ANA: "Mukhang AANDAP-ANDAP na ang pag-asang papanigan ng SC ang argumento ni Gracia na HONEST MISTAKE at VOX POPULI para 'wag siyang ma-DQ sa kanyang kandidatura, o, hah! Ang tanong kase ng SC - "Who saw that she was actually born here? Why did she acquire US citizenship in the first place? Why the mistake in declaring her period of residency?" - Naalala ko tuloy 'yung salita ni Susan Roces - "Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw! NOT ONCE, BUT TWICE!!! O, 'di ba, Tsismoso?"
LISA: "Ang nakataya kase sa usaping ito eh kung anong batas ba ang dapat na masusunod - ang isinasaad ng Phl Consti o ang PRESUMPTION ng Int'l Law kuno, na pinagbabasehan naman ng mga lie yers ni Gracia re a FOUNDLING should be a natural-born citizen? Sa aking palagay eh daraan sa butas-ng-karayom ang argumento ni Gracia na payagan siyang tumakbo sa eleksiyon - whether the electorate's option for President should include a candidate with DUBIOUS (kahina-hinala) qualifications? AsusMARyopes!!!"
CION: "Walang makitang COGENT (kapani-paniwalang dokumento) si Justice Teresita de Castro na nagsabing (Nobody can just say that - 'Oh, I found this child, she is a natural-born Filipino' - There has to be a process to say a foundling is really a foundling.) Pero para sa'ken eh alam kong 'di lingid ke Susan Roces kung sino talaga ang tunay na mga magulang ni Gracia. 'Di na sana pinayagan ni Susan na magpahukay ng mga patay sa sementeryo si Gracia para lang sa DNA test, kase BUHAY naman sina Bongbong at Sheryl, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment