Thursday, January 28, 2016

ENRILE'S DUD

ANA: "O, kitam? SABLAY si Tanda sa ipinatawag na reinvestigation ng Kumita ni Sen Gracia re Mamasapano tragedy, para sadyang guluhin (DISCOMBOBULATE), upang idawit si PNoy na merong pananagutan kuno kung kaya natigok ang SAF 44! Pero, mismong si Gracia, bilang chair ng Committee, eh KUMAMBIYO at nagsabing wala siyang nakita na bagong EBIDENS na prinisinta si Tanda maliban sa SUMATSAT lang siya at magbintang sa harap ng mikropono (for the records) vs AFP at ke PNoy, duh!"

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga! Ugali na talaga ni Tanda ang mag-BAMBOOZLE (manlinlang) sa madlang-pipol, partikular sa mga BOBOtantes, lalo na sa mga kasong CONVOLUTED (mahirap unawain) 'gaya nga ng Mamasapano tragedy. Kung si Tanda eh WHEREWITHAL (me kakayahang gumawa) ng script para sa kanyang sariling ambush upang ibaba ni Apo Perder ang martial law no'ng Sept 21, 1972, eh hindi na siya EPEKTIB ngayon dahil isa na siyangTUNGGAK at SENILE (agkabaw, sa Ilokano o ulyanin, sa Tagalog)!"

CION: "Bilib din ako senyo, kase, an'dami n'yong bukabulari na ginagamit at binibigyan ng kahulugan para madaling maunawaan at kumintal (MARKED) sa isipan ng ordinaryong Pinoy, see? Tulad ng katanungan ng maraming Pinoy kung bakit ba kase nakalabas ng kulungan si Tanda? Ang misyon ba talaga ni Tanda eh para maghasik ng kalituhan sa buong sambayanan upang GIBAIN ang DAANG MATUWID na tinatahak ng kandidato ni PNoy na MAR-LENI tandem! Kasabwat ba ang 8 SC aso justiis ni Tanda kaya siya lumaya?"

Tuesday, January 26, 2016

SC HEARING GIVES GRACIA HOPE

ANA: "Kahit pa'no eh meron pang KATITING na pag-asa si Gracia kung iyong uukilkilin (keep asking) sa iyong sarile, kase eh tila pumapabor ke Gracia ang argumento nina CJ Sereno at Justice Leonen, 'di ba? Sa interpellation ke Atty Poblador (de-kalibreng abogado ni Gracia) nina CJ Sereno at Justice Leonen eh para bagang LEADING QUESTIONS ang tinutumbok ng kanilang katanungan na ibinabato ke Poblador, o, hah! Maging mga legal mind bloggers eh BELLIGERENT (nagtatalo-talo) sa internet re DQ issue ni Gracia, see?"

LISA: "Sabi kase ni CJ Sereno - (compelling a foundling to prove his/her unknown parentage was an impossible condition). Zeroed-in din kase ng CJ on who should carry the burden of proof that Gracia is not a natural born Filipino and hence not qualified to seek public office. Si Gracia ba dapat o ang nag-file ng DQ vs Gracia? Sabi pa ng CJ - (If the Court upholds the 'impossible' requirement for a foundling to prove his/her unknown parentage, generations of Filipino foundlings will suffer the unintended consequences). Ows!!!"

CION: "Oke, kung ang CJ at si Leonen eh pabor ke Gracia, 9 justices naman ang inaasahan ko who could potentially rule to DQ Gracia, sina; Carpio, Brion, De Castro, Del Castillo, Perlas-Bernabe, Bersamin, Peralta, Perez at Velasco. Plus merong pang 4 na justices who could go either way; Caguioa, Jardeleza, Reyes at Mendoza. Halimbawang pumanig ang huling 4 na justices kina CJ Sereno at Leonen, eh, nakalalamang pa rin ang 9 na boto vs 6 votes para tuluyang ma-DQ si Gracia! O, BOBOtantes, sali na!"

Saturday, January 23, 2016

SC: ARROYO TAKEOVER (un)CONSTITUTIONAL?

ANA: "Muling nauungkat 'yung CONSTRUCTIVE RESIGNATION kuno ni Erap bilang pangulo ng Phl no'ng 2001, kaya ligal daw para humaliling pangulo ang noo'y bise prisidinti na si Ate Glo, ayon sa kolum ni ex-JC Temyong Panganiban. Pero ayon naman sa SALUNGAT na komento sa Disqus ni blogger Jun Santiago; (a classic example of judicial legislation) daw ito, o, hah! Hindi kase kayang ARUKIN (depth) ng Pinoy ang legal meaning o kaya'y ang constitutionality ng construction resignation kuno ni Erap as president."

LISA: "Uh-unga 'ga. Kung iyo kasing LILIRIPIN (try to comprehend), eh malaki ang interconnection ng constructive resignation noon ni Erap at sa kinakaharap na kaso ngayon ni Menorca vs INK, tsaka ang 2 DQ cases ni foundling Gracia sa SC, porke kapwa nila ginagamit (INK & Gracia) ang doktrinang VOX POPULI VOX DEI (the voice of people is the voice of God). Sinong diyos ba kase ang kinikilala ng INK at ni Gracia, since the RIOTOUSNESS of their BINAYaran crowd is always very close to MADNESS, see?"

CION: "Naku 'day, sigurado akong hindi si Jesus Christ ang God ng kahakot-hakot na BINAYaran crowd ng INK (iglesiya-ni-kulafu) at ni Gracia, peksman! Samantala, inamin ni ex-CJ Temyong sa kanyang kolum na sadyang iniligaw sa harap ng kahakot-hakot na crowd ang tunay na nilalaman ng oath taking ni Ate Glo no'ng mag-assume siya bilang pansamantalang prisidinti habang humaharap sa kasong impeachment noon si Erap. Kase, the word 'ACTING' was orally omitted by both Davide & Arroyo sa oath taking ng huli, see?"    

Wednesday, January 20, 2016

QUEZON CITY OFFICIALS SACKED OVER GHOST EMPLOYEES

ANA: "Sa wakas, nagkabistuhan din! Kabisado ko kase ang sistema ng pangungulimbat na 'yan mula sa kaban-ng-bayan ng Lungsod Quezon, o, hah! Pina-USO no'ng panahon ni ex-meyor JUN SIMOT (1988 - 1992) na mag-recruit ng tig-5 ghost employees ang bawat konsehal. Sa pamamagitan ng isang Ordinansa eh pinagtibay ng Quezon City Council na hati-hatiin ang 140 barangays bilang 24 SUB CITIES at italaga ang 24 konsehal bilang mga Sub City Deputy Mayors na merong tig-5 staff 'tsaka monthly salary na P5,000, see?"

LISA: "Uh-unga 'ga. The creation of the so-called SUB CITIES by meyor SIMOT appointing a councilor as deputy sub-city mayors in the 4 districts covering 140 bgys violates the provisions of the Revised Penal Code. Biruin mong ang P168 million barangay assistance fund eh ginamit ni meyor SIMOT, kasama ang kanyang SULSULTANT na si Ed Soliman at 24 konsehales, para pambili ng 24 service vehicles, bukod pa sa tig-P7 M kada konsehal as PORK BARREL out of the same fund! Kahindik-hindik ito, o, 'di ba?"

CION: "Batay sa record kong hawak, ang nagdemanda sa QC officials eh si lawyer Rolando Javier before the sala of QC RTC Judge Abraham Vera. Ang mga idinemandang konsehales, from 1st Dist: Teodoro Ramos, Alberto Galarpe, Emilio Tamayo, George Canseco, Reynaldo Calalay, Wilma Sarino. 2nd Dist: Melencio Castelo, Dante Liban, Felicitas Biglang-awa, Edgardo Serrano, Isidro Saludes. 3rd Dist: Elizabeth Gaba, Mitchel Gumabao, Eduardo David, Laoag Paras, Jorge Banal, Jose Paculdo. 4th Dist: Ricardo del Rosario, Alfredo Fransisco, Herminio Bautista, Guillermo Altuna, Francis 'KIKO' Pangilinan, Cielito del Mundo. Bukod-tanging sila konsehal Alice Herrera (2nd Dist) at vice mayor Tito Sotto lamang ang hindi kasama sa demanda ni Atty Javier, ayon sa report ni D'Jay Lazaro ng Manila Standard (Saturday, April 13, 1991)"      

Tuesday, January 19, 2016

SC JUSTICES GRILL GRACIA'S LAWYER

ANA: "Mukhang AANDAP-ANDAP na ang pag-asang papanigan ng SC ang argumento ni Gracia na HONEST MISTAKE at VOX POPULI para 'wag siyang ma-DQ sa kanyang kandidatura, o, hah! Ang tanong kase ng SC - "Who saw that she was actually born here? Why did she acquire US citizenship in the first place? Why the mistake in declaring her period of residency?" - Naalala ko tuloy 'yung salita ni Susan Roces - "Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw! NOT ONCE, BUT TWICE!!! O, 'di ba, Tsismoso?"

LISA: "Ang nakataya kase sa usaping ito eh kung anong batas ba ang dapat na masusunod - ang isinasaad ng Phl Consti o ang PRESUMPTION ng Int'l Law kuno, na pinagbabasehan naman ng mga lie yers ni Gracia re a FOUNDLING should be a natural-born citizen? Sa aking palagay eh daraan sa butas-ng-karayom ang argumento ni Gracia na payagan siyang tumakbo sa eleksiyon - whether the electorate's option for President should include a candidate with DUBIOUS (kahina-hinala) qualifications? AsusMARyopes!!!"

CION: "Walang makitang COGENT (kapani-paniwalang dokumento) si Justice Teresita de Castro na nagsabing (Nobody can just say that - 'Oh, I found this child, she is a natural-born Filipino' - There has to be a process to say a foundling is really a foundling.) Pero para sa'ken eh alam kong 'di lingid ke Susan Roces kung sino talaga ang tunay na mga magulang ni Gracia. 'Di na sana pinayagan ni Susan na magpahukay ng mga patay sa sementeryo si Gracia para lang sa DNA test, kase BUHAY naman sina Bongbong at Sheryl, 'di ba?"  

Tuesday, January 12, 2016

3 SC JUSTICES IN S E T REFUSE TO INHIBIT SELVES

ANA: "Matindi na ang BALISAWSAW sa utak ng Gracia lie yers, para obligahin nilang mag-inhibit sa pagdinig sa 2 DQ cases vs Gracia sa SC, ang 3 Justices na sina Carpio, Brion at De Castro na pawang SET members, who dissented from majority ruling in favor of Gracia, o, hah! Para bagang gusto ng lie yers na IKADENA ang braso ng 3 justices, kumbaga sa boksing, para 'di sila makasuntok at masiguro na 'di mana-KNOCKOUT si Gracia! Siempre tatanggi ang 3 SC justices baka mapaghinalaang me LAGAY sila, noh!!!"

LISA: "Ang napapansin ko lang habang papalapit ang itinakdang ORAL ARGUMENT ng SC on Jan 19 (Martes), aba'y naglalabasan din ang kahalintulad na DQ cases, 'gaya ng kaso ng isang sinibak na town mayor ng Pangasinan at isa pang town mayor ng Lanao del Norte. Napatunayan ng SC na pawang AmBoys (Americans) ang 2 nabanggit na meyor, see? So, kung iyong LILIRIP-LIRIPIN (careful study), OMINOUS (masamang banta) ang pag-sibak ng SC sa 2 meyor porke KAPAREHO 'to sa DQ case vs Gracia, 'di ba?"

CION: "Ay, ang tawag diyan eh PRELUDE (pasimula) ng KALBARYO ni Gracia, peksman! Kahapon lang eh isa pang nakaupong congresswoman ang sinibak din sa puesto ng SC, dahil napatunayan ng SC na hindi rin siya NATURAL-BORN citizen kagaya ng 2 naunang AmBoy meyors, see? Kung ibabatay sa nabanggit na 3 JURISPRUDENCE re Gracia 2 DQ cases, sa palagay ko eh maliwanag pa sa sikat ng araw na MAHAHATULAN ng DQ ng SC si Gracia! So, maisosoli pa kaya 'yung campaign fund, TsisMOSO, sir?"        

Sunday, January 10, 2016

TSISmoso: COMELEC EXEC A THREAT TO DEMOCRACY

ANA: "Kumbaga sa racing car eh nag-WABBLE (gumewang-gewang) na si TsisMOSO bago pa siya makarating sa finish line, o, 'di ba? NALUBAK at NAKWADRADO ang kanyang gulong dahil nagBOOMERANG ang matinding PERCUSS (hataw) nito laban sa Comelec, partikular ke Comm Rowena Guanzon, who was singled-out na umano'y threat to demoCRAZY, ayon ke TsisMOSO! Hay BONKERS! Bilang RULING CLASS' candidate sa pagka bisi-prisidinti, eh sumusunod lang si TsisMOSO sa DIKTA!"

LISA: "Nakana mo 'ga, peksman! The ruling class knows perfectly well that a candidate is not elected by voters but has himself/herself ELECTED by them. Kase, a candidacy, 'gaya ng Gracia/TsisMOSO tandem, is always the work of a group of people united for a COMMON PURPOSE. It forces its will upon the disorganized majority, 'gaya ng mga BOBOtantes, o hah! So, sino-sino ba ang mga TAIPAN (ruling class) na handlers ng Gracia/TsisMOSO tandem sa pangunguna ni Bos Danding Kho Hwang Ko, kilala mo sila?"

CION: "Yes, yes yeow! Sila ang grupo ng MOB RULE na gustong impluwensiyahan pati SC. Ito'y para pumayag ang SC na SALUNGATIN ang Phl Consti? Sa halip eh BAKA ipaiiral ng SC, dahil sa aregLAW, ang VOX POPULI para tiyaking mananalo ang MANOK ng ruling class na sina Gracia at TsisMOSO? Disaster! Dapat eh mag-RUMINATE (magnilay-nilay) ang buong electorate sa pagboto, partikular ang mga BOBOtantes, halimbawang magkaro'n nga ng aregLAWhan at pumayag ang SC sa vox populi. Remember, the ruling class chose Christ over Barabbas for cruxifiction on Mount Calvary! That's DEMOCRAZY!!!      

Saturday, January 9, 2016

COMELEC IN DISARRAY OVER GRACIA DQ CASES

ANA: "A la HUNYANGO si Comelec chair Bautista porke sumapi siya sa handlers ni Gracia, ang RULING CLASS, pabor sa vox populi, vox Dei. Kase, the voice of the people as the voice of God is historically MOB RULE! This mobocracy chose Christ over Barabbas for crucifixion on Calvary, 'di ba? Walang political party si Gracia, maliban sa backers nitong oligarch na merong common purpose. To STULTIFY (sumablay) ang efficient tax collection & political reforms that conflict with oligarchic interest!"

LISA: "Ay, ang lalim n'yang analisasyon mo 'ga, pero me katotohanan 'yang research mo. Naiintindihan ko. Kung maipapanalo nila halimbawa si Gracia bilang prisidinti ng Phl, eh UUTUSAN ng mga oligarch na'to si prisidinti Gracia to UNDERMINE the operative ideals of the common good na sinimulan ng DAANG MATUWID ng PNoy Adm. So, mag-uumpisa na ang proyekto ng Ruling Class (oligarch) sa kanilang pansariling interes (Bagong-Umaga), 'gaya ng monopoly of land ownership, industry & political power!!!"

CION: "Ang ibig mo bang sabihin 'day, eh nagpalit na rin ng kulay si Bautista, a la kulay ng oligarch, na puspusang gumagalaw para ipanalo ang 2 DQ cases ni Gracia sa SC batay sa legal argument na HONEST MISTAKE? Honest mistake ba ang isinumite (NOTARIZED) sa Comelec ni Gracia na kanyang Birth Cert at nagsasaad na siya'y ISINILANG mula sa mag-asawang Susan Roces at FPJ? Pero inaamin din ni Gracia na isa silang foundling! Actions that are right cannot undo a wrong done! No such thing as honest mistake!!!"

Friday, January 8, 2016

GUANZON: BAUTISTA ASKED TO PUT HIS NAME ON COMELEC COMMENT

ANA: "Hindi mapasusubalian na si Comelec Commissioner Rowena Guanzon eh talagang ERUDITE (matalino) sa kanyang argumento representing the ELECTORATE, kumpara sa 2 BROMIDE (boring persons), sina Comelec chair & OSG Solgen representing Gracia? Omigad! Sukat ba namang umangal si Bautista kung bakit nag-file umano ng comment on Gracia's DQ cases before the SC si Guanzon ng 'di raw authorized ni Bautista? So, SINOPLA ni Guanzon si Bautista at sinabihang 'di siya subordinate ng huli! See?"

LISA: "Maliwanag na sa buong electorate na talagang SUPER-LAKAS ang pressure para maFRAZZLE (magkagutay-gutay) ang 2 DQ cases vs Gracia. Ito'y para payagan si Gracia ng SC na isama ang kanyang pangalan sa printing ng balota bilang kandidatong prisidinti. So, kelangang BALUKTUTIN ng SC ang Phl Consti re requirements ng isang presidential candidate para ito ma-qualify - natural-born Pilipino, 'tsaka hindi kukulangin sa 10-taon na paninirahan sa bansang Pilipinas. Sa 2 requirements na'to eh BAGSAK si Gracia!"

CION: "Oke. Sa nakatakdang oral argument sa SC, papa'no ipawawalang-saysay ng Gracia lie yers ang isinumite mismo ni Gracia sa Comelec na kanyang Birth Cert issued July 2006 stating she was born to Susan Roces and FPJ in support of her application as a requirement under RA 9225? Sa halip eh bakit hindi ang kanyang ORIGINAL Birth Cert issued in 1968, and the Judicial Order of ADOPTION by a Judge that has no jurisdiction on adoption cases ang kanyang isinumite? Sino ang gusto nilang BOBOlahin, ang vox poluli?"      

Wednesday, January 6, 2016

AMERICAN MAYOR OF KAUSWANGAN, LANAO DEL NORTE STILL REFUSES TO GIVE-IN TO RIVAL, APPEALS SC RULING

ANA: "O, 'yan na ang isa pang JURISPRUDENCE (the science of law) para masibak ng SC sa pagka-senador si AMGIRL Gracia bilang HINDI NATURAL-BORN PILIPINO, o, hah! Sa palagay ko eh, haping-hapi ngayon si Dick Gordon na posibleng papalit sa iiwanang puesto ni Gracia, 'di ba, TsisMOSO? Eh pa'no na kaya 'yung maiiwanang bilyon-bilyong DEMONETIZED campaign fund galing ke Bos Danding Kho Hwang ko, isosoli pa kaya ni TsisMOSO para mawala ang kanyang HEARTACHE? Ang puso koh!"

LISA: "Ay, siyanga! Bukod kase sa pagsibak ng SC sa nakaupong meyor ng Basista, Pangasinan (Manolito de Leon) na napatunayang isang AMBOY ng SC, eh isa pang meyor sa Kauswangan, Lanao del Norte, (Rommel Arnado) ang sinibak din sa puesto ng SC dahil daw sa pagiging isa nitong AMBOY! Ang kaso ng dalawang AmBoys meyor eh no difference sa kaso ni AmGirl Gracia na kandidatong INDEPENDENT (no party) bilang prisidinti pero suportado sa pondo ng mga dating kapanalig ni Apo Perder sa negosyo, ows!!!"

CION: "Me tama kayo r'yan 'day, malake! Pero ang aking ipinagtataka, bakit ngayon lang nagkakaro'n ng PROMULGATION (pahayag) ang SC vs mga DQ'd elected officials kung kelan malapit nang matapos ang kanilang termino, 'di ba? Sa totoo lang eh, CONVOLUTED (mahirap unawain) 'to ng electorate, partikular ang mga BOBOtantes, peksman! MAGKANO ba kase, aso justiis Lokong Beermanen, sir? Pero para sa'ken eh PRELUDE (simula) lang ito bilang basehan sa kasong QUO WARRANTO vs Gracia, araguy!"    

Monday, January 4, 2016

SC OKAYS OUSTER OF AMERICAN TOWN MAYOR IN PANGASINAN

ANA: "Sumambulat na bilang PRELUDE (pambungad) ng SC sa nakatakda nilang KUMPIRMASYON sa naunang 2 DQ cases vs Gracia ng Comelec en banc, matapos ibaba ng SC ang hatol (OUSTER) vs mayor Manolito de Leon of Basista, Pangasinan. Malinaw na magsisilbing basehan ang JURISPRUDENCE ng pagsibak sa posisyon ke De Leon ng SC sa 2 DQ cases vs Gracia na kasalukuyang nakasalang sa SC, o, hah! Ginamit kase ni De Leon ang kanyang US passport after renouncing his American citizenship! Sablay."

LISA: "Ay naku POE! Eh, ganyan din ang kaso ni Gracia, sablay, 'di ba? Kase, reacquired ni Gracia ang kanyang Phl citizenship on July 18, 2006, as per BI records. Pero 'di maitatatwa ni Gracia na muli niyang ginamit ang kanyang US passport, 'gaya ni De Leon, makalipas ang renunciation nito bilang 'Markano, see? She used her US passport on July 26, 2006; Sept 11, 2006; Nov 1, 2006; July 20, 2007; July 23; 2007; Oct 31; 2007; Oct 5, 2008; April 20,2009; May 21, 2009; Aug 3, 2009; Nov 15, 2009 & Dec 27, 2009!"

CION: "Oke. Batay sa kaso ni De Leon na tinanggal sa pagka-meyor ng SC, eh 'di tatanggalin din bilang elected senator si Gracia after SC AFFIRMS the Comelec's 2 DQ cases vs Gracia? Omigad! Gumawa sana ng RETOKE para ayusin ang DQ cases ng mga aboGAGOs ni Gracia, at kumbinsihin siyang magpa-DNA test sila ni Bongget o sila ni Sheryl Cruz. T'yak na mapatutunaya sa DNA test na kapatid nga sa ama ni Bongget si Gracia, at kapatid din siya sa ina ni Sheryl! So, ibig sabihin eh NATURAL-BORN nga siya. Therefore, mananatiling senador si Gracia at puede uli siyang kumandidato para presidente sa 2022, 'di ba?"      

Sunday, January 3, 2016

LAW AND NARRATIVE CONTESTS IN THE GRACIA CASES

ANA: "Kung iyong UUKILKILIN (inquire persistently), ang pinagbabasehan pala ng argumento ng mga aboGAGOs ni Gracia eh ang BIBLE, sa halip na ang Phl Consti! Tingnan mo, pinapatay lahat noon ng hari ng Ehipto ang mga sanggol na lahing Israelita. Pero nakaligtas ang sanggol na si MOSES, kase, sadyang inilagay siya sa waterproof na basket 'tsaka pinaanod o itinapon (FOUNDLING) sa Nile river at natuklasan siya ng prinsesang anak ng hari. So, inampon, pinalaki at itinuring na tunay na anak ng prinsesa si Moses."

LISA: "Uh-unga noh! Maliwanag na isang MASTERPLOTS (legal fiction) ang taktikang ito ng mga aboGAGO-de-kalembang ni Gracia, ang pagiging foundling nito, upang ikumpara siya a la Moses na isa ring foundling bilang persuasive theory of the case, o, 'di ba? Alam kase ng mga Kristiyano na si Moses eh siyang LIBERATOR (mapagpalaya) sa Exodus 12:40, see? Ang target talaga ng mga lie yers ni Gracia eh ang masa, re legal questions with great RAMIFICATION (sanga-sanga), para lituhin ang SC at ang electorate?"

CION: "Kung tutuusin kase, 'day, kapwa sumusumpa ang bagong halal na presidente ng Phl at USA, sa pamamagitan ng pagpatong ng kaliwang-kamay nito sa BIBLE, sa halip na ang Constitution, habang binibigkas ang kanyang Oath of Office sa harap ng taong-bayan. So, ito marahil ang pinagbasehang LEGAL FICTION ng mga lie yers ni Gracia to BAMBOOZLE (linlangin) ang electorate? Kase, ang nakataya rito is not only Gracia's senate post & her quest for the presidency, but also the status of foundlings of dual citizens, 'di ba?"  

Friday, January 1, 2016

THE NEWS AND THE TRUTH ARE NOT SYNONYMOUS

ANA: "Para sa'ken eh naniniwala ako na hindi SYNONYMOUS (magkasingkahulugan) ang NEWS (balita) at ang TRUTH (katotohanan), o hah! Por eksampol, ipinangangalandakan ni Duteteng sa kanyang mga praise releases sa social media that he is enforcing the law by VIOLATING the (human rights) law. Kase, social media knows no boundaries. Kaya nga ang social media ang ginagawang KASANGKAPAN ngayon ng lahat ng presidentiables para magbalibagan sila ng kani-kanilang baho. Sanitizing the news is impossible!"

LISA: "Me tama ka r'yan, 'ga! Ang social media, lalo na 'yung mga broadcaster na nabibilang sa kategorya ng ac/dc, they effectively destroyed the distinction between the BALITA and KATOTOHANAN, peksman! They actually more of ATTACK DOGS unleashed by political patrons! O, 'di ba, TsisMOSO, sir? 'Musta na pala ang political patrons n'yo ni Gracia, meron pa bang pumapasok na cash fund from them? Paalala Sir TsisMOSO, 'di kaya DEMONETIZED na ang pondo mo? Papalitan mo ke Bos Danding Kho Hwang Ko!"

CION: "Nasa kultura na kase ng Phl na ang politika eh nauuwi sa PERSONALAN sa magkakalabang politiko, kakampi ang kanilang GULLIBLE (uto-uto) BOBOtantes na me rasyong lata ng sardinas, t-shirt, viagra, etc, para NAMBATIKOS din, thru radio interviews, laban naman sa minority/intelligent voters (class A & B) netizens, see? Pero umaasa pa rin ako na merong kakayahang gumawa (WHEREWITHAL) ng pagbabago ang SC sa pamamagitan ng KUMPIRMASYON nila vs DQ cases vs Gracia at ni Duteteng, DALI!!!"