Sunday, June 8, 2014

SPRATLYS IN THE WEST PHL SEA, A LA GIBRALTAR OF BRITISH COLONY

ANA: "Alam mo bang 'yung mga isla ng Spratlys na halos magkakadikit sa laot ng West Phl Sea na binabarasong ANGKININ ng buong-buo ng mga Tsekwa, eh isang SEA LANE ng mga paparoon't-paritong barko mula pa no'ng A.D. 711, batay sa history, na merong kargang mga KALAKAL para sa pangangailangan ng sangkatauhan sa buong mundo?"

LISA: "Ay, nakana mo 'ga. Ang salitang spratly eh hango sa salitang SPRAT, isang uri ng isdang herring na me sukat lamang na 3 - 6 pulgadang haba at matatagpuan lamang sa paligid-ligid ng SHOAL (a stretch of shallow water). Do'n sa hilera ng Spratlys nangingisda ng SPRAT (herring) ang mga Pinoy, bago pa dumaong si Ferdinand Magellan sa Mactan noong 1521, sa paligid-ligid ng shoals na sakop ng coast ng Zambales Province! Sige, kahit tingnan mo sa map."

CION: "Ang isla ng Gibraltar eh isang British colony na matatagpuan sa southern cost of Spain. Ang islang ito eh maihahambing sa hanay ng mga isla ng Spratly na pawang matatagpuan malapit sa baybayin (coast) ng Pilipinas! Ang isla ng Gibraltar eh isang limestone mass at meron itong sukat na 2.3 square miles at population na 32,000 lamang, kasama rito ang 5,000 bilang ng sundalo na pawang British Army at kanilang pamilya. Ang Gibraltar, 'gaya ng Spratlys, eh nasa laot ng Mediterranean Sea at isa rin itong SEA LANE, an established ROUTE for ships mula pa no'ng KOPONG-KOPONG!!!"

No comments:

Post a Comment