ANA: "Pakiramdam ko eh frazzled (NAGKAGUTAY-GUTAY) na ang matatag na tandem nina Gracia at Tsiz para prisidinti at bisi, 'di pa man sumasapit ang election period sa Oktubre, 'di ba? Ano man kase ang desisyon ng SET (pabor o hindi pabor) laban sa kaso ni Gracia eh posibleng hahantong pa rin ang kasong NATURALIZE / NATURAL-BORN case na'to sa SC vs Gracia, napipiho ko. So, ang tanong eh, tatanggapin kaya ng Comelec ang filing ng COCs ng Partido Pilipino kahit 'di pa tapos ang case vs Gracia?"
LISA: "Para sa'ken eh magsisilbing DISPERSION (magkakawatak-watak) ang Partido Pilipino ng Gracia-Tsiz tandem KUNG hindi tatanggapin ng Comelec ang COCs ng mga candidates sa pagka-prisidinti, bisi at sinaduris hangga't walang final decision ang SC ng kaso vs Gracia? Hay, ang lupit naman ng kapalaran, juice ko poe! Pero me PERCUSSION (biglang-hampas) ni Tsiz vs Sr Asso Justice Carpio, noh! Sabi ni Tsiz, 'yung accuser na si David daw ang me BURDEN OF PROOF (maglabas ng ebidens) vs Gracia! Ows???"
CION: "Oke, inaamin naman ng taartits na si Sheryl Cruz, anak ni Rosemarie Sonora sa asawang si Ricky Belmonte (RIP), na magpinsan sila ni Gracia. So, kung talagang walang itinatagong LIHIM sa kanyang pagkatao si Gracia para sa buong populasyon ng Phl na karapat-dapat nga siyang pangulo, bakit 'di niya himukin ang kamaganak niyang si Sheryl para magpa-DNA tests silang 2 at patunayang MAGKAPATID pala sila sa ina? Sa pamamagitan ng DNA result eh mapapatunayang NATURAL-BORN si Gracia, 'di ba?"
No comments:
Post a Comment