Wednesday, January 20, 2016

QUEZON CITY OFFICIALS SACKED OVER GHOST EMPLOYEES

ANA: "Sa wakas, nagkabistuhan din! Kabisado ko kase ang sistema ng pangungulimbat na 'yan mula sa kaban-ng-bayan ng Lungsod Quezon, o, hah! Pina-USO no'ng panahon ni ex-meyor JUN SIMOT (1988 - 1992) na mag-recruit ng tig-5 ghost employees ang bawat konsehal. Sa pamamagitan ng isang Ordinansa eh pinagtibay ng Quezon City Council na hati-hatiin ang 140 barangays bilang 24 SUB CITIES at italaga ang 24 konsehal bilang mga Sub City Deputy Mayors na merong tig-5 staff 'tsaka monthly salary na P5,000, see?"

LISA: "Uh-unga 'ga. The creation of the so-called SUB CITIES by meyor SIMOT appointing a councilor as deputy sub-city mayors in the 4 districts covering 140 bgys violates the provisions of the Revised Penal Code. Biruin mong ang P168 million barangay assistance fund eh ginamit ni meyor SIMOT, kasama ang kanyang SULSULTANT na si Ed Soliman at 24 konsehales, para pambili ng 24 service vehicles, bukod pa sa tig-P7 M kada konsehal as PORK BARREL out of the same fund! Kahindik-hindik ito, o, 'di ba?"

CION: "Batay sa record kong hawak, ang nagdemanda sa QC officials eh si lawyer Rolando Javier before the sala of QC RTC Judge Abraham Vera. Ang mga idinemandang konsehales, from 1st Dist: Teodoro Ramos, Alberto Galarpe, Emilio Tamayo, George Canseco, Reynaldo Calalay, Wilma Sarino. 2nd Dist: Melencio Castelo, Dante Liban, Felicitas Biglang-awa, Edgardo Serrano, Isidro Saludes. 3rd Dist: Elizabeth Gaba, Mitchel Gumabao, Eduardo David, Laoag Paras, Jorge Banal, Jose Paculdo. 4th Dist: Ricardo del Rosario, Alfredo Fransisco, Herminio Bautista, Guillermo Altuna, Francis 'KIKO' Pangilinan, Cielito del Mundo. Bukod-tanging sila konsehal Alice Herrera (2nd Dist) at vice mayor Tito Sotto lamang ang hindi kasama sa demanda ni Atty Javier, ayon sa report ni D'Jay Lazaro ng Manila Standard (Saturday, April 13, 1991)"      

No comments:

Post a Comment