Wednesday, September 16, 2015

CONTINUITY VS CHANGE

ANA: "O, hayan, nagpasingaw na si presidential spokesman Edwin Lacierda kung anong plataporma raw pala ang isusulong ni presidentiable Sen Grace - Bagong Umaga - ibig sabihin sa Tagalog, PAGBABAGO, sa Ingles, CHANGE! So, ito'y isang uri ng ABSTRACT (mahirap unawain) para sa ordinaryong Pinoy, partikular ang mga BOBOtantes, pero kaaya-aya nilang pinakikinggan, o, 'di ba? Sa aking RUMINATION (pagdidili-dili) kase, I believe na salungat ang platapormang ito ni Grace sa Daang Matuwid ng PNoy Adm!"

LISA: "Korek ka r'yan 'ga. Isang malinaw na halimbawa; matatapos lamang ang extention ng LRT 3 project mula Rosario, Pasig hanggang Masinag, Antipolo sa susunod pang administrasyon. So, kung si Grace ang mananalong prisidinti, babaguhin ba nito ang plano at ILILIKO papuntang Marikina ang riles ng tren sa halip na sa Masinag batay sa original plan? Ganito ba ang ibig sabihin ng Bagong Umaga na plataporma-de-gobierno na isusulong ng Poe-Escudero tandem? Para palakihin lalo ang pondo at magpalit ng kontratista?"

CION: "Eh, kelangan pa bang imemorays 'yan? Tandang-tanda ko pa no'ng panahon ni Ate Glo habang ginagawa noon ang Daang-Hari mula Paranaque hanggang Batangas. Binago ang unang plano kung saan eh babaluktutin ang tuwid sanang daan at INILIKO para tumama sa lote ni ex-Sen Money Billard, o ha! Matinding binatikos ito ni ex-Sen Feng Laskon porke KUMITA UMANO ng P200 million si Money 'tsaka tumaas ang presyo ng lupa ni Money na ginawang subdivision. Mga botanteng GULLIBLE, mag esep-esep!"      

No comments:

Post a Comment