Thursday, September 24, 2015

SEN SERGE: GRACIA BY A NOSE AT S E T

ANA: "Interesante sa'ken 'yung paliwanag ni Netizen, ex-Sen Dick Gordon, re: mga 2016 kandidato para sa pambansang posisyon, 'gaya ng mga kakandidato para sa pagka-pangulo, bise at 12 pang bagong senador ng Phl. Ang Comelec lang kase ang me kapangyarihan na gumawa ng implementing guidelines base sa ating election laws. Ang REGLA kase sa ngayon, ang gastos ng isang kandidato para sa kanyang TV ads eh mula P500,000 to P850,000 para lang sa 30 segundos, at tumataas pa'to habang papalapit ang eleksiyon, o, ha!"

LISA: "Gano'n? So, ibig bang sabihin eh me sariling perang ilalabas ang bawat kandidato para sa kanilang radio/TV at print media ads nationwide? Oke, subukan nating himayin at i-compare ang estado (kalagayan) ng 3 pangunahing kandidato sa pagka pangulo (Raxas, Poe & Binay). Si Roxas eh kandidato sa ilalim ng LP. Me sariling PONDO ang LP for ads para sa kanilang national & local candidates! Si Gracia eh walang partido, therefore, wala siyang pondong pang ads! Si Nognog eh isang plunderer, so marami 'tong pondo!"

CION: "An'dami mong paligoy-ligoy 'day. Para kang si Sen Serhing na TILA nagpapahiwatig na dagdagan pa ng businessmen ang pondo for ads para ke Gracia, paniguro para mananalo, by hook or by crook? So, kapag nanalo na eh magiging SUNOD-SUNURAN na si prisidinti Gracia sa kanila? Well, me SOLUSYON si Dick Gordon para matigil ang practice na'to. Obligahin ng Comelec na ilahad ng bawat kandidato ang mga nagawa nila sa bayan at plataporma sa mga SYMPOSIA covered by tri-media na popondohan ng Comelec. Makaka-engganyo 'to sa maraming matatalinong-tao na walang pondo para sabayang kumandidato vs mga kurakot na pulitiko!"

No comments:

Post a Comment