Sunday, June 29, 2014

FEEDING TROUGH FOR PIGS

ANA: "Papayagan din kaya tayo ng PNP na dumalaw kina onorabol Junggoy at Bobong para magdala sa kanila ng SABSABAN (feeding trough for pigs)? Sa rami kasi ng dinadalang mga pagkain ng showbiz personalities para sa dalawang v.i.p. detainees na kapwa rin TAARTITS eh 'di kakasya ang mga sabsabin sa bandehado, PRECISELY!"

LISA: "Totoo 'yan 'ga. Sana nga eh payagan tayong makadalaw din kina onorabol Junggoy at Bobong ng mga jaguar ng PNP para magmukha rin tayong sikat na taartits. Wow! 'Tsaka magpapapirma ako ng album sa mga sikat na visitors as remembrance at ebidens na nakaDAONGPALAD ko ang mga celebrities para pagkamalan din akong isang celebrity na SINASALUDUHAN ng jaguar, o, 'di ba?"

CION: "Ay, tatablahin kita sa balak mong 'yan, 'day. Pa'no mo ipapasok ang isang LABANGAN (sabsaban) sa detention center eh an'laki-laki no'n at mabigat. Ang labangan o sabsaban eh yari sa troso na 'gaya ng 'itsura ng bangka o kayak ng mga Eskimo. Sinasabi nga sa Biblia na si Kristo eh sa isang sabsaban isinilang ni Maria, 'di ba? Sige, magbasa ka ng Biblia para matuto kang magpakumbaba at 'wag kang nagpapakataas."


Saturday, June 28, 2014

VIGILANTISM

ANA: "Ay, parang pelikula - bung kunana - 'yung tama ng bala sa dibdib. Ang galing tumigok ng holdaper ni Ginoong Vigilante, nabasa mo? Kung liligaw sa'ken si G. Vigilante, aysus, sasagutin ko s'ya agad 'tsaka hihilingin ko insegida sa kanyang do'n sa 2 Houses of TONGres siya mag-vigilante at ratratin nito ng silver bullets 'yung mga sabsaberong baboy do'n! Perfect, o, 'di ba?"

LISA: "Anong klase ba 'yang ILUSYON mo, kalandian o ngitngit mo vs mga sabsaberong onorabol, ha? Kung sabagay, hindi kita masisisi na maglandi ka ke G. Vigilate o baka gusto mo lang GUMANTI vs mga mandarambong ng taxpayers money? Sige, sasama na akong MAHIBANG na kagaya mo para sulsulan si G. Vigilante na mabuting sa 2 TONGreso nga siya magSINTENSIYADOR at magsama pa ng kapwa niya vigilantes at kagyat na tapusin ang plunder cases, o, 'di ba?"

CION: "Well, well. Wala akong masasabi sa mga haka-haka n'yo 'day. Kase, kung pagninilay-nilayan mo, no'ha, abaw kahit tapos na ang termino ng kahit sinong papalit ke PNoy sa Malacanang, eh surely na HINDI PA MATATAPOS ang kasong plunder vs mga onorabol! At ang masaklap pa nito eh posibleng bawiin din ng SandiganBayan ang arrests warrants ng 3 senatong. Hay, UTANG-ng-ina talaga nila sa bayan, hhuuu!!!"

Tuesday, June 24, 2014

MONEY FOR REVILLA, LOANS, NOT PORK BARREL

ANA: "Anong klaseng PALUSOT naman ngayon ang niluluto ng mga lieyers ni Janet? Aba'y sukdulan na ang pagtagni-tagni ng mga kasinungalingan sa publiko ng mga abogagong ito ni Janet, 'di ba? Eh kasi tingnan mo, PAUTANG lang daw ni Janet ke Bobong ang halagang P224.5 MILLION porke 'di naman galing 'to sa PDAF dahil walang SARO? UTANG ng ina talaga, hhuuu!!!"

LISA: "Kaya nga PALUSOT eh! Pero ang totoong dahilan kung bakit nag-file sa SB ang mga lieyers na'to ni Janet ng motion to quash arrest warrant, upang sa gano'n eh makaHUTHOT pa sila ng paldo-paldo mula ke Janet! O, kitam?"

CION: "Ay sinabi mo. Talagang posible na hinuhuthutan lang ng mga abogago si Janet. Hindi kasi kapani-paniwala na makakapag-PAUTANG ang isang pribadong tao 'gaya ni Janet, ng halagang P224.5 M ke Bobong ng WALANG INTEREST! Malamang na ginawa ng mga lieyers ang motion para ipakita ke Janet na sila eh talagang mga de-kalembang na abogago, 'di basta-basta. Attention, BIR Comm Kim, Madam!!!"

Monday, June 23, 2014

QUINTESSENCE

ANA: "Para sa'ken eh tama lahat 'yung mga tinalakay ni Seediykew re comparison niya between Tanda at ni Nelson Mandela. Kase, nakapaghugas-kamay na sana si Tanda mula sa pagiging berdugo nito vs Pinoy no'ng panahon ng Martial Law nang pangunahan niya bilang presiding senator-judge ng Impeachment Court, ang impeachment ni SC chief justice Corona, o, 'di ba?"

LISA: "Uh-unga 'ga. A la HUWARAN (quintessence) pa kase ang mga salita ni Tanda na kesyo naka-impake na raw ang mga gamit nito, baon pa man din ang librong sinulat ni Mandela, at handa na raw itong magpakulong para MAGBASA kapag inaresto, dahil kasangkot siya sa bilyon-bilyong kaso ng PANDARAMBONG na walang piyansa. Pero, sinasalungat naman ang kahandaang magpakulong ni Tanda ng kanyang de-kalembang na abogado, Jose Flaminiano - pleading that Tanda be kept out of jail on the grounds of old age! Ano ba talaga, Kuya?"

CION: "Si Mandela eh nakulong ng halos 30-taon sa kanyang bansa sa South Africa for UNWAVERING PRINCIPLE (ipinaglaban niya ang pantay-pantay na karapatan ng lahing Itim at Puti sa buong Mundo). Samantala, si Tanda eh makukulong ng walang-piyansa (life) dahil naman sa pangungulimbat ng bilyon-bilyong halaga mula sa kaban-ng-bayan (taxpayers' money), kakutsaba ang kapwa niya mga senaTONG at TONGresmen. Nauna nang nakapiit si ex-Pres Gloria at napatalsik si ex-SC CJ Corona sa panahon ng panunungkulan ni PNoy. Hay, nakakahiya kayo, grabe!!!"

Sunday, June 22, 2014

PA-VICTIM MEANS COURTING THE SYMPATHY OF THE PUBLIC

ANA: "Ang sabi ngayong araw ng PDI Editorial re kusang pagsuko sa Pulis ni Bobong Revilla no'ng Biyernes, eh isa raw itong significant event in history, kase, to avoid the INDIGNITY of arrest (of a senator) habang posible na patalikod siyang lalagyan ng posas sa harap ng kamera, eh sobrang kahiya-hiya talaga si Bobong bilang mandarambong! O, 'di ba?"

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga. Bilib talaga ako sa sumulat ng script para magmukhang PA-VICTIM si Bobong ni PNoy at magkaroon ng dahilan upang SUYUIN ni Bobong ang publiko bilang simpatiya sa (political persecution) kunong ginagawa sa kanya ng Malacanang, sa pamamagitan ng kahakot-hakot na cameramen at media na nag-cover ng SHOOTING sa kanyang pagsuko na pang-teleserye. O, getz mo?"

CION: "Ang ideyang PA-VICTIM para ke Bobong na meron pang (obsessive media coverage) eh siguradong naka-monitor din sa mga spinners/script writers nina Tanda at Junggoy at ang mga'to eh magtatagni-tagni ng kanilang OBSESSION at siempre, eh gumagawa rin ng script na pangtele-serye (read: magpamudmod ng AC/DC), para lalo pang magmukhang GRABE ang PAMUMULITIKA kuno ng Malacanang laban sa kanilang pandarambong! Mga BUKTOT!!!"

Saturday, June 21, 2014

DELUSION

ANA: "Ang tindi rin naman talaga ng epekto ng anunsiyo ni onorabol Bobong Revilla, noh? Ano sa palagay mo ang malilikha ng KAHIBANGAN (delusion) na'to ni Bobong na tila baga ipinagyayabang pa sa mga 20 milyon kunong botantes niya no'ng 2010 na BOBOto pa rin sa kanya ang mga ito?"

LISA: "Well, ang gusto kasing i-duplicate ni Bobong, ayon sa kanyang GUNI-GUNI, eh 'yung pagkakapanalo bilang kandidatong senador noon ni Sen Trillanes habang siya'y nakakulong no'ng 2004 dahil sa paglulunsad nito ng coup d'etat laban sa pandarambong sa kaban-ng-AFP noon ni Ate Glo. O, intiendes?"

CION: "Para sa'ken eh meron ibang motibo si Bobong at kasabwat niya ang mga oposisyon sa PRETEXT na'to para pondohan ang candidacy ni Bobong vs kandidato ni PNoy for president na si Mar Roxas? Habang nakatengga sa kalaboso si Bobong eh ikakampanya siya ng mga spinners mula sa oposisyon kasabay ng kampanya for president din ni Veep Nognog. Bago sumapit ang election day eh gagawa ng anunsiyo si Bobong na siya eh UURONG na sa kanyang kandidatura upang ke Nognog BOBOto ang 20 milyon niyang voters para masiguro ang panalo kuno ni Nognog! Hay Bobong, SMB (style-mo-bulok)!!!"

Friday, June 20, 2014

I WILL RISE AGAIN - ONORABOL BONG

ANA: "Sa palagay ko lang noh, si onorabol Bobong eh dumaan sa proseso ng EUGENICS. 'Yun bang paraan para mapabuti pa ang kalidad ng lahi ng human race, 'gaya nga ng SELECTIVE BREEDING. Eksampol, 'yung selective breeding ng PITBULL eh isang halimbawa ng eugenics, kase, sobrang tapang laban sa kapwa nito aso, o, 'di ba?"

LISA: "Oke ako sa paliwanag mo, pero, anong ibig mong sabihin sa klase ng TAPANG ng pagkaTAO ni onorabol Bobong? Kasing tapang din ba siya ng kanyang ama na si Sr Bobong na walang kaduda-dudang 'sing tapang din siya umano ni Nardong Putik na 'gaya ng tapang ng isang eugenic pitbull?"

CION: "Alam mo bang NILIPOL ni Hitler ang mga Jews no'ng WWI sa pamamagitan ng gas-chamber dahil mababang-uri ng tao daw ang lahi nila? Alam mo bang ang lahi ni KRISTO eh JEWS? Samantala, 'yung methodology naman ni onorabol Bobong eh eugenics para maparami ang mataTAPANG-ang-HIYA sa PHL para iBOBOto itong panggulo sa 2016. iBOBOto si Bobong, yeheyy!!!"

Thursday, June 19, 2014

STRENUOUS LEGAL FIGHT

ANA: "Para sa'ken eh nakabubuti ang pagbibigay paalala ni SoJ LdL sa mga whistle blowers, partikular kina Luy & Sunas, upang humanda sila sa strenuous legal fight vs tangkang pamboboldyak sa kanila sa loob ng Korte ng mga lieyers ng PDAF scammers para SINDAKIN at maGUTAY-GUTAY ang kanilang testimonya vs PDAF scammers, o, 'di ba?"

LISA: "Ay totoo 'yan 'ga. Kase, kailangang magpakitang gilas ang lieyers ng mga scammers to BELABOR the whistle blowers during hearings para maiparating ng media sa publiko na silang mga abogado de-kalembang eh ipaglalaban ng pukpukan para humanap ng kahit katiting na DUDA mula sa testimonya nina Luy at Sunas vs scammers, upang MAG-ALINLANGAN (askance) ang SB sa testimonya ng whistle blowers? Wa epek 'yan! Sumpa man."

CION: "Well, talos kong mahirap BUWAGIN ng mga lieyers ang taksan-taksang ebidens sa PANDARAMBONG vs  kliyente nilang onorabols, pero sobrang kumplikado kase ang kasong ito porke PERA ng taong-bayan ang involved dito. So, sa palagay ko lang noh, merong EPEKTO sa kaso kung sagana sa suhol mula sa dinambong na kuwarta-ng-bayan ang tinatanggap ng mga lieyers, peksman, upang magkaroon ng BAHID NG PAGDUDUDA ang Korte para payagang mag-CASH BOND ang mga scammers! Ubos tayo..."

Wednesday, June 18, 2014

3 ONORABOLS WILL BE MIXED WITH OTHER DETAINEES IF ARRESTED BY NBI

ANA: "Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong ang NBI ang uutusan ng SandiganBayan (SB) para sila ang umaresto sa 3 onoradol, et.al. at do'n din sa pasilidades ng NBI ikukulong lahat sila, kasama ang ilang high profile detainees, 'gaya nina Cedric Lee, Pagadian Mayor Samuel Co, mga rapists, murderers, para walang (special treatment), o, 'di ba? Hay, ang init-inits, fayfayan mo'ko, pls..."

LISA: "O hayan, nasa number 3 na 'yan, 'kakahingal talaga. Ang nakakapag-command lang kase ng taga-paypay sa loob ng NBI detention cell, I'm sure, eh sina LEE at CO, peksman. Pero naniniwala akong magpiprisintang taga-paypay sina Lee at Co kina Tanda, Junggoy at Bobong a la number 3 hangin ng bintilador sa presyong P1T per minute."

CION: "Oo nga noh? Malaking negosyo 'yan para mag-circulate 'yung mga nakatenggang cash-money na naunang nai-withdraw mula sa banko ng mga onorabol. Pero kung sakaling sa PNP naman sila ikukulong, eh hindi na kailangan ang pamaypay do'n, kase, merong tig-isang kuwarto, bintilador, sariling kama at CR ang mga onorabol. Actually, isang studio type na kuwarto ang kulungan nila. So, sino kaya ang uutusan ng SB para umaresto sa mga onorabol, ang PNP o NBI?"

Tuesday, June 17, 2014

DILLY-DALLY

ANA: "Hindi maTIGHAW ang ululation ng publiko, partikular ang mga blogger, kung bakit super-BAGAL daw kumilos ang SB na maglabas ng arrest warrant kina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla. Anong epekto nga naman ng Hold Departure Order (HDO) halimbawang kagyat umanong UMANIB sa Rightist Group 'yung tatlong onorabol, anong magagawa ng awtoridad, meron ba?"

LISA: "Ang bandidong Abu Sayaff nga at Leftists/ NPA eh hindi masupil ng AFP, ang Rightists pa kaya na mismong kasapi rin sa AFP? So, merong rason para mag-ULULATE ang publiko sa SB, bakit ayaw pang maglabas ng arrest warrant para dakmain at ikulong 'yang 3 onorabol, o, 'di ba? Ano ba kase ang hinihintay, Pasko?"

CION: "Hindi ba si onorabol Punasan eh supremo dati ng mga maka-kanang sundalo at tatay-tatayan niya si Tanda? No'ng ikulong kasi sa barko ng Navy na nasa gitna ng laot 'yang si Punasan eh kasabwat niya mismo yung mga bantay niyang sundalo at kasamang umiskerda sakay ng speed boat. NAKATAKAS! Saan ba gustong ikulong ng SB ang mga mandarambong na onorabol, sa isang barko sa gitna ng laot?"

Monday, June 16, 2014

"WALANG KAMA-KAMAGANAK, WALANG KAI-KAIBIGAN, WALANG PAKI-PAKIUSAP, WALANG PALU-PALUSOT"

ANA: "Masyado naman yatang nagpapahalata ang SandiganBayan na balak nitong BUBURUHIN ang pagdinig sa plunder cases vs Tanda, Junggoy, Bobong Revilla, Janet Napoles, et.al, noh? Nauna nang humiling si Omb Conchita sa SC na mag-create ito ng, AT LEAST, dal'wang espesyal na Korte upang duminig ng tuloy-tuloy hanggang sa matapos ang kasong ito ng pandarambong ng mga onorabol, o, 'di ba? SINAGKAAN NG SB! Juice kong mapakla.."

LISA: "Hay naku, 'wag ka nang magtaka. Kase, mawawalan ng AC/DC 'yung mga just-TIIS ng SB. Kung matatandaan mo ang sabi no'n ni Erap - (walang kama-kamaganak, walang kai-kaibigan, walang paki-pakiusap, walang palu-palusot), abaw, FALLACY lang niya 'yon, kase, ang talagang kahulugan ng kanyang kasabihan eh ang KABALIKTARAN. In other words, Meron DIN attack-collect, defense-collect (AC/DC) ang SB 'gaya ni Erap! Putragiz, hhuu!!!"

CION: "Alam ba n'yong AANDAP-ANDAP na ang natitirang tiwala ng publiko sa SB dahil nga sa napatunayan ng taong-bayan na si SB justiis ONG eh matagal nang kaPANALIG sa AC/DC ni Janet, bukod pa sa tangapagtanggol din ni Janet si Ong sa pekeng kevlar helmets na diniliber ni Janet sa PNP? Sige, subok lang, pagsuutin mo ng kevlar helmet si Ong at sisipatin ko ang kanyang ULO ng aking PALSUOT na made-of-bamboo. T'yak-na-t'yak, tatagos sa kevlar ang nginuyang-diario na bala ng aking palsuot, sige, pustahan tayo.."  

Sunday, June 15, 2014

PLUNDER IS A NON-BAILABLE OFFENSE

ANA: "Alam mo bang sinabi ni Tanda sa harap ng Media sa Senate Floor bago pa maisampa sa SandiganBayan (SB) ang plunder case laban sa kanya at kina Junggoy at Bobong? - (I'm prepared. Even if I'll die in my cell, it's okay. At my age, I've gone through life already) - Ito ang NARINIG kong eksaktong words ni Tanda sa mga beat reporters do'n sa Senate, peksman."

LISA: "Naku, IRONY lang 'yan ni Tanda noh! Pa'no kase, after na maisampa sa SB ang plunder charges laban ke Tanda, 'tsaka sa dal'wa pang bugok, abaw, ang kanyang mga lieyers eh kagyat na nag-file ng petition to dismiss the cases, and failing that, to grant Tanda bail, dahil 90 years old na raw siya. Ano 'yan, humihingi ng special consideration? Susmaryopes talaga, hhuuu!!!"

CION: "No way! 'Di pupuede ang argumentong ito ni Tanda, partikular sa plunder cases, dahil MAG-AALINLANGAN tiyak ang publiko na PATAS ang SB kung papayagang makapaglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito, kase, WALA pang BATAS na basehan para pagbigyan siya sa kanyang petisyon. Otherwise, isang PRECEDENT-SETTING lang ito kung sakaling pagbibigyan nga ito ng SB. MAGKANO???"  

Saturday, June 14, 2014

VOTE BONG REVILLA FOR PRESIDENT

ANA: "Hindi na yata maganda ang ANGLE na gustong tumbokin ng utak ni Atty Bodegon para papaniwalain ang mga botante na hindi scammer si Bobong Revilla? So, para bang INOOBLIGA nitong kumandidato UMANO si Bobong bilang Panggulo ng PHL sa 2016 presidential elections! Susmaryopes, que klaseng tangapagtanggol naman 'to noh?"

LISA: "Malaki kase ang paniniwala ni Bobong sa VERISIMILITUDE statements (parang TOTOO na mga pahayag) ng kanyang tangapagtanggol dahil tangapagtanggol din ito no'n sa impeachment ni SC ex-CJ Crown, remember? Siempre, paldo ang bayad sa serbisyo nito, o, 'di ba? So, tiwala si Bobong ke Bodegon porke NANINIWALA kuno itong hindi mandarambong si Bong, therefore, ang paniniwalang ito rin ng tangapagtanggol ang gustong IHASIK sa mga bobotante - (Iboto si Bong, 'di siya Mandarambong)! Ubos tayo."

CION: "Ah, sa palagay ko eh HINDI mauubusan ng PANTUSTOS sa mga botante si Bong kung ibabatay sa paniniwala ni Bodegon na posibleng MANANALO sa pagka-panggulo si Bong sa 2016? Kase nga, meron nang ready cash si Bong na nakatago sa mga kuwarto-kuwarto ng kanyang mansion sa Cavite, makalipas ma-withdraw at MASAID mula sa banko ang mga depositong amoy PDAF scam, o, 'di ba? Hay, masaya 'to, peksman!"

Friday, June 13, 2014

GUSTO KO HAPPY KA - JPE

ANA: "Alam mo bang NAMUTIKTIK ang mga blogger na UMAANGAL makalipas ilabas ng SandiganBayan sa Internet ang resulta ng raffle kung kani-kaninong division maitatalaga, individually, ang pagdinig sa kaso nina Tanda, Junggoy at Bobong? Kase, BAKIT daw kagyat na nakapagFILE 'yung tatlong akusado ng petition to bail, samantalang NO BAIL ang kasong plunder, 'di ba?"

LISA: "Talagang ang nature ni Tanda eh QUIBBLE basta tungkol sa legality ng kanyang nagawa, ginagawa at gagawin, ang pag-uusapan. O, tingnan mo, 'di ba sinabi niya no'ng nakalipas na araw na nakapag-impake na raw siya ng kanyang mga gamit at ready na sa kulungan? Pero 180 degrees siyang BUMALIKTAD sa kanyang sinasabi, kahit no'n pang kumakandidato siya, (Gusto ko, Happy ka)! Hay, pachydermatous ka talaga, 'sama pati sina Junggoy at Bobong na kapwa PEDANTIC (nagdudunong-dunungan)."

CION: "Kaya nga dapat eh MASANAY na ang Pinoy, partikular ang kapwa nating bloggers, sa kaBUHONGan ni Tanda porke siguradong hindi r'yan matatapos ang kanyang PAGLABUSAW sa kinakaharap niyang plunder case(s), kasama siempre sina Junggoy at Bobong. Basta unawain na lamang natin sila, bilang mga onorabol, na sila'y wala na TALAGA sa wastong diskarte at animo'y mga asong-ulol, recalcitrant, obstinate at perplex, MISMO!!!"    

Thursday, June 12, 2014

DUE PROCESS

ANA: "Oy, nabasa mo 'yung sinabi ni PNoy sa Naga City re PDAF scam? - (. . we went through the right process in ferreting out the truth). Kase, halatang NASAID na sa kabubungkal ng DAHILAN 'yung 3-bugok na onorabol porke wala nang maidaragdag pa silang dahilan kundi SINGLED-OUT lang DAW silang mga TAGA-ng-taga oposisyon. Hay, mga artistahing makikitid talaga ang utak, promise.."

LISA: "Nadale mo 'ga, tunay kang magaling sa SAYKOlogy 'gaya nina Junggoy at Bobong, peksman. Biruin mo namang ginamit pa ng dal'wang buhong na mag-privilege SPIT sa August Hall ng Senate upang iparating sa taong-bayan na hindi lang daw sila ang nangamkam ng PDAF, kundi, KASALO rin daw nila ang mga kaalyado ni PNoy!"

CION: "Oke, kung lilimiin mong maige ang mga sinabi no'ng una pa ni PNoy, idaraan sa MASUSING IMBESTIGASYON ang kaso ng pandarambong laban sa LAHAT ng nasasangkot, kaalyado man o oposisyon, sa pamamagitan ng pagkalap ng PRIMA FACIE evidence (sufficient to establish a FACT or to raise a presumption of the TRUTH of a fact unless controverted). So, sa harap ng Husgado dapat silang gumawa ng controvertion (pasinungalingan), hindi sa Senate Floor thru a privilege SPIT, bu'set!!!"  

Wednesday, June 11, 2014

3-PIECE SUIT ON A MONKEY & IT WILL STILL BE A MONKEY - CDQ

ANA: "Ang tindi rin namang magpalipad ng ALLEGORY (talinghaga) 'tong si Seediykew vs Babong Revilla noh? Pero in-FERNES, mas bagay na pang-uri (adjective) para ke Bobong ang PACHYDERMATOUS (thick-skinned mammal) kesa tawagin siyang MONKEY ni Seediykew, peksman."

LISA: "Pa'no, wala kase sa lugar ang pagkabenggatibo ni Bobong. Biruin mo namang ginamit pa ang kanyang Privilege Hour sa Senate Floor para BATIKUSIN-NG-PERSONAL si PNoy? Hindi kailanman nangyari sa August Hall ng Senado na magtalumpati ng kanyang SARCASM ang isang kgg na Senador 'gaya ni Bobong at birahin ang Pangulo ng Republika tulad ng ginawa niyang eksena. Alam kaya ni Bobong ang ibig sabihin ng UNPARLIAMENTARY?"

CION: "Ah, alam kong alam din ni Bobong na isa siyang kagulang-gulang na UNparliamentarian, kase, tulad din siya ni Janet na high school graduate LAMANG, pero me doctorate at summa cum laude sa kursong PhD Anomaly! Sige, try mong i-check sa DepEd at siguradong ibibigay insegida sa'yo ang records ni Bobong basta walang red tape, o, 'di ba, Bro Luistro?"  

Tuesday, June 10, 2014

CHINA'S BULLY BEHAVIOR

ANA: "Bakit kaya People's Republic of China (PRC) ang ipinangalan sa  mainlandChina, which implies that mainland China has a democratic form of gov't, eh samantalang 'yung panig lang naman ng Communist Party ang ganap na merong kontrol sa kanilang gobyerno (under communist dictatorship) mula pa no'ng kopong-kopong, o 'di ba? Anong say mo?"

LISA: Eh pa'no kase, inorganisa kapwa ng Gov't at Communist Party ang tinatawag nilang DEMOCRATIC CENTRALISM. Ibig sabihin, lahat ng panukalang batas eh pag-uusapan sa lower levels at ang resulta ng discussions are passed on to the leaders, who will decide on a policy, na 'eka nga eh, 'di MABABALI! Kailangang susunod ang lahat sa utos, maging ang kanilang Armed Forces. Kaya hayan, SIGA-SIGA ang dating ng mga komunistang Tsekwa vs Phl, Vietnam, Japan, atbp, 'tsaka pala ng TAIWAN. Hay, juice koh!"

CION: "Mula September 1949 eh nag-ibayo pa ang lupit, bagsik at tapang-ng-hiya ng communist dictatorship at itinaboy pati mga KALAHI pero kalaban sa partidong The Nationalists sa probinsiya ng Taiwan, sa pangunguna ni Chiang Kai-shek. Gayunman, sa Taiwan eh ipinagpatuloy pa rin ni Chiang Kai-shek ang kanilang Nationalist goverment, na hanggang sa kasalukuyan, eh siyang UMIIRAL na gobyerno ng bansang Taiwan at totoo namang DEMOCRATIC, hindi FARCE na 'gaya ng PRC's Communist Dictatorship. O, get it???"    


Monday, June 9, 2014

FROM A TO H DETENTION CELLS FOR SCAMMERS AT CAMP CRAME

ANA: "Susmaryopes naman talaga, hhuu, bakit pinagkakagastusan pa! 'Di ba mas bagay kung gagawa na lang ng a la Nazi concentration camp na gawa sa TENT, 'sang ektarya ang sukat ng lote at napaliligiran ng tubig, sa halip na bakuran ng barbed wire? Anong say mo?"

LISA: "Hmmm, puede, puede. 'Tapos, lalagyan ng mga 'sangdaang BUWAYA ang 'sangmetrong lalim ng tubig bilang tagaSAKMAL sa mga magtatangkang tatakas, kasama na rin ang tutulong na guwardiyang kakutsaba, 'gaya ng mga bantay-salakay ng BuCor sa Munti, PERFECT, 'di ba?"

CION: "Well, well guys, ang pagtuunan sana ng pansin ni Sec Mar, eh mabigyan niya ng BUNGALOW na tirahan na 'singganda ng detention cells sa Camp Crame ang mga biktima ng Yolanda sa Tacloban, noh? Kumpleto naman ang pondo para do'n galing sa donation, eh bakit inuuna pa 'yung titirhan ng mga mandaramdong na pinagkakagastusang pagandahin gamit ang taxpayers money? Ano ba 'yan!!!"

Sunday, June 8, 2014

"I WILL NOT ALLOW TO ARREST THE SENATORS IN THE SESSION HALL WHILE WE'RE HAVING A SESSION" - SP DRILON

ANA: "Ola amiga, anong masasabi mo sa mga parunggit ni SenPrex Drilon na 'di raw niya ipapahintulot na arestohin ng mga awtoridad sina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla habang nasa sesyon ang Senado. Ito aniya eh bilang pagRESPETO sa DANGAL ng Senado. Ano bang ibig sabihin ng dangal, alam mo?"

LISA: "Eh di DIGNITY, ano pa! Kaya nga tinatawag na HONORABLE ang mga legislators, mga cabinet members, mga justices at judges ng judiciary, at siempre pa, mga local officials din at kasama pati mga barangay captain, 'gaya ni amazing kap, eh pawang meron silang DIGNITY. Kaya nga tinatawag silang lahat na ONORABOL eh, o, intiende?"

CION: "Heh, tigilan mo na nga 'yang pang-iinsulto mo sa mga sangkot sa PDAF scam noh! Ang hinihiling lang kase ni SP Drilon sa mga aarestong awtoridad kina Tanda, Junggoy at Bobong Revilla, eh 'wag naman daw sanang ITATAON habang me sesyon ang Senado. 'Di 'gaya no'ng si Tanda pa ang nagpapa-aresto ng WALANG-RESPETO, no'ng siya pa ang administrador ng martial law, kase, IBINABALIBAG lang na parang YOBAB ang mga inaarestong estudyante at pinagkakasya sa siksikang trak ng MetroCom. Naranasan 'yan ni Sir Leo, peksman!"

SPRATLYS IN THE WEST PHL SEA, A LA GIBRALTAR OF BRITISH COLONY

ANA: "Alam mo bang 'yung mga isla ng Spratlys na halos magkakadikit sa laot ng West Phl Sea na binabarasong ANGKININ ng buong-buo ng mga Tsekwa, eh isang SEA LANE ng mga paparoon't-paritong barko mula pa no'ng A.D. 711, batay sa history, na merong kargang mga KALAKAL para sa pangangailangan ng sangkatauhan sa buong mundo?"

LISA: "Ay, nakana mo 'ga. Ang salitang spratly eh hango sa salitang SPRAT, isang uri ng isdang herring na me sukat lamang na 3 - 6 pulgadang haba at matatagpuan lamang sa paligid-ligid ng SHOAL (a stretch of shallow water). Do'n sa hilera ng Spratlys nangingisda ng SPRAT (herring) ang mga Pinoy, bago pa dumaong si Ferdinand Magellan sa Mactan noong 1521, sa paligid-ligid ng shoals na sakop ng coast ng Zambales Province! Sige, kahit tingnan mo sa map."

CION: "Ang isla ng Gibraltar eh isang British colony na matatagpuan sa southern cost of Spain. Ang islang ito eh maihahambing sa hanay ng mga isla ng Spratly na pawang matatagpuan malapit sa baybayin (coast) ng Pilipinas! Ang isla ng Gibraltar eh isang limestone mass at meron itong sukat na 2.3 square miles at population na 32,000 lamang, kasama rito ang 5,000 bilang ng sundalo na pawang British Army at kanilang pamilya. Ang Gibraltar, 'gaya ng Spratlys, eh nasa laot ng Mediterranean Sea at isa rin itong SEA LANE, an established ROUTE for ships mula pa no'ng KOPONG-KOPONG!!!"

Friday, June 6, 2014

ENRILE, ESTRADA, REVILLA IPINAGSAKDAL NA NG OMBUDSMAN SA SANDIGANBAYAN!

ANA: "Wow, ang pakiramdam ko eh para bagang bagong-ligo ako at preskong-presko matapos akyatin ang bundok ng hibok-hibok at nanggigitata sa pawis. Hay, an'tsarap-tsarap talaga ng pakiramdam, o, 'di ba?"

LISA: "Heh! tsarap-tsarap ka r'yan. Hindi lang'kaw kase ang naliligayahan noh? Lahat ng Pinoy, partikular ang mga mahihirap, eh nakadarama ngayon ng KATIYAKAN upang managot ang mga KAPURAL sa PDAF scam dahil sa walang-habas nilang pandarambong sa kaban-ng-bayan, MISMO!!!"

CION: "Merong nagbulgar na isang blogger na umabot pala sa P1.2 Billion ang sama-samang gastos ng 12 nanalong senaTONG no'ng 2013 elections, puera pa 'yung P150 Million nawaldas din ng natalong si Jackoy na anak ni Tanda, biro mo 'yon? Well, dahil sa abrupt na DALOY ng PDAF mula ng ipahinto ito ng SC, 'tsaka ang pagsasampa ngayon ng SAKDAL sa SandiganBayan vs mandarambongS, eh hindi na kailanman mababawi mula sa PDAF ng mga senaTONG ang kanilang ginastos. PROMISE!!!"

Thursday, June 5, 2014

SIN VERGUENZA (Walang-Hiya)

ANA: "Hay, 'alang'ya talaga 'yang ugali ni Junggoy, pinababa niya hanggang bukong-bukong ang DIGNIDAD ng buong Senado kamakailan sa hearing ng Commission on Appointments habang nakasalang para sa kompirmasyon ni SoJ LdL, anak-ng-Erap ka talaga, hhuuu!!!"

LISA: "Eh bakit ba sobra ang galit mo yata ke senaTONG Junggoy, me crush ka sa kanya noh? amininnn! 'Wag kang magselos ke S.Cam, kase, bukod sa bayaran siyang bubae ni Junggoy, eh modelo rin siya bilang OBSTINATE at SIN VERGUENZA! Samantalang ikaw naman eh kilalang merong mabuting reputasyon. O, 'di ba?"

CION: "Oy, kayong dal'wa, 'wag n'yo ngang pag-usapan 'yang 'alang kakuenta-kuentang bagay na 'yan tungkol sa pagkaTAO ni Junggoy, noh! Siempre, ang breeding niya eh galing sa kanyang ma-Erap na ama, nakulong dahil sa plunder. So, kanino ba magmamana si Junggoy, eh 'di sa kanyang ama, o, 'di ba? kase, makukulong din si Junggoy dahil din sa kasong plunder na 'alang-piyansa! Like fadir, like sonabagan."

Wednesday, June 4, 2014

RIDING-IN-TANDEM

ANA: "Impounded ng QCPD ang 100 nakaparadang motorcycles (MC) sa mga lansangan ng QC sa utos ng chief of QC Police Richard Albano, sa hinalang ginagamit ang mga ito sa krimen ng riding-in-tandem, porke pawang wala umanong rehistro mula sa LTO."

LISA: "Papa'nong maire-rehistro ang mga MC na 'yan sa LTO eh binuo lang kase ang mga MC na 'yan mula sa chop-chop na piyesa ng mga nakaw na MC? Open-secret naman 'yan sa mga pulis, kahit itanong mo pa ke Gen Albano, o, 'di ba Sir?"

CION: "Me tama ka r'yan 'day, peksman. Eh kase, sampu sa 100 MC na hinakot sa impounding area eh pagmamay-ari ng pulis na tauhan mismo ni Gen Albano! Oke, para hindi paghinalaan na ningas-kugon lang ang press release na'to ni Albano, dapat imbestigahan niyang mabuti ang kanyang mga tauhan at idemanda ang mga ito kung merong probable cause na sangkot sila sa (RIDING-IN-TANDEM), pronto!"

Tuesday, June 3, 2014

"TO BE DISPOSED OF, LIKE CONDOMS, AFTER USE"

ANA: "Oy, 'lamobang sa Asia eh meron pa rin palang mga bansa, ayon ke Seediykew, na sumusunod sa tradisyon noong unang panahon more than 2000 years ago? 'Gaya sa India, Pakistan at Iraq, ang mga babae roon eh itinuturing pa rin daw na isang KASANGKAPAN lamang na pupuedeng pagparausan anumang oras ng mga lalake? Anong klaseng kahayupan 'to!?"

LISA: "No'ng early 60's eh ganyan din kasi ang kostumbre ng mga Pinoy, a la buwitre kung maninila ng mga Pinay. Dinukot at pinagsamantalahan ang sikat na artistang si Maggie ng 4 na kabataang pawang anak ng mayayaman mula sa Metro Manila. Mabuti na lamang at iniwan nilang buhay noon ang artista matapos nilang gahasain kaya naman nakapagSUMBONG pa'to sa Police. Naging sensational news sa Phl at sa mundo ang rape case ni Maggie, na hanggang sa mga sumandaling ito'y buhay. Samantala, 'yung 4 na rapists eh sentensiado ng BITAY at matagal nang TINIGOK sa Muntinlupa sa pamamagitan ng electric chair! Buti nga.."

CION: "Well, well. Dahil nga sa kaawa-awang kapalaran ni Maggie sa 4 na rapists, nagbago MULA NOON ang kultura ng kahayupan ng mga Pinoy laban sa mga KABABAIHAN, nang IBABA ni RTC Judge Lourdes P. San Diego, (ang judge na merong BALLS) ang kanyang hatol na sunugin sa silya-elektrika ang 4 na buhong. Kung kaya naman mula noon, hanggang ngayon, eh PUMAIMBILOG na hanggang alapaap ang kapangyarihan ng kababaihang Pinoy, 'gaya ni Ate Glo at ni Janet Lim Napoles, o, 'di ba?"

Monday, June 2, 2014

DAN BROWN WAS PLEASED TO CALL THE PHL THE GATES OF HELL

ANA: Alam mo 'ga, pabor ako sa panukala ni Seediykew (CDQ - Conrado de Quiros). Sa kanyang kolum ngayong araw, dapat daw na magkaroon ng experiments, partikular ang DepEd, that explore new developments hinggil sa sistema ng edukasyon sa Phl na obviously eh talagang LIMITADO lamang sa loob ng siksikang classrooms. Hay, ang init-init, fayfayan mo'ko, plis.."

LISA: "Uh-unga 'ga. Pero matatandaang no'ng 2009 pa eh ipinaramdam na sa Gov't ni Efren Penaflorida ang eksperimentong KARITON CLASSROOM, litiral na itinutulak niyang kariton na puno ng school supplies/materials, ginagamit niya upang turuan ang mga out-of-school youth na nakatira sa pook ng mga dukha, na ayon ke Dan Brown, eh Gates of Hell! Ows? Pinarangalan si Penaflorida ng CNN, sa halip na ang DepEd, sa kanyang natatanging kusang-loob na pagtuturo sa mga kabataan. O, 'di ba?"

CION: "The opportunities for education are LEGION, dats eh pak! Tingnan mo, kung merong OPEN HIGH SCHOOL SYSTEM na ipinatutupad nang DepEd, ang naturang sistema eh gagamit ng print, radio, TV and the PC, satellite braodcasts, teleconferencing and multimedia, at HINDI KARITON, to allow people to learn on their own without need to go to a classroom! Otherwise, magtulak ka na nga lang ng kariton, Bro Luistro, MABUTI PAH!!!"

Sunday, June 1, 2014

"I CHECKED. NO ONE IS MOVING," - SEN TRILLANES

ANA: "Hindi ko tiyak pero parang ISININGIT lang sa bandang huli ng kanyang report ni PDI Reporter Christine Avendano 'yung babala o paalala ni Sen Trillanes. Kase, kung pagninilay-nilayan ng mga readers/bloggers, 'di masyadong maarok ng publiko ang sobrang KATAHIMIKAN ngayon ni Tanda, o, 'di ba?"

LISA: "Alalahanin mo 'ga na si Tanda ang HATCHET MAN (implementor) ng tatay ni Bongget Marcos no'ng Martial Law, sa makatwid, kaya nitong HIMUKIN MULI ang buong AFP, sa tulong nina Punasan, Junggoy, Bobong Revilla atbp? Kase, nahalata ni Sen Sonny na tila KINAKASANGKAPAN na umano ng political group ni Tanda ang sitwasyon sa PDAF scam para GUMAYA sa Thailand ang PHL at magpatupad DIN ng Martial Law, sa TULONG ng AFP??? Hay, nakakataCUTE talaga! O, anong say mo?"

CION: "Tumpak, meron kang tama, talagang-talaga 'day. 'Yun kasing dating VOCIFEROUS duo na Junggoy at Bobong Revilla eh para ngayong pinitpit-na-luya sa katahimikan 'gaya nina Tanda at Punasan. Sabi DAW kase ni Sen Sonny na POSIBLENG GINAGAPANG na nila, sa pangunguna ni Tanda, ang AFP para maglunsad muli ng Martial Law a la Thailand at PATALSIKIN si PNoy? HINDI KAMI PAPAYAG kahit na nga magka-ubusan pa ng lahi!!!"