Friday, March 27, 2015

LEE KUAN YEW OF SINGAPORE AND SEE KWAT YEW OF MAKATI

ANA: "Mistulang LASPAG na haliparot ang mga BULADAS na lumalabas sa bibig ni Nognog, kesyo, ikinukumpara ang sariling kasing-galing daw siya ni Lee Kuan Yew ng Singapore, re kung pa'no nito ginawang mayamang bansa ang Singapore, eh gano'n din daw ang ginawang pagpapayaman ni Nognog bilang a la SEE KWAT YEW meyor ng Makati! IMBI (imbudo) talaga ang utak, 'di ba?"

LISA: "Hindi na talaga tumatalab ang EMOSYON sa utak ni Nognog porke 'di man lang NANGILABOT na ikumpara ang sarili sa walang-bahid kurapsiyon na si ex-Prime Minister Lee Kuan Yew ng Singapore na kasalukuyang nakaburol, (our condolences). Ang ganitong klase ng EULOGY for Lee Kuan Yew ni Nognog eh pang-BRAIN WASH sa kanyang mga BOBOtantes na inilalathala ng False Acia, pero wa epek 'to sa'men 'tsaka sa Pinoy voters, PROMISE!!!"

CION: "Si Lee Kuan Yew, from all accounts, was one that brooked no corruption at any level, samantalang si SEE KWAT YEW aka NOGNOG of Makati, was hounded by corruption charges from the beginning which have lasted to this day. So, an'dami-raming adjectives ang pupuedeng ikabit ke Nognog 'tsaka sa dinastiya nito, bukod sa salitang mandarambong (PLUNDERER), 'gaya ng BUHONG, TAMPALASAN, DAYUKDOK, HAYUK, SUKAB, HANGAL, BALIW, etc, etc!!!" Meron ka pang idaragdag???"  

No comments:

Post a Comment