ANA: "Para sa'ken eh nakabubuti ang pagbibigay paalala ni SoJ LdL sa mga whistle blowers, partikular kina Luy & Sunas, upang humanda sila sa strenuous legal fight vs tangkang pamboboldyak sa kanila sa loob ng Korte ng mga lieyers ng PDAF scammers para SINDAKIN at maGUTAY-GUTAY ang kanilang testimonya vs PDAF scammers, o, 'di ba?"
LISA: "Ay totoo 'yan 'ga. Kase, kailangang magpakitang gilas ang lieyers ng mga scammers to BELABOR the whistle blowers during hearings para maiparating ng media sa publiko na silang mga abogado de-kalembang eh ipaglalaban ng pukpukan para humanap ng kahit katiting na DUDA mula sa testimonya nina Luy at Sunas vs scammers, upang MAG-ALINLANGAN (askance) ang SB sa testimonya ng whistle blowers? Wa epek 'yan! Sumpa man."
CION: "Well, talos kong mahirap BUWAGIN ng mga lieyers ang taksan-taksang ebidens sa PANDARAMBONG vs kliyente nilang onorabols, pero sobrang kumplikado kase ang kasong ito porke PERA ng taong-bayan ang involved dito. So, sa palagay ko lang noh, merong EPEKTO sa kaso kung sagana sa suhol mula sa dinambong na kuwarta-ng-bayan ang tinatanggap ng mga lieyers, peksman, upang magkaroon ng BAHID NG PAGDUDUDA ang Korte para payagang mag-CASH BOND ang mga scammers! Ubos tayo..."
No comments:
Post a Comment