan man o bagay?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Kase, umagos at humalo na ang panahong lumipas at humubog na rin sa kasalukuyan nating panahon ang tindi ng pandarambong mula sa kaban-ng-bayan, 'gaya nga ng Janet Lim-Napoles plunder case na a la Imelda, 'di ba?"

CION: "Oo nga 'day, kung ibabase kasi ang kaso ngayon ni Janet sa kaso noon ni Imelda hinggil sa pandarambong mula sa kaban-ng-bayan, ang tanong na umuukil-ukilkil sa utak ko eh, magiging senaTONG o TONGreasemen din kaya ang mag-asawang Napoles o mga anak sa malapit na hinaharap, 'gaya ngayon nina original sinners Imeldific, Imee at Bongbong?"


Monday, November 4, 2013

DRILON, NAPOLES CHARGED W/ PLUNDER OVER MALAMPAYA FUND MESS

ANA: "Bakit parang wala sa ayos ang isinampang plunder case ni Augusto Syjuco Jr vs SP Frank Drilon at Janet Lim-Napoles, kase, parang KSP (kulang-sa-pansin), 'di ba?"

LISA: "Kitang-kita naman talaga ng Pinoy ang kanyang walang binatbat na ebidensiya, bagkos, puro hearsay lang para guluhin ang isipan ng people-of-the-Phl? Ang motibo niya kase eh maging hero siya? Susmaryopes!"

CION: "Sa pagkaka-alam ko eh meron ding kinakaharap na kasong plunder si Syjuco na naunang isinampa ng DoJ laban sa kanya. So, ang motibo niya marahil eh balansehin ang isipan ng Pinoy. Ibibigay ko, kung gan'on, ang balanseng opinyon ko ke Syjuco - 'gaya ng mandarambong na si Janet, et al, IKULONG DIN si Syjuco - reclusion perpetua!!!"   

Sunday, November 3, 2013

RUNNING ON FAITH

ANA: "Gusto kong i-share 'yung sinasabi sa Holy Bible partikular kina onorabol SP Frank Drilon at onorabol DBM Sec Butch Abad re: isang basket ng kamatis na bitbit ni PNoy. O, makinig kayong maige."

LISA: "Ako, ako ang magbabasa - ".. we are one body in union with Christ, and we are all joined to each other as different parts of one body. So we are to use our different gifts in accordance with the grace that God has given us. If our gift is to speak God's message, we should do it according to the faith that we have; if it is to serve, we should serve; if it is to teach, we should teach; if it is to encourage others, we should do so.." (Romans 12:5 to 8)

CION: "Ay, bilib ako sa inyo 'day ang g'leng talaga n'yo. Para sa'ken, kung ayaw magkusa, tanggalin na lang ni PNoy ang dalawang bulok-na-kamatis sa loob ng kanyang basket upang huwag nang humawa pa sa mga sariwang kamatis, o, 'di ba?"      

Saturday, November 2, 2013

SEN JUNGGOY FLIES TO U.S., BUT WITHOUT WIFE PRECY

ANA: "Ay, anoba'yan? Bakit pulos legal remedy na ang masigasig na inaatupag ni senaTONG Junggoy, noh? Balak ba niyang mag-great escape a la Ate Glo no'n para 'di maisalang sa plunder case?"

LISA: "Iba naman ang diskarte ni Junggoy, kase, wala siyang wheel chair. Batay ito siempre sa pakana ng de-kalembang niyang abogado, Estelito Mendoza, dating Solicitor General at Gobernador ng Pampanga noong panahon ng matial law, o, getz mo?"

CION: "Tumpak kayo r'yan 'day. Kasi, taliwas sa kanyang unang hirit na samahan for medical check-up sa US ang asawang si Precy, aba eh, umiskerda si Junggoy na mag-isa, pero babalik naman DAW, kung kailan? ewan!!!"

Thursday, October 31, 2013

SI VIS PACEM, PARA BELLUM

ANA: "Palagay ko eh nabasa ni PNoy 'yung Latin phrase na ipinayo kamakailan ni Sir Leo sa Disqus - Si Vis Pacem, Para Bellum (If you wish for peace, prepare for war) - noh? Kase, gumawa ng anunsiyo si PNoy no'ng 'sang gabi para sa taong-bayan re: PDAF, DAP issue. Sikat!"

LISA: "Sikat tayo? Ewan. Sabagay, parang nasa fighting mood si PNoy ng niliwanag niya sa Sambayanan na NILALABUSAW ng mga onorabol na sangkot sa pandarambong sa pangunguna raw ng isang huklubang politiko (JPE?), para isangkot din mismo si PNoy sa pagnanakaw nila mula sa kaban-ng-bayan? Susmaryopes."

CION: "Korek kayo r'yan 'day. Kaya nga lumantad na si PNoy noong 'sang gabi at totoong handa nang sumabak sa DIGMAAN laban sa mga plunderer at siguradong 'di niya 'to tatantanan hangga't hindi lahat sila masasadlak sa kalaboso dahil sa kanilang kababuyan. Pang-RECLUSION PERPETUA 'yan, peksman!!!"

Wednesday, October 30, 2013

PACHYDERMOUS PORK LOVER

ANA: "Ay, alam ko ang meaning ng pachyderm - any very large THICK-SKINNED mammal (read: legislaTONG) - eh saktong-sakto sa kategoryang 'gaya nina JPE, Junggoy at Amazing Kap, o, 'di ba?"

LISA: "Yes, yes yow. Pero bago kumapal ang 'yong balat upang 100 percent kang ganap na PACHYDERMOUS, eh kelangan munang eksperto ka sa paglamon ng Pork mula sa sabsaban ni Janet. 'Yan ang kondisyon!"

CION: "Kung pamimiliin kayo 'day ng mas babagay na katawagan sa mga onorabol legislaTONG, alin ang pipiliin n'yong puedeng ikabit sa pangalan nila bukod sa onorable: pachydermous? mandarambong? magnanakaw? bobo? or ALL OF THE ABOVE?" 

Tuesday, October 29, 2013

TAONG-GRASA

ANA: "Alam ko ang ibig sabihin sa Tagalog ng phrase na political pariah - taong grasa. Pinangungunahan 'yan ng mga taga-legislative (senaTONG/TONGreasemen), mga taga-executive (aBAD/Drilon) at mga taga-judiciary (isang justiis ONG).

LISA: "Ay sinabi mo. Silang lahat ngayon eh pawang mga urong ang dila, ibig sabihin naman sa ingles - put tongue-in anew - 'tsaka nakukulapulan din ng mantika ng baboy ang kanilang utak at isipan, peksman."

CION: "Sana Lord, sa gabi ng Halloween, magsitulog ang mga taong grasa ng mahimbing at SLN ang mga kaluluwa para magkaroon ng tunay na kapayapaan ang Pilipinas. Santa Iglesia Ni Kulapo, ipanalangin mo kaming makasalanan. AMEN...!!!"

Monday, October 28, 2013

TEFLON

ANA: "Oy, 'lamoba kung ano ang meaning ng word na teflon? Kase, hinahanap ko sa diksiyonaryo kung ano ang ibig sabihin pero 'di ko makita. Hindi kaya trademark 'yon?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Kasi, nag-research din ako at trademark nga pala ang word na teflon at ang ibig sabihin eh POLYTETRAFLOUROETHYLENE, a 23-letter word. O, bakit?"

CION: "Tumpak! ang gagaling n'yo 'day. Si PNoy kasi eh inihahalintulad ng mga taga-foreign media na kagaya raw siya ng teflon. HINDI DUMIDIKIT ang langis sa teflon, hindi katulad ng mga taong-grasa, 'gaya ng senaTONG at TONGreasemen, na nakukulapulan ng mantika ng baboy pati na rin mga taong nakapaligid ke PNoy, 'gaya nina aBAD at Drilon, 'di ba?"   

Friday, October 25, 2013

FORCED DISAPPEARANCE

ANA: "Parang walang ipinag-iba ang cover-up case vs AFP re: forced disappearance ni Jonas Burgos sa kasalukuyang plunder case naman vs Janet Lim-Napoles, kasama ang mga onorabol cohorts na senaTONGs/TONGressmen, kasi matindi rin ang cover-up, 'di ba?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. 'Gaya nga ng AFP, ang mga onorabol na sangkot sa SABSABAN ni Janet eh animo mga mafia rin, kase, pakiramdam nila eh kaya nilang paikutin a la tsubibo ang Pinoy sa pamamagitan ng kanilang mga bayarang professional spinners. Hay, juice ko."

CION: "Bilib ako sa walang takot at pagkasawa ng nanay ni Jonas na si Aling Editha na ipaglaban ang karapatang mapanagot ang mga sundalong dumukot sa anak. Maging huwaran sana si Aling Editha ng Pinoy taxpayers re: plunder case vs Janet, et al. at huwag rin silang magsasawang ipaglaban ang karapatang maipakulong lahat ang mga onorabol na mandarambong. 'Yun lang!!!"

Wednesday, October 23, 2013

"EYES ON THE BALL"

ANA: "Napapanahon ang paghikayat sa media ni PNoy  re: (eyes on the ball) para umano pagtuunan ng pansin ng media na matinding UMAARIBA ang spin boys ng mga sinampahan ng kasong plunder na sina onorabol JPE, Junggoy at Amasing Kap, 'di ba?"

LISA: "Ay tumpak na r'yan 'ga. Ito'y para labusawin nila ang isyu ng DAP na kagaya rin daw ito ng PDAF na nagsilbing SABSABAN ng mga legislaTONG mula sa 2 Houses of Congress, peksman."

CION: "Sakto 'yan 'day. Ayon nga ke PNoy eh sinusundan ng masusing imbestigasyon kung saan ikokonekta ang bulto-bultong ebidensiya vs 35 akusado ng plunder buhat sa dinambong nilang P10B halaga ng PDAF mula naman sa sabsaban ni Janet. Inaasahan ng Pinoy na maraming legislaTONG ang makukulong habang-buhay?"

Tuesday, October 22, 2013

DE LIMA WANTS GIGI AND RUBY SUMMONED ON PORK BARREL SCAM

ANA: "Humirit si Ma'm Leila de Lima para paharapin din sa Senate Blue Ribbon Committee hearing si Gigi Reyes at Ruby Tuason. Si Reyes eh identified ke JPE samantalang si Tuason eh identified naman ke ex-FG Mike?"

LISA: "Ay, scripted lang 'yan, kase, walang alinlangan na magiging a la karnabal at moro-moro ang imbestigasyon na isasagawa ni Sen Gunggongna, lalo na siguro kung isasalang din sa witness stand ang mga onorabol na sina JPE, Junggoy at Amazing Kap, o, 'di ba?"

CION: "Tumpak kayo r'yan 'day. Certainly, ang epal ni Janet sa Senado eh a la Miss World Megan ang dating, kasi, aalalayan siya sa kanyang pag-upo sa trono for live interview mula sa mga hurado sa pangunguna nina onorabol SP Drilon, Marcos, Sotto, Peter Cayetano, Cheeze na pawang mga KASANGKOT? Pero lilitaw t'yak sa isipan ng Pinoy na talagang WALANG-ALAM ang mga nasabing hurado na 'gaya nina Junggoy, Tito, Lito at Bong na pawang mga taartits?"  

Monday, October 21, 2013

2 COA AUDITORS FACE RAPS

ANA: "Bilib talaga ako sa tibay ng CoA kasi 'ala silang distraction mula sa distortion ng mga bayarang spin boys nina Ate Glo, Eddie Ermita, Nasser Pangandaman at Rolando Andaya re: misuse of the P900M from the Malampaya Fund, 'lamo'yon?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Bagkos eh lalo pang pinatibay 'tsaka pinalakas ng CoA ang hawak nilang documentary evidence vs dinambong na Malampaya Fund ng grupo ni Ate Glo, o, 'di ba?"

CION: "Yes, yes yow! Kaya nga sampalataya akong masasampahan din ng kasong plunder ang dating gangmates ni Ate Glo at siempre, sama-sama together sila ng grupo naman ni JPE sa KALABOSO habang nililitis ng usad-kuhol sa Korte ang kaso dahil sa pagmamaneobra ng kani-kanilang spin boys. Hmmpp, buti nga!"

Sunday, October 20, 2013

JANET REQUIRED TO APPEAR BEFORE THE SENATE ON NOV 7

ANA: "Masaya 'to, kasi a-appear na rin sa wakas si Janet sa Senado matapos ang (delaying tactics) ni SP Frank Drilon porke halos 'sang buwan INANTALA ito ni SP sa ipinatatawag na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ni Sen Gunggongna, 'di ba?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Sinadyang ibalam ng sapat-sapat na panahon ang pagharap ni Janet sa Senate investigation para makagawa siya ng deposition, sa tulong ni SP? na pirmado siempre ni Janet at hindi na mababago ano man ang posibleng AKSIDENTE na maaaring ikamatay niya habang patungo ito sa kanyang hearing sa Senado sa Nov 7, peksman!"

CION: "Ang tatalino n'yo 'day, sobra. Napansin n'yo rin ba na halatado ngayon ang pananahimik ng 3-itlog na tila naBUGOK sa laki ng kakaharaping problema? O, anong say n'yo, ha?"

Saturday, October 19, 2013

EX-GENERALS TO PNOY: GIVE UP YOUR PORK

ANA: "Susmaryopes, bakit nakisawsaw na naman ang Military sa political issue na lumiligalig sa Phl? Sadyang nagbubuhos ba sila ng gasolina sa nagliliyab nang isyu ng pandarambong na pinangungunahan ng mga legislators?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Kung tutuusin nga eh utak-military ang pag-iisip ni Janet Lim-Napoles porke dating kasapi sa Marines ang kanyang asawa na si Jaime, 'di ba? Samakatwid, 'yung istilo ngayon ng pandarambong ng mga legislaTONGs at OXOcutives eh hango sa utak ng Military, partikular sa utak ng mga PMAers, peksman!!!"

CION: "Tumpak kayo 'day, ang g'leng-gleng n'yo, wala na akong masasabi pa maliban sa higing ng utak ko, for sure, na merong kinalaman ang pakikialam  na'to ng Military dahil sa UTOS nina onorabols JPE at Punasang?"

Friday, October 18, 2013

QUALIFIED SEDUCTION

ANA: "Meron nagsabing qualified seduction daw ang dramang ito sa buhay ni Freddie 'Anak' Aguilar, kase, 16 anyos lang ang kanyang girlfriend na balak niyang pakasalan, 'lamoba'yon?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Ang payo nga ni ex-Monsi Oscar Cruz eh hintayin daw ni Lolo Freddie na sumapit ang dalaginding na nililiyag sa edad na 18, bago sila magpakasal legally, para walang hassle, o, 'di ba?"

CION: "Kung 2-taon pa pala ang hihintayin ni Lolo para ligal na mapakasalan ang kanyang girlfriend, t'yak na gagamit na si Lolo ng viagra bago niya mabarukbok ang dalaginding na waswit, peksman. Pero kung sakaling mabubuntis ngayong panahon ang dalaginding ni Lolo sa tindi ng gigil, EBIDENSIYA ito para makukulong siya. Hay, sana nga, juice ko pong mahabaGIN!!!"

Thursday, October 17, 2013

SENATORS BICKER OVER PORK BARREL

ANA: "Naku naman, 'ala man lamang bang nakaisip at magsingit sa kanilang agenda kung ANO ang magagawang TULONG ng buong Senado re: Bohol Tragedy sa ipinatawag nilang caucus o closed door meeting kahapon?"

LISA: "Eh, trabaho kasi ng executive branch of gov't 'yan! Tingnan mo ang  pagsisiga-sigaan ni Sen Junggoy habang nasa closed door meeting na ayon sa report eh binu-bully ang mga kapwa senatong na akala niya eh pawang mga kindergarten students sila, 'di ba?"

CION: "Umuusok siya sa galit, kase, pinasasauli sa kanya 'yung mga HAM sandwiches na dinukwang niya mula sa mga bag ng kaklase niya samantalang  naLAMON na niya ito LAHAT-LAHAT! Pa'no nga naman niya maisasauli ang ham kung nabundat na siya, noh?"

Wednesday, October 16, 2013

NOTICE OF DISALLOWANCE

ANA: "Oy, 'lamobang nag-anyong sanggano si Sen Junggoy 'gaya ni Asiong Salonga nang makipagSAGUTAN (debate?) sa isang abogadang hepe pa man din ng COA re: perang nilustay ng una para sa pansarili mula sa PDAF?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Katulad nga nina JPE, isa ring dekalembang na lawyer at ang taartits na si Amazing Kap, ang sinisisi ng una sa pangungulimbat ng pera ng bayan eh si ma'am Gigi na dati niyang CoS, samantalang ang taartits naman eh pineke umano ang kanyang pirma? Susmaryopes na senatong kayo!!!"

CION: "Mabuti nga na pinadalhan sila ng COA ng Notice of Disallowance para maisauli ang mga kinulimbat na PDAF, otherwise, eh maaaring kumpiskahin ng gov't ang kanilang mga ari-arian. Perfect, 'di ba?"

Monday, October 14, 2013

BRENDA: IF YOU DON'T GET IT, YOU ARE A FOOL

ANA: "Satiriko talaga 'tong si Sen Brenda, sabi niya kase - bugok kang politiko ka kung 'di mo alam na merong gustong ipahiwatig ang INC - o, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. 'Di tayo mga politiko and therefore 'di rin tayo mga bugok, pero alam-na-alam natin ang gustong ipabatid sa publiko ng INC - ibasura ang PDAF and DAP for good. 'Yun lang!!!"

CION: "Tumpak! 'Tsaka, isama rin sa imbestigasyon sina aBAD, Drilon at lahat ng senatong na tumanggap ng tig-P50M suhol mula kina aBAD at Drilon, at kasuhan sila ng plunder kung merong malakas na ebidensiya. Mapipilitang pansamantalang magsasara ang Legislative branch of gov't KUNG mawawalan ng quorum ang Senado, t'yak 'yon!"

Sunday, October 13, 2013

REQUIRE MC DRIVERS TO TRAIN ON ROAD SAFETY

ANA: "Ano ba naman 'TONG si promdi congreaseman Sarmiento na tila 'di dumaan sa physical safety riding test para sa pagmamaneho ng motorsiklo pero nabigyan ng driver lisence mula sa LTO dahil sa nakipagPALAGAYAN lang ito doon?"

LISA: "Oo nga 'ga. 'Yan ang hirap sa mga legislatong na 'di natitighaw ang talento sa paggawa ng pagkakaperahan, hhmmp! Bakit oobligahin ni promdi tongresman Sarmiento ang mga motorcycle dealers na sila ang magsagawa ng function ng LTO re: physical safety driving test sa mga bumibili ng motorsiklo, ha?"

CION: "Ang akala marahil ni promdi tongresman Sarmiento, lahat ng bumibili ng motorsiklo eh kagaya niyang nagkaroon ng driver license mula sa LTO na hindi dumaan sa safety driving test dahil nagLAGAY? Hay naku, maligtasan nawa ni promdi tongresman Sarmiento at 'wag matigok sa bawat aksidenteng kakaharapin nito habang nagmomotorsiklo, kase, walang physical driving test mula sa LTO, 'di ba?"

Saturday, October 12, 2013

P100M EACH FOR 6 SENATORS FROM DBM/DRILON?

ANA: "Nakalulungkot naman ang utay-utay nating natutuklasan hinggil sa umano'y releasing ng DAP mula kina aBAD at Sen Drilon bilang SUHOL daw sa 6 na senatong, noh? Sino-sino sila, kilala mo?"

LISA: "Siempre, sikat na sikat sila sa buong Pinas, kase, makapal na ang nakakulapol na apog sa kanilang mukha dahil nangangatuwiran pang pineke lamang daw ang kanilang pirma kung kaya nai-release ang milyon-milyong suhol sa kanila? Juice ko pong mahabaGIN!!!"

CION: "Alam n'yo bang wala nang natitira pang dignidad o katiting na kahihiyan man lamang sa mga legislatong na 'to, kasama ang kani-kanilang bayarang-tao na nag-uurutan na rin hanggang dito sa internet, 'di ba onorabol Amazing Kap, Sir? T'yak na walang quorum ang Senado kung makakasuhan ng plunder ang mga senatong na 'to, peksman!"

Friday, October 11, 2013

SPEAKER SB: VERBOTEN

ANA: "Eh. bakit gumagamit pa ng salitang Aleman si House Speaker SB para lang HINDI masyadong maintindihan ng publiko na gusto niya, personally, na tuloy-tuloy pa rin ang PDAF?"

LISA: "Ang ibig sabihin kasi ng German word na VERBOTEN na ginamit ni SB means forbidden or prohibited sa wikang Ingles, ie, (Post-GAA determination by legislator is verboten)."

CION: "Samantala, tila meron ding kabulungan si Sen Ang Ara sa SC, kase, sinasabi niyang hayaan na raw ng mga onorabol legislatong na ang SC ang gagawa ng MANDATO kung permanente o kada taon lang na tatanggalin ang PDAF? Magkano, onorabol inJustiis Carps, Sir?" 

Thursday, October 10, 2013

RECTO: P130B MALAMPAYA FUND GONE

ANA: "Si Mr Vilma Recto, sa palagay ko, eh merong pagka-lackadaisical. Ano naman sa palagay mo ha?"

LISA: "Lackadaisical, ibig sabihin sa Tagalog, nangangarap? Ay tumpak ka r'yan 'ga. Eh pinipilit na pagtakpan ni Mr Vilma ang kanyang naunang palpak na pahayag na ayon sa kanyang mapangaraping utak eh NALUSTAY na raw ni PNoy ang P130B balanse ng Malampaya Fund?"

CION: "Natural lang sa trapong si Mr Vilma na maghanap ng PALUSOT para mapagtakpan ang kanyang pagka-PAHIYA sa mga palpak na pahayag nito re Malampaya Fund, na sa halip na makaungos sa kanyang pamumulitika, eh baka itakwil pa siya ngayon ng kanyang kinaanibang partidong mismo'y binabatikos nito. SUWAIL!!!"

Wednesday, October 9, 2013

INSIPID AND INSIDIOUS

ANA: "Oy, 'lamobang 'yung batikos ni PNoy's partymate na si Mr Vilma Recto at pinatatamaan mismo niya si PNoy 'gaya ng walang sawang pagbabatikos din ng UNA, eh INSIPID and INSIDIOUS, ayon ke CDQ sa kanyang kolum ngayong araw?"

LISA: "Oo nga 'ga. Ibig sabihin eh walang kalatoy-latoy (insipid) bukod pa sa mapanira (insidious), kase, wala namang intensiyon ang mga kalaban sa politika ni PNoy kundi ang maghasik at sindakin ang isipan ng publiko vs PNoy na 'sing-corrupt din umano siya nina Erap at Ate Glo?"

CION: "Korek kayo r'yan 'day. Mantakin n'yong nag-SS (imbento) ng istorya na animo Reporter si Mr Vilma Recto na nawawala ang P130 BILYON pondo ng Malampaya, pero kagyat namang pinasinungalingan ito ni Dep Treas Christine Sanchez porke P140B umano ang totoong balanse ng Malampaya Fund which amount is under a special account in the GF. O, kitam, Mr Vilma?"

Tuesday, October 8, 2013

IS DAP UNCONSTITUTIONAL?

ANA: "Ang tanong kahapon sa SC hearing ni SC Justice Tony Carpio sa mga kumo-kuestiyon sa ligalidad ng PDAF at DAF eh sinagot ng (unconstitutional) daw ito, ayon ke Atty Alfredo Molo III, abogado ng talunang kandidatong senador Grego Belgica."

LISA: "Ang Presidential Decree (PD) No. 910 na inisyu ni Diktador Ferdie Marcos no'ng 1976 - (Authorizing the President to use proceeds from the Malampaya gas project off Palawan province for other projects other than energy development) - eh UNCONSTITUTIONAL? Kailan pa?"

CION: "Matatandaan na ang isyung ito mismo eh dumaan na rin sa pagdinig ng SC at dalawang-beses pang idineklara na CONSITUTIONAL ang PDAF, 'di ba Fred Molo? O, baka naman sour grapes lang ito ni Onorabol Carpio, hhmm?" 

Monday, October 7, 2013

MALAMPAYA FUND IS COVERED UNDER A PD

ANA: "Eh meron naman palang pinagbabasehang presidential decree o PD ang Malacanang para legal na magamit ang Malampaya Fund, ayon ke Spokesman Lacierda, o, 'di ba?"

LISA: "Oo nga 'ga. Pero masyadong matabil ang dila ng mga abogadong de-kalembang na sina ex-Sen Joker, Sen Brenda at ngayo'y kakosa sa LP na si Mr. Vilma Recto, na kesyo puedeng kasuhan ng plunder si PNoy pagkatapos ng term nito?"

CION: "Kasi nga 'day, ang pinagbabatayan nila eh wala pa umanong batas na ipinasa ang 2-TONGgreso para lustayin ng Malacanang ang bilyon-bilyong kuarta mula sa Malampaya Fund! Hay, juice ko pong mahabaGIN naman, naman, namannnn!!!"

Sunday, October 6, 2013

QC IDLE LAND OWNERS TO TURN THEM INTO PARKING LOTS?

ANA: "Kung iko-convert ni QC Mayor Bistek ang lahat ng bakanteng lote sa QC para gagawin daw na paradahan ng mga sasakyan, hindi kaya naghihikayat lamang si yorme ng pagkakakitaang ligal ng kanyang palakpak boys a la istilong mafia?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga, nasisilip mo rin ang nasisilip ko. Kasi, kakasangkapanin ni Bistek ang City Council para magpasa ng ordinansa na kunwari eh uupahan ng QC gov't ang mga bakanteng lote sa buong QC mula sa mga nagmamay-ari nito pero kalaunan eh kakasuhan dahil sa mga imbentong kaso vs landowner at tuluyang kukumpiskahin ang kanilang property?."

CION: "Napaka-simpleng solusyon lang naman ang problema ni Bistek. Bakit 'di na lang niya kopyahin ang batas ng HongKong at Singapore re: traffic regulation na hindi puwedeng bumili ng pribadong sasakyan ang sino mang buyer kung walang sariling garahe ito sa bahay? Very simple, 'di ba?" 

Friday, October 4, 2013

REALIGNMENT IS THE MODUS OPERANDI

ANA: "Oy, 'lamobang sina senatong Junggoy, Amazing Kap, Bongget at Tito Sen eh pare-pareho ang modus-operandi kung pa'no sila magnakaw ng kuarta mula sa kaban ng bayan? Pineke raw ang kanilang pirma kaya pinayagang ma-release ng DBM ang P100M pork barrel ng bawat isa sa kanila. Mantakin mo 'yon?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Peke umano ang pirma ng letter-request for realignment of PDAF ng 4 na legislatong sa DBM para ilipat sa National Livelihood Development Corp (NLDC) na siya namang gagawa ng endorsement sa SABSABAN ni Janet para sa implementasyon kuno ng proyekto."

CION: "Ang special allotment release order (SARO) No. E-11-01881 dated Dec 6, 2011 ni Amazing Kap; SARO No. E-11-1882 dated March 16, 2012 ni Junggoy; SARO No. E-11-1883 dated March 16, 2012 ni Bongget; at, SARO No. E-11-1884 dated March 21, 1884 ni Tito Sen, eh pawang umano'y PEKE ang pirma ng 4 na senatong. Juice na mahabaGIN!!!"

Thursday, October 3, 2013

6 EX-PNP TOP OFFICIALS ARRAIGNED

ANA: "Binasahan ng kasong graft ang 6 ex-PNP top official ng Sandiganbayan kahapon. Eh, hindi ba dapat eh kasong plunder na walang piyansa ang charges? Kasi, binayaran ng P131.5M ang biniling 75 units of rubber boats na hindi magamit dahil hindi lumulutang sa baha?"

LISA: "Ay, oo nga. Kapag somobra sa P50M ang dinambong na halaga ng kuwarta mula sa kaban ng bayan eh plunder nga sana ang dapat na ikakaso at hindi ordinaryong graft charges lamang para makakapag-piyansa ang mga mandarambong."

CION: "Wala na sigurong opisyal ng AFP o PNP ang makakagawa ng katapangan ni ex-AFP CoS Angie Reyes na sobrang manipis ng kanyang kara at kahihiyan re: anomaly na kinasangkutan niya, kaya nagbaril na lamang sa sarili. Sa kaso ni Versosa et al, pakapalan sila ng APOG sa mukha!" 

Wednesday, October 2, 2013

PNOY: DOCTORED 4 MECHANISMS ADD UP TO P1 TRILLION YEARLY

ANA: "Oy 'lamo, sa halip na mapikon eh sinagot ng diretso ni PNoy ang kanyang a la kokak na mga kritiko at isiniwalat ang apat (4) na mekanismong ginagamit sa pandarambong no'ng panahon ni Ate Glo."

LISA: "Oo nga 'ga. Ang 4 na nasabing mekanismo na para kang nagdarasal ng rosaryo na paulit-ulit kada taon; 1. reenactment budget, 2. Malampaya fund, 3. rice importation, at 4. padrino system, eh itinigil na mula pa ng humaliling maupo bilang Pangulo si PNoy."

CION: "Korek kayo r'yan, 'day. Uma-average sa P1 trillion every year sa loob ng halos 10-taon ang dinurugas ng mga palakpak people ni Ate Glo at ang iba rito eh namamayagpag pa rin hanggang sa kasalukuyan sa ilalim ng PNoy administration. Sila ang animo natubigang mga palaka na walang maipakitang ebidensiya vs PNoy maliban sa verbal at walang habas na pang-iinsulto below-the-belt!"

Monday, September 30, 2013

LIKE A HUMPTY DUMPTY SENATE?

ANA: "Oy, ano ba ang ibig sabihin ng Humpty Dumpty Senate na bokadura ni CDQ sa kanyang kolum, ha? Litsong baboy ba 'yon na malutong, masarap at mamantika at nagmamarka sa nguso ng sino mang ngangasab?"

LISA: "Ang humpty dumpty eh kasabihan ng mga Briton na ang ibig sabihin eh isang taong bansot, mataba at nanggigitata ang katawan, medyo sayad ang utak dahil sa init ng basurang walang habas nitong kinakalkal. O, getz mo?"

CION: "Ang buong legislative branch of gov't kasi eh NABILAD sa init ng pagkasugapa ang mga legislatongs sa walang habas na pagkalkal sa kanilang Pork Barrel kaya na-immune ang kanilang utak dahilan para hindi na tumalab sa kanila ang KAHIHIYAN."

Sunday, September 29, 2013

MOVE TO COVER UP P50M BRIBE?

ANA: "Sabi nung 'sang dating abogado no'n ni ex-CJ Crown (Whether or not it is bribery, rests on the concience of each senator,) tungkol sa IKINANTA ni Sen Junggoy re: ipinamudmod ng DBM thru SP Drilon na P50M INCENTIVE kada senatong na bumoto sa impeachment ng ex-CJ."

LISA: "Umangal din pala si ex-Sen Joker kasi, P35M lang umano ang kanyang tinanggap na suhol samantalang hindi naman siya bumoto para ma-impeach ang ex-CJ, 'gaya rin ng NO votes nina Sens Bongget at Brenda, kung kaya kapwa sila hindi tumanggap ng tig-P50M, o, 'di ba?"

CION: "Inamin naman ni DBM bigboss Butch aBAD na tinanggihan daw ni ex-Sen Ping ang P50M suhol na pabuya sa mga senatong na bumoto pabor sa pagsibak bilang CJ ng SC si Rene Crown. Kasi, bumoto para sa conviction ng ex-CJ si ex-Sen Ping pero tumangging magpasuhol, peksman."

Saturday, September 28, 2013

DELICADEZA AND SENSE OF HONOR

ANA: "Ano bang ibig sabihin nung phrase ni Sir Randy na (delicadeza and sense of honor), ha? Para bang litsong-baboy 'yon na malutong, masarap, mamantika at nagmamarka sa nguso?"

LISA: "Heh! Hindi pagkain ang phrase na 'yan kundi kaugalian ng tao, 'gaya ng ugali ng mga opisyal ng gov't, ugali ng mga sikat ng kolumnista tulad ni Sir Randy at ugali ng ordinaryong Pinoy. O, bakit?"

CION: "Korek ka r'yan, 'day. Pero mas babagay sa palagay ko kung daragdagan ng word na (WALANG) bago ang word na delicadeza ang buong phrase patungkol sa mga legislatong at ac/dc columnists 'gaya ng klase nina Mandodoro at Tulping na pawang mga WALANG DELICADEZA AND SENSE OF HONOR, o, 'di ba?"

Friday, September 27, 2013

TO IMPLICATE OTHER COLLEAGUES

ANA: "So, ano ang bottomline sa ginawang privilege spit sa Senado ni Sen Junggoy bakit ala shot gun nitong pinasabugan ang mga kasamahang onorabol, ha? Para idamay ang bawat onorabol na kasuhan din sila ng plunder na walang piyansa?"

LISA: "Most probable eh korek ka r'yan, 'ga. Kasi, qualified kang makasuhan ng plunder kung ang dinambong mong kuarta mula sa taxpayers' money eh 'di bababa sa halagang P50M, o, 'di ba?"

CION: "Bilib ako talaga sa katalinuhan n'yong dalawa, 'day. Kasi inamin mismo ni SP Frank Drilon na nagpamudmod siya ng tig-P50M, mula umano kay BDM Sec aBAD, kada senatong makalipas nilang ma-impeach si ex-CJ Crown, bilang SUHOL! Therefore, merong probable cause para sa kasong PANDARAMBONG!!!"

Thursday, September 26, 2013

BRENDA EXCORIATED JUNGGOY

ANA: "Oy, ano ba sa Tagalog ang English word na excoriate, ha? Bakit sinasabi sa report na excoriated daw ni Ma'm Brenda si Sir Junggoy. Tungkol ba'to sa sabsaban ni Janet?"

LISA: "An'dami mo namang tanong. Ang meaning sa Tagalog ng word na excoriate eh balatan, upakan, talupan. O, ngayon, alam mo na? Kasi, binalatan o inupakan o tinalupan ni Sen Brenda si Sen Junggoy hinggil sa kaso ng PDAF, o, getz mo?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. 'Yung UPAKAN ng mga onorabol vs kapwa onorable sa Senado eh bunga ng turuturuan, bintangan, kung sino ang merong pinakamalaking halaga ng PDAF na nakulimbat nila, individually, mula sa taxpayers' money. Ang hindi maitatanggi at kitang-kita ng Pinoy, eh, lahat, as in LAHAT silang senatong eh damay-damay sa pagSABSAB sa Pork Barrel. CERTAINLY!!!" 

Wednesday, September 25, 2013

CONSTITUTIONAL CRISIS?

ANA: "Oy, 'lamobang pumayag na si DoJ Sec Leila na pasiputin sa Senate's blue ribbon committee ngayong araw ang mga whistle blower, kase, ayaw n'yang magkaroon daw ng constitutional crisis. Ano bang ibig sabihin ng constitutional crisis - magboboksing sina Sen Guingona vs Sec Leila  a la Pacman vs Donaire?

LISA: "Sana, kung maiiwasang 'di magsagupa ang kapwa Pinoy 'gaya nina Pacman at Donaire, eh di, magaling. Kaya nga pumayag na siguro si Sec Leila na gumawa ng kanyang grandstanding (stint/stink) si Sen Guingona para siguro makalimutan ng Pinoy na posibleng kasama rin pala siya sa mga sasampahan ng plunder?"

CION: "Korek ka r'yan 'day. 'Yun kasing bantot ng mga onorabol na nakipag-sabsaban sa sabsaban ni Janet eh lalong umalingasaw ng mismong si Sen Junggoy eh umawit ng La Paloma sa kanyang privilege-SPIT kahapon sa bulwagan ng Senado. Hay, juice ko pong mahabaGIN, todo-todong kahihiyan na'to, 'di ba?"

Monday, September 23, 2013

JPE: I'M NOT UP TO BETRAY ANY OF MY PEOPLE

ANA: "Oy, naniniwala ka ba sa pautot ni onorabol JPE na hindi raw niya ugali ang magtaksil at ipagkanulo ang sinoman sa mga tauhan niya?"

LISA: "Ha? 'Di kaya nahihibang si JPE? Kasi, t'yak na ramdam na nitong a la barko siyang lumulubog sa laot at kailangan niyang itapon sa dagat ang huling mabigat na bagahe nitong si Ma'm Gigi. Ito'y para manatiling nakalutang ang kanyang barko at makatawid sa dagat, o, getz mo?"

CION: "Sa palagay ko eh tuluyang lulubog sa dagat ang barko ni JPE kasunod ng itinapon niyang bagahe na si Ma'm Gigi at 'yung mga kapwa pa niyang onorabol na sina Junggoy at Amazing Kap na kusang nagsitalon mula sa lumulubog na barko at ngayo'y sisinghap-singhap na kumakawag sa gitna ng dagat, o, 'di ba?" 

Sunday, September 22, 2013

MABYRIK: IS BUDGET MONEY & PDAF ALSO MONEY?

ANA: "Ang simpleng tanong ni blogger mabyrik sa depektibong paliwanag ni Tito Sen re: function daw ng isang chief of staff ng isang senatong - (is budget money and PDAF also money)?"

LISA: "Nagpaliwanag kasi si artful Tito Sen: ang chief-of-staff kuno bilang alter ego ng isang sanatong eh pupuede ring umastang parang tunay-na-senador, (EXCEPT file bills and disburse the budget)?"

CION: "Hay, that's abhor! Bakit naman sasabihin ni Tito Sen na senatong lang ang puedeng mag-disburse at walang kapangyarihan ang CoS nito? 'Di ba lahat ng pinamudmod na milyon-milyong cashgift ng senatong no'ng x-mas 2012 na mula sa OPIS ni ex-spJPE eh si Ma'm Gigi ang nagDISBURSED?

Saturday, September 21, 2013

FELLOWSHIP OF CROOKS

ANA: "Oy, 'lamobang gumuho na ang 25-year fellowship of crooks nina Gigi Reyes bilang napaka-matalino at napaka-romantikang assistant cum lover ni JPE dahil sa isyu ng sabsaban scam ni Janet. Totoo kaya 'to?"

LISA: "Ang alam ko'y bihasang magtanim ng PATIBONG si JPE para makawala siya sa peligro. Gayunma'y nararamdaman kong tila isang barkong lumulubog ngayon si JPE at kailangang itapon ang mabigat at mahalagang bagahe sa dagat, 'gaya ni Gigi, para gumaan at hindi lulubog ang barko?"

CION: "Pero tiwala akong darating ang soccoro ke Gigi at hahagisan siya ng salbabida mula kina Omb Morales, DoJ Sec Leila, CoA Chair Tan at BIR Chief Kim para makaligtas sa pagkalunod at umawit ng La Paloma vs JPE bakit sobra-sobra ang kayamanan nito habang patuloy itong lumulubog sa dagat, o, 'di ba"?

Friday, September 20, 2013

WINNIE MONSOD: WHO FINANCED THE ZAMBOANGA CAPER?

ANA: "Bitin naman palagi 'tong si Mareng Winnie, 'di ba? Ang hilig magbigay ng tanong, tapos, ipasasagot din sa mga readers niya, ano ba'yan!!!"

LISA: "Sinagot ni reader Mamang Pulis ang tanong ni Mareng Winnie ng isa pang tanong: (And who could be that? Is there a 'B' and 'N' in his name?)"

CION: "Ay oo, meron nga. So, me kinalaman talaga, peksman, ang 3 Kings ng UNA. Kasi, sila lang naman ang merong 'saktong dahilan para pondohan ang panggugulong ito ni MISWA rin sa Zambo, para ilihis ang pagkakadawit nila sa isyu ng SABSABAN scam ni Janet, o, 'di ba?"

Thursday, September 19, 2013

SIGN OF WRONGDOING

ANA: "Oy, 'lamobang 'yung 6 na sumibat palabas ng Phl para takasan ang kasong pandarambong na kasalo sa sabsaban ni Janet eh sign of wrongdoing, ayon ke DoJ Sec Leila de Lima?"

LISA: "Tumpak ka r'yan 'ga. Kasi, kasama talaga 'yan sa plano na kapag nagkabukingan, eh makakatalilis din palabas ng bansa ang 2 senatong ng walang-aray, 'eka nga, kasi, mapapansing ang 6 na tumalilis palabas ng Phl, 2 sa kanila eh aide-de-camp ng 2 senatong, o, 'di ba?"

CION: "Para sa'ken 'di talaga maganda ang halimuyak, noh? T'yak na tumatanggap ng daily instructions sina Gigi at Ruby sa 2 senatong para plantsahing mabuti ang kaliit-liitang detalye katumbas ng malaking halaga ng perang panlagay para matakasan smoothly ng 2 senatong ang kanilang kaso at mamuhay ng tahimik sa ibang bansa thereafter? Nakanang Ina talaga hooo!!!"   

Wednesday, September 18, 2013

POLITICALLY MOTIVATED

ANA: "Oy, alam ko ang translation sa Tagalog nang salitang motivate - mag-udyok, o, 'di ba? Eh, sino raw ba kasi ang nang-uudyok laban kina Sens Amazing Kap, JPE at Junggoy, ha? Ang tanong ni Prof Randy David eh, politically motivated nga bang paghinalaan na mandarambong ang mga legislatong?Eh sino ang udyokero, ang Malacanang o ang Pinoy netizens?"

LISA: "Ang sabi ni Amazing Kap sa kanyang press con eh sinisiraan lamang daw siya ng Malacanang na isang mandarambong para bumaho ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente. Ipinag-diinan pa niyang isa lamang daw itong politically motivated strategy para maitsa-puera siya! Hello, hello?"

CION: "Hindi maikakaila ang kapangyarihan ng internet sa panahong ito at walang nang-uudyok para siraan ang reputasyon ng mga legislatong dahil sa padarambong ng kanilang pork barrel mula sa taxpayers' money. Sagutin nila sa Korte ang demanda laban sa kanila and let the Court decides, 'di ba onorabol JPE, sir?"

Tuesday, September 17, 2013

LACKADAISICAL JUDGES

ANA: "Uy, mismong si Sen Brenda, bilang dating RTC Judge, ang nagsabing 'sangkaterba ang lackadaisical judges sa Phl, kasi, lubha raw tinatamaan ang judge ng katamaran habang nangangarap na sana'y merong magbigay sa kanya ng makapal-na-sobre mula sa magkabilang panig sa asuntong high-profile na hinahawakan nito. Biruin mo 'yun?"

LISA: "Tungkol sa kasong plunder na inaasahang lilitisin sa Sandigan Bayan vs Janet at mga legislatongs, eh 'wag naman sanang matulad ito 'gaya ng kasong Maguindanao Massacre na super-bagal dahil sa humahawak na lackadaisical na Huwes. Aba'y t'yak na maga-alboroto ang mga MobRally, hay juice kong mahabaGIN pa nga!"

CION: "Inaasahan ng Pinoy, ng CBCP din at netizens, 'di lamang sa Phl kundi sa buong Planeta, na ikukulong ng walang piyansa ang 1st batch ng legislatong na dawit ke Janet sa salang pandarambong habang dinidinig ang plunder case na'to sa Sandigan Bayan, at siempre, gano'n din ang susunod pang batches mula sa Executive at Judiciary na dawit din sa kasumpa-sumpang krimen na'to, o, 'di ba?" 

Monday, September 16, 2013

NO SUSPENSION OF LEGISLATONGS IN PORK BARREL SCAM?

ANA: "Bakit ang application ba ng batas sa Phl, ayon ke Maj Leader Neptali ng House of RepresentaTHIEVES, eh magkaiba para sa legislatongs kesa ordinaryong Pinoy? Kasi, sabi niya, 'di raw puedeng suspendihin ang tongresman na idinemanda sa pagnanakaw mula sa kaban-ng-bayan?"

LISA: "Parang ganyan din ang pahiwatig ni SP Frank Drilon kahapon porke sinabi rin niyang 'di nga raw puedeng suspendihin, ayon daw sa Rules of Congress, sina Sens JPE, Junggoy at Amazing Kap kahit na sila'y nakademanda sa salang pandarambong mula sa kaban-ng-bayan. 'Gaya rin ito ng kaso ni Ate Glo na reelected pa ngang TONGreswoman, o, 'di ba?"

CION: "No'ng magbigay ng kanilang mga pahayag sina onorabol Neptali at Frank eh sadyang sa wikang Ingles, para 'di masyadong maintindihan ng mga pinaglololoko nilang botante. Inglisero sila kapwa kaya siguro TWANG-ina nila?"   

Sunday, September 15, 2013

A TRUCKLOAD OF EVIDENCE

ANA: "O, kitam? 'sang truckload ng ebidensiya ang ihaharap ng DoJ-NBI sa pagsasampa ngayong araw (Sept 16, Lunes) ng kasong PLUNDER vs Sens JPE, Junggoy at Amazing Kap at 23 pang tongressmen. Nalulugod ako, peksman."

LISA: "Bukod sa suspension bilang mga mambubutas eh makukulong din kaya ang mga legislatong na'to ng walang piyansa a la Ate Glo, habang dinidinig ang kanilang kasong pangungulimbat sa Kaban-ng-Bayan? Meron kayang mag a-avail ng wheelchair?"

CION: "Tila wa-epek ang ginawang panggugulo ng MNLF faction ni Miswa-Rin sa Mindanao para sadyang idiskarel ang Pork Barrel case ng mga legislators, o, 'di ba? Although, nakikiramay kami sa lahat ng mga nasawing civilian sa laban, ang ating mga bayaning sundalo at pulis, gayun din ang mga kapatid na MNLF na tila ginagamit lamang ng ilang maimpluwensiyang mga tao. Nakalulungkot."

Saturday, September 14, 2013

REGAINING THE PEOPLE'S TRUST? NO WAY!

ANA: "Alam mo 'ga, kung ihahambing ang kostumbre o kaugalian ng isang mediaman sa isang politiko, eh sa palagay ko pareho lang silang manghuHUTHOT, 'di ba?"

LISA: "Ay, oo nga. Nagkomento nga minsan si Sir Leo, bilang dating Reporter, na walang aamin kahit isang NPC member na sila'y gumagawa ng AC/DC scam sa pagtupad ng kanilang propesyon. Kase, hindi sasapat ang kakatiting nilang sueldo sa maluhong buhay nila para suportahan ng maayos ang buhay ng kani-kanilang pamilya, hay, t'yak 'yon!"

CION: "Eh, ganyan din ang buhay o kaugalian na tinatamasa ng LAHAT ng politiko (re: Pork Barrel) mula sa pinakamababang miyembro ng Sangguniang Kabataan hanggang sa mga humahawak ng mga posisyon sa 3 branches of Gov't, mas grabeng manghuHUTHOT din sila!!!" 

Friday, September 13, 2013

DBM SEC BUTCH ABAD AT REP GID AGGABAO, NAGTUTURUAN

ANA: "O, heto na naman at lumulutang na ang masamang kostumbre ng dating magkakasangga sa paglaspag ng Pork Barrel, kase, nagtuturuan ngayon sina DBM bigboss Butch Abad at deputado ng Isabela, Gid Aggabao, re: release of P428.5M to PhilForest no'ng February 2011. Buking na kayo noh?"

LISA: "Ano ba talaga kase ang legality ng Pork Barrel bakit pinayagan ng SC ito, ha? Ang Pork Barrel, ayon sa Dictionary - (n. U.S. slang) a bill or project requiring considerable gov't spending in a locality to the benefit of the legislator's constituents who live there, getz mo?"

CION: "Halimbawang magsasampa ng kaso ang DoJ sa darating na Lunes vs mga kawatan ng Pork Barrel, kasama kaya sina Abad at Aggabao na bistadong nakipag-sabsaban din sa sabsaban ni Janet?" Hay, sana po, Lord!!!"

Thursday, September 12, 2013

LUY: SOLONS SOLD THEIR PDAF

ANA: "Ay anoba'yan, yumayanig, dumadagundong talaga sa utak ko ang lawak ng pamamaraan ni Janet Lim-Napoles, katulong ang mga taga-Executive, Legislative at Judicial branches of Gov't, sa paglimas ng kayamanan mula sa Kaban-ng-Bayan!"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Mantakin mong walang comparison ang scheme na inimbento ni Janet upang ang mga alagang baboy na pawang nakakurbata eh maglagi at magpakabundat sa kanyang sabsaban, o, 'di ba?"

CION: "T'yak na maitatala sa history ang walang katulad na bagsik ng pangungurakot ng mismong elected officials, cabinet members at ang Judiciary na nagsisilbing mga palamuning-baboy ni Janet. Onli in da Pilipins. NAKAKAHIYA KAYO!!!"

Wednesday, September 11, 2013

PDAF-SCAM SENS GROWN TO 6 FROM 3

ANA: "Naku, dumarami ang bilang ng mga senatongs na involved ke Janet Lim-Napoles. Eh halimbawang maragdagan pa uli ang kasalukuyang 6 na senatongs at sabay-sabay na makukulong ng walang piyansa, magkakaroon pa kaya ng quorum ang Senate sessions?"

LISA: "Batay sa Senate Rules, fifty persent plus one (12 + 1) of all senators present is required to conduct business. So, palagay ko kahit maragdagan pa ng 5 ang 6 na sangkot daw sa pandarambong ng PDAF ni Janet, eh puede pang magkaroon ng sesyon ang Senado. O, getz mo?"

CION: "Ang problema kasi eh kung dumating ang puntong mawalan ng quorum ang sesyon ng Senado porke sangkot ang halos-lahat nang senatongs, puede na kayang ibaba ang martial law for a limited time para magpatupad ng DICIPLINE ang commander-in-Chief?"

Tuesday, September 10, 2013

CDQ: WE DON'T MIND THAT BONGBONG'S AN SOB

ANA: "Ang ibig bang sabihin ng SOB eh son of a bitch? Eh 'di asong ulol pala si Meldita, ha?"

LISA: "Heh, ayusin mo 'yang bokadura mo kase hindi na naman ipapaskel ang ating post dito, I'm sure."

CION: "Sabi ni CDQ, 'yung kulturang kinagisnan ni Sen Bongget eh mula sa tahanan ng isang marangyang angkan, kaya ang kinalabasan, mararangyang kawatan sila lahat ngayon sa Senado, o, 'di ba?"

Monday, September 9, 2013

EX-FG ASKS COURT ANEW TO TRAVEL

ANA: "Oy, 'di mo ba napapansin na tila sobrang busy rin ngayon si Big Mike Arroyo mula ng maglitawan ang malalaking isyu, una, PDAF scam, re Janet's sabsaban for legislatongs, million people march sa Luneta, 'yung panggugulo ngayon ni Misuari sa Zamboanga, at another pakulo bukas na pinamagatang Edsa Tayo. Ano kaya ang kinalaman dito ni Ate Glo, ha, meron ba?"

LISA: "Eh kung susumahin kasi, kailangan ng malaking pondo para pagtakpan at i-divert ang atensiyon ng Pinoy sa kasong pandarambong ni Janet, kasama ang mga kakutsaba nito, UNA, ang mga legislatongs, ilang members ng Judiciary at gano'n din sa idinadamay na cabinet members ni PNoy. Ang tanong kase, sino ba ang merong kakayahan na pondohan ang (diversionary tactics na'to) para muling lilituhin ang publiko at burahin sa kanilang isipan ang pandarambong ng mga legislatongs, partikular sina JPE, Junggoy, Amazing Kap, Bongget at Punasan?"

CION: "Kung gano'n, kaya pala maga-abroad si Big Mike eh para mag-withdraw ng malaking halaga para pantustos sa mga pakulong isyu na pilit pinalalaki para mapagtakpan ang isyu ng PDAF scam? Merong bang kapangyarihan si PNoy para sagkaan ang mga ganireng pagkilos? Eh kung magdeklara kaya ng martial law for 3 months para magpatupad ng DISIPLINA sa buong bansa ang Commander-in-Chief, puede, 'di ba?"     

Sunday, September 8, 2013

AS CLEAR AS MUD

ANA: "Matindi talaga ang ngitgit ni CDQ kina Apo Ferdie, Ate Glo at ex-CJ Crown noh? Kase, 'yun daw palang EDSA TAYO sa Seprember 11 eh plano raw ng mga alipores nina Marcos, Arroyo at Corona?"

LISA: "Para sa'ken eh half-truth ang sinasabi ni CDQ, kase, unang-una, ba't 'di niya ibinilang ang 3 Kings na sina Jojo, Erap at JPE na posibleng sila ang totoong me balak na mag-EDSA TAYO sa Sept 11 na b-day pa mandin ni FM, o, 'di ba?"

CION: "Korek! Gustong i-divert ang atensiyon ng tao na ang gagawing Edsa Tayo rally eh walang kinalaman ang 3-Kings porke pagkilos umano ito ng grupong gustong magpatalsik ke PNoy at papalitan ng alipores nina Marcos o Arroyo. Eh kung ibabatay sa order of succession, 'di ba si Jojo Binay bilang Veep ang siyang papalit kung sakaling napapatalsik si PNoy ng Edsa Tayo? Sino ang mastermind kung gano'n, Sir CDQ?"  

Saturday, September 7, 2013

EX-CJ ART PANGANIBAN: PNOY'S 4 ANGELS

ANA: "Sino-sino raw ba 'yung 4 Angels ni PNoy, ayon ke ex-CJ Temyong, ha? At bakit binansagan silang Angels, meron din ba silang wings na 'gaya ng parrot?"

LISA: "Ang isang Angel na katulad ni Raphael eh merong wings pero invisible at tumatalima sa ipinag-uutos sa kanya ni Lord. Si Angel Raphael ang umalalay ke Tobias na anak ni Tobit para mapangasawa ang kalahing si Sara batay sa ipinag-uutos ni Lord sa kanya, o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day, ang g'leng mo sa Bible. 'Yung 4 na Angels daw ni PNoy na sina Conchita, Grace, Leila at Kim, ayon ke ex-CJ Temyong eh, pare-pareho raw sila na merong BALLS at PANININDIGAN pero invisible 'gaya rin ng wings na taglay ni Raphael, na magsisilbing tool o kasangkapan para maparusahan si Janet kasama ang mga legislatongs sa salang pandarambong ng PDAF. O, getz mo?"

Friday, September 6, 2013

LIE MEANS TO SPEAK UNTRUTHFULLY WITH INTENT TO MISLEAD

ANA: "Itong liar o abu gago ni Sen Amazing Kap eh nagtapos din kaya ng kanyang pagka-abu gago sa Wan Bol University? Ano sa palagay mo, ha?"

LISA: "Gano'n na nga ang palagay ko, kase, sinusubukang ilihis ng aTONGni ni Kap na peke ang magkakasamang nasa picture nina Jimmy Napoles, Bong Revilla, Lani Mercado at Janet Lim-Napoles bilang mga ninong-ninang sa kasal nina Roman at Shalani. Sus ginoo!"

CION: "Sa totoo lang noh, naisalang na sa kumunoy si Kap dahil nag-a la parrot siya sa kadaldalan, kasi, nagbibigay siya ng mga pahayag sa media ng extemporaneous o walang pakundangan. Huli ka!"

Thursday, September 5, 2013

NO PDAF, NO ROBBER

ANA: "Simple lang naman ang gustong man'yari ni Sir Neal, kasi, sabi niya, kung wala nang PDAF na nanakawin, eh 'di wala na rin daw magnanakaw! Simple, 'di ba?"

LISA: "Hmm, puede. Pero pa'no mababawi no'ng mga nanalo nitong nakaraang eleksiyon ang pinuhunan nila sa gastos ng kanilang kandidatura? Hindi sila papayag siempre na basta na lamang aalisin ang PDAF, I'm sure!"

CION: "Ay sinabi mo! 'Gaya na lang ng inilista ni Mabyrik sa ibaba, heto ang gastos daw ng mga onorabol senatongs nu'ng nakaraang eleksiyon: JV - P138M; Villar - P134M; Cayetano - P131M; Nancy - P129M; Bam - P124M; Grace - P123M; Angara - P120M; Escudero - P120M; Loren - P83M; Pimentel - P75M; Trillanes - P30M; Honasan - P24M. Meron itong suma-total na P1.221 Billion! O, kitam?"

Wednesday, September 4, 2013

PRESIDENTIAL PORK BARREL?

ANA: "Ano ba ang ibig sabihin ng separation of power, para bang kili-kili power din ito?"

LISA: "Umaalingasaw, 'yan siguro ang term na nais mong tukuyin 'di ba? Ang power kasi ng Congress (Senate & House) bukod sa paggawa ng batas, eh ang magtakda o maglaan (appropriate) ng pondong gagastahin para sa public works and services ng gov't sa loob ng isang taon. Pero, HINDI sila mismo ang gagastos sa inilaang pondo para sa mga projects. Aalingasaw, peksman!!!"

CION: "Korek! Pero kung ibabatay sa isinasaad ng Phl Constitution, ang Appropriations Act ng Congress kada taon eh ang Executive Branch of Gov't ang nakatoka para sa implementasyon ng mga proyektong pinondohan ng 2 Kongreso. Walang creature na (Pork Barrel) ang inaalagaan ng isang Phl President, 'lamoyon?"

Tuesday, September 3, 2013

CALLING, CALLING, KOKAK 2, T'IS KOKAK 1, OVER!

ANA: "O' nag-iingay na naman ang mga palakang malake at palakang maliit at todo batikos uli sila sa NBI at ke PNoy re 4 na sisibaking IPISyal ng NBI na nagsisilbi rin daw na mga K-9 ni Sen Amazing Kap, 'di ba?"

LISA: "Ano kaya ang ipinakakain ni Kap sa 4 niyang doberman na taga-NBI, karne na marinated ng PDAF? Nakaka-addict 'yun, I'm sure!!!"

CION: "Kilala ko ang 4 na NBI palakokak ipisyal na'to na TANGApagtanggol din ni Janet, courtesy ni Kap, na sina Reynaldo Esmeralda ng Intelligence, Ruel Lasala ng Special Investigation, Rickson Chiong ng Technical Service at Rafael Ragos ng Comptroller Service, o, tama ba?"

Monday, September 2, 2013

PALAKARIN

ANA: "Ano nga pala ang tawag sa palakang malake at palakang maliit, 'di ba palakarin? Sige, pansinin mo ang animo natubigang mga palaka o buteteng bukid na nagpapaligsahan sa pagKOKAK, nakakabalisawsaw, 'di ba?"

LISA: "Medyo nakakarindi na nga ang kokak ng mga buteteng bukid na 'to. Kasi, sa halip na mga kakutsabang legislatong ni Janet sa pandarambong ng PDAF ang pagtuunan nila ng isyu, aba'y ang binabatikos eh ang NBI at si PNoy! Que klaseng utak meron sila?"

CION: "Utak? Ah, kung baga sa itlog, sila 'yung nabagok nang tamaan ng PDAF habang nasa loob ng basket. Kaya naman ang mga itlog sa loob ng basket na nabagok, lahat sila'y naBUGOK. That was the result - KOKAK!!!"

Sunday, September 1, 2013

LET THE HUNT BEGIN?

ANA: "Hoy, Aleng Cion, ano sa palagay mo, dapat bang gawing state witness si Janet Lim-Napoles, ayon sa bocadora ni CDQ?"

LISA: "Oo nga, noh? Kasi naman eh nagpalutang ng haka-haka ang Malacanang no'ng una na puedeng maging state witness kuno si Janet laban sa pandarambong ng PDAF ng 5 senatongs at 23 tongressmen. Kung makakasuhan ng plunder ang nasabing mga legislatongs, walang piyansa 'yon habang dinidinig sa Korte, 'di ba?"

CION: "Bukod sa kasong illegal detention vs Janet na 'alang piyansa, dapat eh dagdagan pa ng kaso si Janet, kasama ang 28 pang legislatongs, ng plunder (P10B PDAF scam). Bukod sa kapal kasi ng documentary evidence na hawak ngayon ng NBI eh meron pang mga 10 whistle blowers re PDAF scam ang nasa pangangalaga ng WPP ng DoJ. Eh, sino pa ba'ng hahantingin?"    

Saturday, August 31, 2013

JANET TRANSFER TO LAGUNA TODAY, SUNDAY

ANA: "Ay, ang galeng. Ngayong early Sunday, Sept 1, ililipat o baka nailipat na sa oras na 'to si Janet sa Fort Sto Domingo sa Laguna. Ang Spanish word ng Sunday eh Domingo, 'di ba?"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Pina-iingatang mabuti ni PNoy ang kaligtasan ni Janet, kasi obvious na dalawang magkaibang grupo daw ng assassins ang gustong tumigok ke Janet, 'lamoyon?"

CION: "Sa nakikita ni Janet, pati na rin si Atty Lorna Kapunan, sa mahigpit na pagbabantay ng otoridad para sa kaligtasan ng una, eh tiyak na handa nang haharap sa Korte at kakanta ng La Paloma si Janet para kikilalanin kung sino-sino ang mga kakutsaba nitong legislatong na may motibong titigok sa kanya. Yun lang!!!" 

Friday, August 30, 2013

A CLEAR DANGER TO JANET'S LIFE?

ANA: "Unang-una, bakit ba kasi kailangang air tight, 'eka nga, ang gagawing pagbabantay 24/7 ke Janet, ha? Sa pakiramdam ko kase, pati judge eh parang tarantado na rin sa kanyang inilalabas na resolusyon re transfer from jail to another jail ni Janet, 'di ba?"

LISA: Heh! Ayusin mo 'yang bokadura mo ng (natataranta) sa halip na tarantado si Judge, noh? Pa'no nga kase, dalawa ang posibleng panggagalingan ng mga assasins, una, mula sa legislatongs na kakutsaba ni Janet sa pandarambong ng PDAF. Ikalawa, 'yung mga merong personal na galit kay PNoy na gustong gibain ang magandang takbo ng kanyang gov't, o, 'di ba?"

CION: "Korek kayong dal'wa, 'day. Bukod kasi sa kahihiyan, eh makukulong din ng walang piyansa na 'gaya ni Ate Glo ang grupo ng mga kakutsabang legislatong sa paglimas ng PDAF ni Janet, at, isa pang grupo na atat-na-atat guluhin ang magandang reputasyon ng PNoy gov't porke sagad-sa-buto ang pagka-inggit, 'gaya ng mga tagaUNA???"  

Thursday, August 29, 2013

AFTER JANET'S SURRENDER

ANA: "Isang psywar (psychological warfare) lang kaya ang unang pinalutang ng Malacanang na gagawin daw state witness si Janet Lim-Napoles sa kakaharapin nitong kaso ng plunder kung siya eh kusang susuko, ha?"

LISA: "Puede, puede. Kasi ayon sa dictionary, psychological warfare means - (the military application of psychology, esp. to the manipulation of morale in time of war), o, 'di ba?"

CION: "Korek ka r'yan 'day, ang gleng-gleng mo. Dahil kasi sa palutang na gagawing state witness ni Janet sa kasong plunder eh kusa na siyang sumuko at mismong ke PNoy pa! Pero tila psywar lang ang move na ito ng otoridad, kasi, taksan-taksan ang documentary evidence ang hawak ng gov't vs LAHAT ng legislatongs na sangkot sa pandarambong ni Janet ng PDAF. 'Yun lang!!!"

Wednesday, August 28, 2013

JANET SURRENDERS TO PNOY

ANA: "Oy, parang pinagtiyap ng pagkakataon na sumuko ang dalawang sikat na puganteng sina ex-CPNP Avelino Razon at PDAF scammer Janet Lim-Napoles kahapon, August 28, 2013, at kapwa ikukulong sa Camp Crame, 'di ba?"

LISA: "Sana, 'yung magbabantay ke Janet eh pulos policewomen na walang sukbit na baril 24/7. Kasi, 'yung mga ikinukulong sa Camp Crame eh karaniwang nang-aagaw ng baril para makipagbarilan sa kanilang bantay. Ang bottom-line, patay kang bata ka!!!"

CION: "Kung ise-sequester ang lahat ng real and personal properties ni Janet, puede bang notarized ang listahan 'gaya ng mga alahas, damit, sapatos. Pero 'di na kailangan sigurong isama pa sa listahan ang kulay ng suot na panty ni Janet, sobra naman 'yon, noh?"  

Tuesday, August 27, 2013

JUNGGOY: AM NOT OBLIGED TO CHECK NGOs GETTING MY PORK

ANA: "Oy, 'lamobang sinabi ni Sen Junggoy na 'di raw niya obligasyon o ng iba pang legislatongs na 'gaya niya kung totoong a la Bingo na binobola ng NGOs ni Janet ang PDAF para ipamudmod ang pondo sa mga proyektong nanalo sa bidding?"

LISA: "Eh talagang hindi na obligasyon ng legislatongs kung na-award o hindi ni Janet ang PDAF para pondohan ang mga proyektong SOFT or HARD which are subject for implementation, kase, na-binggo na ang P10B pork barrel ni Janet at kasama nga niya si Junggoy at 28 pang senatongs at tongressmen. Nakanang-ina naman, hooooh!!!"

CION: "Nakikita kong talagang matapang ang kaloobang magsasagot ni Sen Junggoy para tanggihan ang lahat ng kanyang pagkakadawit sa kaso ng pandarambong na 'to. Pero sa huling pahayag ni DOJ Sec Leila, eh umaabot pala sa P101 BILLION ang sumatotal ng PDAF na nakulimbat ng mga legislatong. Hay juice ko pong mahabaGIN!!!"

Monday, August 26, 2013

MAKIBAKA, HUWAG MAGBABUYAN

ANA: "Oy, meron akong nabasang slogan sa t-shirt na suot ng raliyista kahapon sa Luneta. Sabi, - (makibaka, huwag magbabuyan). Ano ba'ng ibig sabihin no'n sa ingles - milking cow, instead of pork barrel?"

LISA: "Mali naman ang ingles mo eh. Ang tamang ingles - FIGHT, DO NOT BE A SWINE - 'yun ang ibig sabihin ng slogan na nabasa mo sa Luneta kahapon. Sa Tagalog, labanan daw natin ang corruption at huwag makipag-unggoy-ungguyan sa mga lawmakers, 'yun lang!!!"

CION: "Kahit manaka-nakang umaambon at nagpuputik ang Luneta kahapon eh kusang naglinis ng kanilang kalat ang mga raliyista bago sila nagsi-uwi pagkatapos ng rally. Ngayon lang nangyari ang disiplinang ganire, peksman!!!"

Sunday, August 25, 2013

CHIZ: REALLOCATE, SUBTRACT OR LINE ITEM BUDGETING

ANA: "Ang galing talagang tumayming ni Sen Chiz, nagbibigay ng puedeng pagpipilian ng mga sasama sa rally ngayong araw re P25.24 billion PDAF. Ang pakulo cum solusyon niya, 1. reallocate o 2. tanggalin o 3. sumunod sa kagustuhan ni PNoy na line item budgeting ang PDAF."

LISA: "Siempre, alin man ang susunding solusyon ng Pinoy para maresolba ang isyu ng PDAF, eh sisikat ng todo sa netizens si Sen Chiz para sa presidential ambition nito sa 2016 elections. Lutang-na-lutang si Chiz a la lagareng atras-abante, kain, o, 'di ba?"

CION: "Pero 'wag naman sanang manguluntoy ang kasiglahang ito ni Sen Chiz sa pagbibigay ng mga suhestiyong, well, multiple choice, para solusyunan ang isyu sa PDAF. Ang ikinababahala ko kase, baka bawiing bigla si Heart ng kanyang parents eh tiyak na tutuwad ang tuwid na isipan ni Chiz, peksman.."

Saturday, August 24, 2013

DOUBLE SPEAK

ANA: "Ano ba talaga ang ibig sabihin ng deklarasyon ni PNoy na ina-abolish na niya ang PDAF? Para gumawa uli ng panibagong mechanism na kung tawagin eh LINE ITEM?"

LISA: "Eh ganyan din kasi ang tanong na 'di kayang sagutin ni Sir Randy sa kanyang apo na si Julia. O, ikaw Cion, kung talagang matalino ka, 'lamo ang sagot? Sige nga, explain mo kung na-abolish na nga ang PDAF?"

CION: "Korek. PDAF is abolished but not Pork Barrel, o, 'di ba? Ganito kasi 'yun, wala na talaga ang PDAF na dumaraan sa mga sabsaban o NGOs, pero naroroon pa rin sa national budget ang pondo ng Pork Barrel na ang kontrol ng pamumudmod para sa mga kakosa eh hawak ng DBM. "Yun lang!!!"

TO DIFFUSE?

ANA: "Sabi ni Mareng Winnie, a la cowboy-injun daw ang istilo ng mga bright boys ni PNoy para mapigil ang pagdagsa ng netizens sa Luneta para sa picnic rally for the abolition of PDAF called Pork Barrel sa Lunes, August 26?"

LISA: "Batid naman kasi ng PNoy bright boys ang magiging EPEKTO ng matinding galit ng netizens re PDAF scam, eh parang pinayuhan pa nila si PNoy na testingin muna baka ubra pang mapigil ang rally sa Lunes. Kaya nga naglabas ng anunsiyo si PNoy kahapon na ina-abolish na niya ang PDAF, 'di ba?"

CION: "Pero ayon ke Mareng Winnie eh, PDAF ang in-abolish ni PNoy at hindi ang Pork Barrel. Kung iintindihing mabuti, tinanggal nang tuluyan ni PNoy ang TAGAS ng PDAF na sinasahod ng sabsaban (read: NGOs) para sa bulsa ng legislatongs. Samantala, ang pork barrel nama'y mananatili as line items for projects. Ang gulo-gulo, 'di ba?"

Friday, August 23, 2013

ERAP: GO AHEAD, PROTEST VS PORK

ANA: "Oy, 'lamobang bumilib ako ke Mayor Erap kasi pinayagan niyang magMobRally kahit walang permit ang mga kasangga natin sa Lunes, Agosto 26, sa Luneta re PDAF abolition?"

LISA: "Tama 'ga. Kaya lang eh umuuki-ukilkil sa utak ko kung pa'no sasanggahin ni Erap ngayon ang pagkakadawit ng anak, Sen Junggoy, na kasamang sumabsab ng 4 pang senatong at 23 tongressmen sa P10B pork barrel  na ibinubuhos ni Janet Lim-Napoles sa inimbento nitong sabsaban para sa kanyang babuyan. Yuck!!!"

CION: "Kung sabagay, ako'y bumilib ding tunay ke Erap, lalo na ng sumagot sa tanong ng Reporter kung ano raw ang advice na ibibigay nito ke Junggoy hinggil sa pagkakadawit sa sabsaban ng PDAF. Sabi ni Erap - (Face the music, just like the way I faced the music) - Natatandaan ko ang music ni Erap - La Paloma."

Thursday, August 22, 2013

CUSTOMS REVAMP HALTED

ANA: "Sabi ko na nga ba eh, parang mga kaso rin sa RTC na merong delaying tactics sa release ng mga decision, noh?"

LISA: "Oo nga 'ga, napansin ko rin. Ang alam ko, paldo-paldong kuarta ang karaniwang usapan basta merong iuurong na implementasyon, halimbawa, sa nakatakdang pagsibak sa tarbaho ng mga taga-Customs. Magkano?"

CION: "Kailangan na talagang gumamit ng pusong bato at kamay na bakal si PNoy para sugpuing lubos ang isyu ng pandarambong mula sa taxpayers' money ng mga legislatongs, ng mga taga-custongs at gayundin ng mga negosyanteng ganid at debotong nagkukubli sa saya ng CBCP at INK. Mahaba pa ang 3 taon para tuluyang masugpo ni PNoy ang isyung ito."

Wednesday, August 21, 2013

IS IT AUTHENTIC OR AUTISTIC? WHICHEVER!

ANA: "Hindi ba kapag na-swak ka sa isang kumunoy, habang pumapalag ka para makaahon do'n eh lalo ka lang mababaon at posibleng malilibing ng buhay sa malapot na putik ng kumunoy?"

LISA: "Ay, sinabi mo. Pero 'di ba lahing Nardong-Putik si Sen Amazing Kap? Siempre, kayang mag-float n'yan sa putik, pero ang problema, dahil sa kulapol ng putik ke Amazing Kap eh hindi makikita na merong pagkakaiba kung authentic ang pirma o autistic ang utak nito, 'di ba?"

CION: "Hinay-hinay naman ang paggamit n'yo ng bokadura noh, nakakasakit kayo ng damdamin. Ang maipapayo ko marahil ke Sen Amazing Kap eh manahimik muna siya re: PDAF issue, 'gaya nina Sens JPE, Junggoy, Bongget, Punasan at 23 pang tongressmen na pawang mas angat ang IQ kumpara ke Amazing Kap, peksman!!!"

Tuesday, August 20, 2013

FERDINAND CHUA???

Kahindik-hindik ang mga isiniwalat ni netizen mad_as_Hamlet dito sa Disqus. Ito'y sagot marahil ni mad_as_Hamlet sa pinahahabang usapin re: kung sino ba ang talagang bayani, si Ninoy o si Ferdinand Marcos (FM)?

Nagsimula ang career in politics ni FM ng barilin niya ng cal.22 rifle at mapatay ang kapapanalo sa eleksiyong congressman ng Ilocos Norte, Julio Nalundasan, noong 1935.

Natapos naman ang career in politics ni FM ng barilin DAW ni fallguy Galman ng .357 revolver at mapatay sa tarmac ng MIA si Ninoy Aquino noong 1983.

Fact: Ang trajectory ng bala ay pababa mula sa batok at lumabas sa baba habang bumababa si Ninoy mula sa China Airlines, kasunod ang mga PAF soldiers, samantalang si Galman ay nag-aabang sa tarmac sa likod ng nakaparadang blue van ng PAF.

ANA: "Uy, shock na shock naman ako sa revelation ng ka-Disqus ni Sir Leo. Totoo kayang ang tunay na tatay ni FM ay isang lahing Intsik, matalino at well-connected municipal judge na si Ferdinand Chua at hindi si Mariano Marcos?

LISA: "Ibig mong sabihin eh ipinagbubuntis noon ni Donya Josefa si FM mula sa semilya ni Judge Chua ng ITANAN at pakasalan ni Mariano si Josefa? Sigurado ka ba sa tsismis mo, eh baka malibelo tayo, noh?"

CION: "Dagdag pa ng ka-Disqus ni Sir Leo, si Mariano eh isa raw palang Japanese collaborator kaya hinuli ng mga Gerilya ng Ilocos, itinali ang 2 paa sa likod ng 2 kalabaw at 2 kamay sa likod ng 2 pang kalabaw at sabay-sabay na pinaabante ang 4 na kalabaw. Mistulang palaka na nagkaputol-putol si Mariano, bow..."