ANA: "Kung iyong UUKILKILIN (inquire persistently), ang pinagbabasehan pala ng argumento ng mga aboGAGOs ni Gracia eh ang BIBLE, sa halip na ang Phl Consti! Tingnan mo, pinapatay lahat noon ng hari ng Ehipto ang mga sanggol na lahing Israelita. Pero nakaligtas ang sanggol na si MOSES, kase, sadyang inilagay siya sa waterproof na basket 'tsaka pinaanod o itinapon (FOUNDLING) sa Nile river at natuklasan siya ng prinsesang anak ng hari. So, inampon, pinalaki at itinuring na tunay na anak ng prinsesa si Moses."
LISA: "Uh-unga noh! Maliwanag na isang MASTERPLOTS (legal fiction) ang taktikang ito ng mga aboGAGO-de-kalembang ni Gracia, ang pagiging foundling nito, upang ikumpara siya a la Moses na isa ring foundling bilang persuasive theory of the case, o, 'di ba? Alam kase ng mga Kristiyano na si Moses eh siyang LIBERATOR (mapagpalaya) sa Exodus 12:40, see? Ang target talaga ng mga lie yers ni Gracia eh ang masa, re legal questions with great RAMIFICATION (sanga-sanga), para lituhin ang SC at ang electorate?"
CION: "Kung tutuusin kase, 'day, kapwa sumusumpa ang bagong halal na presidente ng Phl at USA, sa pamamagitan ng pagpatong ng kaliwang-kamay nito sa BIBLE, sa halip na ang Constitution, habang binibigkas ang kanyang Oath of Office sa harap ng taong-bayan. So, ito marahil ang pinagbasehang LEGAL FICTION ng mga lie yers ni Gracia to BAMBOOZLE (linlangin) ang electorate? Kase, ang nakataya rito is not only Gracia's senate post & her quest for the presidency, but also the status of foundlings of dual citizens, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment