Tuesday, January 26, 2016

SC HEARING GIVES GRACIA HOPE

ANA: "Kahit pa'no eh meron pang KATITING na pag-asa si Gracia kung iyong uukilkilin (keep asking) sa iyong sarile, kase eh tila pumapabor ke Gracia ang argumento nina CJ Sereno at Justice Leonen, 'di ba? Sa interpellation ke Atty Poblador (de-kalibreng abogado ni Gracia) nina CJ Sereno at Justice Leonen eh para bagang LEADING QUESTIONS ang tinutumbok ng kanilang katanungan na ibinabato ke Poblador, o, hah! Maging mga legal mind bloggers eh BELLIGERENT (nagtatalo-talo) sa internet re DQ issue ni Gracia, see?"

LISA: "Sabi kase ni CJ Sereno - (compelling a foundling to prove his/her unknown parentage was an impossible condition). Zeroed-in din kase ng CJ on who should carry the burden of proof that Gracia is not a natural born Filipino and hence not qualified to seek public office. Si Gracia ba dapat o ang nag-file ng DQ vs Gracia? Sabi pa ng CJ - (If the Court upholds the 'impossible' requirement for a foundling to prove his/her unknown parentage, generations of Filipino foundlings will suffer the unintended consequences). Ows!!!"

CION: "Oke, kung ang CJ at si Leonen eh pabor ke Gracia, 9 justices naman ang inaasahan ko who could potentially rule to DQ Gracia, sina; Carpio, Brion, De Castro, Del Castillo, Perlas-Bernabe, Bersamin, Peralta, Perez at Velasco. Plus merong pang 4 na justices who could go either way; Caguioa, Jardeleza, Reyes at Mendoza. Halimbawang pumanig ang huling 4 na justices kina CJ Sereno at Leonen, eh, nakalalamang pa rin ang 9 na boto vs 6 votes para tuluyang ma-DQ si Gracia! O, BOBOtantes, sali na!"

No comments:

Post a Comment