Tuesday, June 3, 2014

"TO BE DISPOSED OF, LIKE CONDOMS, AFTER USE"

ANA: "Oy, 'lamobang sa Asia eh meron pa rin palang mga bansa, ayon ke Seediykew, na sumusunod sa tradisyon noong unang panahon more than 2000 years ago? 'Gaya sa India, Pakistan at Iraq, ang mga babae roon eh itinuturing pa rin daw na isang KASANGKAPAN lamang na pupuedeng pagparausan anumang oras ng mga lalake? Anong klaseng kahayupan 'to!?"

LISA: "No'ng early 60's eh ganyan din kasi ang kostumbre ng mga Pinoy, a la buwitre kung maninila ng mga Pinay. Dinukot at pinagsamantalahan ang sikat na artistang si Maggie ng 4 na kabataang pawang anak ng mayayaman mula sa Metro Manila. Mabuti na lamang at iniwan nilang buhay noon ang artista matapos nilang gahasain kaya naman nakapagSUMBONG pa'to sa Police. Naging sensational news sa Phl at sa mundo ang rape case ni Maggie, na hanggang sa mga sumandaling ito'y buhay. Samantala, 'yung 4 na rapists eh sentensiado ng BITAY at matagal nang TINIGOK sa Muntinlupa sa pamamagitan ng electric chair! Buti nga.."

CION: "Well, well. Dahil nga sa kaawa-awang kapalaran ni Maggie sa 4 na rapists, nagbago MULA NOON ang kultura ng kahayupan ng mga Pinoy laban sa mga KABABAIHAN, nang IBABA ni RTC Judge Lourdes P. San Diego, (ang judge na merong BALLS) ang kanyang hatol na sunugin sa silya-elektrika ang 4 na buhong. Kung kaya naman mula noon, hanggang ngayon, eh PUMAIMBILOG na hanggang alapaap ang kapangyarihan ng kababaihang Pinoy, 'gaya ni Ate Glo at ni Janet Lim Napoles, o, 'di ba?"

No comments:

Post a Comment