Sunday, March 22, 2015

NOGNOG SLAMMED THE DILG, DOJ & OMB FOR THEIR 'POLITICAL ARROGANCE'

ANA: "Talaga namang BINABALISAWSAW na ang utak ni Nognog, noh! TIGIB siya ng pag-aalala na baka makalaboso ang buong dinastiya niya before the 2016 elections, eh pa'no na ang kandidatura niya sa pagka-panggulo, 'di ba? So, ang BINABAGABAG (agitate) niya ngayon eh members ng IBP para kampihan ang TRO ng CA pabor ke Dayunyor vs 'political arrogance' kuno ng DILG, DOJ at OMB porke ba't sinasabi nilang 'MOOT' na raw ang TRO?"

LISA: "Obviously, si Nognog mismo ang nababagabag, kase, AYAW niyang i-elevate sa SC for final decision ang kaso ng TRO na inisyu ng CA, kung ang SO nga ba vs Dayunyor na inisyu ng OMB ng mas maaga kesa TRO eh moot and academic? Kase, walang dudang pahaharapin sa hearing ng SC sina Limlingan, Baloloy at Gregorio, eh saan HUHUKAYIN ni Nognog ang pinaglibingan sa mga ito? Araguyy!!!"

CION: "Oke, ipagpalagay nang LIKAS na mandarambong nga ang mga BINAYaran at siempre, walang dudang alam din ito ng mga DEMAGOGUE (political agitators), 'di ba? Tuwid-na-tuwid, kitang-kita, maliwanag-na-maliwanag na KINUKULAPULAN ni Nognog ng SUHOL ang mga naturang demagogue, kabilang ang CA, bukod pa sa ac/dc media people at FALSE ACIA! Aba'y kelangang bilisan ng OMB na maiKALABOSO ang mga BINAYaran bago pa masaid ang taxpayers' money na dinambong nila, noh?"

No comments:

Post a Comment