ANA: "Hindi na yata maganda ang ANGLE na gustong tumbokin ng utak ni Atty Bodegon para papaniwalain ang mga botante na hindi scammer si Bobong Revilla? So, para bang INOOBLIGA nitong kumandidato UMANO si Bobong bilang Panggulo ng PHL sa 2016 presidential elections! Susmaryopes, que klaseng tangapagtanggol naman 'to noh?"
LISA: "Malaki kase ang paniniwala ni Bobong sa VERISIMILITUDE statements (parang TOTOO na mga pahayag) ng kanyang tangapagtanggol dahil tangapagtanggol din ito no'n sa impeachment ni SC ex-CJ Crown, remember? Siempre, paldo ang bayad sa serbisyo nito, o, 'di ba? So, tiwala si Bobong ke Bodegon porke NANINIWALA kuno itong hindi mandarambong si Bong, therefore, ang paniniwalang ito rin ng tangapagtanggol ang gustong IHASIK sa mga bobotante - (Iboto si Bong, 'di siya Mandarambong)! Ubos tayo."
CION: "Ah, sa palagay ko eh HINDI mauubusan ng PANTUSTOS sa mga botante si Bong kung ibabatay sa paniniwala ni Bodegon na posibleng MANANALO sa pagka-panggulo si Bong sa 2016? Kase nga, meron nang ready cash si Bong na nakatago sa mga kuwarto-kuwarto ng kanyang mansion sa Cavite, makalipas ma-withdraw at MASAID mula sa banko ang mga depositong amoy PDAF scam, o, 'di ba? Hay, masaya 'to, peksman!"
No comments:
Post a Comment