ANA: "Asusmaryopes! Habang inaapura ng Kongreso para ipasa ang BBL sa Junio eh sumulpot naman daw ang panibagong Moro rebel group na umano'y mismong kumukupkop ngayon ke Basit Usman, ang Justice for Islamic Movement (JIM) na meron daw 70 miembro at pawang mga bomb experts. Ito ang IBINUKING sa media kahapon ni AFP spokesman Col Resty Padilla. Eh pa'no ngayon 'yan, ha?"
LISA: "Problemang malake nga 'yan 'ga, kase, sa tingin ko'y masigasig ang AFP na matiklo agad si Usman sa tulong kuno ng MILF para ma-ingganyo nila ang Kongreso at ang publiko para aprubahan ang BBL bago magbigay ng kanyang State of the Nation Address si PNoy sa July. Pero sa palagay ko eh hindi basta-basta mahuhuli ng AFP na nasa pangangalaga ng JIM na grupo ni Mohamad Ali Tambako at mortal na kaaway daw ngayon ni Umbra Kato ng BIFF, o, 'di ba?"
CION: "Me tama ka r'yan 'day, peksman. Kung halimbawang aprubahan ng Kongreso sa Junio ang BBL, sigurado akong hindi rin matatapos ang gusot sa Mindanao dahil bakit MILF lang kase ang kausap ng Gov't? Para huwag sumablay ang peace negotiation, bilang solusyon eh dapat munang pag-isahin ng MILF ang mga tribo sa Mindanao, tulad ng MNLF, ASG, BIFF, JIM at Kristiayo, 'tsaka sama-sama nilang ibalangkas ang proseso ng pag-uusap para sa TUNAY-NA-KAPAYAPAAN sa Mindanao bago ito idulog sa Kongreso for approval, noh?"
No comments:
Post a Comment