ANA: "Yehey! happy, happy new year! yehey!!! Hay, ang saya-saya ko talaga, 'ga. Biruin mong SUSPENDED ng OMB mula sa araw na'to bilang yorme ang mga IPISYAL ng Makati sa pangunguna ni Dayunyor, noh? So, anong masasabi ng mga DEMAGOGUE ni Nognog 'gaya nina KUPAL angkol PIP Ko Hwang Koy, asawang si aunTI TING Garampingat, 'tsaka si agsulsultop ti BISUKOL nga obese po Arguelles? O, ha?"
LISA: "Heh, mali! Hindi one year, kundi SIX months lang ang suspension order sa mga hangal na mandarambong sa pangunguna ni meyor Dayunyor. Malaking DAGOK 'to ke Nognog, kase, kung tutuusin eh, unti-unti siyang MAHUHUBARAN ng OMB ng tapis sa katawan at lilitaw sa publiko na siya pala'y tadtad ng kulugo (ebidens-ng-pandarambong) sa katawan. Pero, bukod-tangi siyang hindi muna sinuspinde ng OMB para 'di halatang sadya talaga siyang ibinibilad para maging DAING sa kahihiyan, o, 'di ba?"
CION: "Yes, yes yeow. Pati nga 'yung strategy ng OMB eh binago sa paghawak nila sa kasong plunder na walang piyansa. Sadyang binabaan ang ANTAS ng kaso at ginawang graft case na lamang ito laban kina Nognog and Dayunyor, et al, para hindi matulad sa unang mga kaso ng heinous crimes, tulad ng massacre, plunder o rebellion na walang piyansa. So, bago magkaroon ng trial ang heinous crime eh hihirit muna ng motion ang mga abogago para makapag-lagak ng piyansa ang kliyente! Delaying tactics, 'eka nga, 'di ba Junggoy?"
No comments:
Post a Comment