ANA: "Si Cong Pong Biazon pala eh dating AFP chief of staff during Cory Gov't no'ng kasama pa ang Philippine Constabulary sa armed forces ng Phl, noh? Kase, batay sa history, ang PC eh ibinukod sa AFP at isinama sa Pulis para maging Integrated Nationnal Police na siya ngayong Philippine National Police (PNP) at isang CIVILIAN agency, o, 'di ba?"
LISA: "Me tama ka r'yan 'ga, ang galeng-galeng mo, sobra. Sa speech kase ni Cong Pong re BBL, - (I am scared of war!), hinggil sa walang-katapusang gera sa Mindanao. Bilang isang opisyal ng sundalo eh ibinida ni Cong Pong na niRATRAT at natigok sa pangunguna ni B/G Teodolo Bautista at 33 pang soldados sa Patikul, Sulu no'ng Oct 10, 1977. Babalangkas sana noon ng PEACE AGREEMENT sina Gen Bautista, sa panig ng gov't, at ke Usman Sali, sa panig naman ng MNLF. Pero sa halip,disaster ang naganap."
CION: "Pilit kasing nililibak ng mga KUPALs si PNoy na IWANAN na ang BBL at sa halip eh inuudyukang makipag all-out-war na lang ang AFP vs rebels sa Mindanao. Pilipino laban sa kapwa Pilipino? Sa tingin kaya ng mga KUPALs eh kaya nilang KONTROLIN ang all-out-war sa Mindanao halimbawang sila ang hahawak sa renda ng gov't? Gusto ba ng mga KUPALs, sa partisipasyon ng mga obese poh, na mag-a la Isaerli vs Arab ang mga Muslims vs Kristiyano sa Mindanao? Hay, mag-isip isip naman kayo, Nognog, angkol PIP at aunTI TING Garampingat, noh?"
No comments:
Post a Comment