ANA: "Mismong dating mga dekano na ng batas (law deans) ang NANGANGALAMPAG sa SC na resolbahin na nito ang pagpigil (restraint) ng CA sa SUSPENSION ORDERS issued by the OMB vs suspendidong Mkt meyor Dayunyor bago sumapit ang May 2016 elections, o, ha! Kase, totoong ASKANCE (nag-aalinlangan) na sina Pacifico Agabin at Amado Valdez, kapwa naging law deans ng UP at UE respectively, kung bakit PAHELE-HELE ang SC na resolbahin ang kaso? MagkANO ang inaantay?"
LISA: "Eh 'di ba nucleus ng SC ang CA? UNA, hinarang ng CA ang inisyung Suspension Order ng OMB vs Dayunyor dahil sa tig-P25 milyon SUHOL daw kina CA justiis Reyes at Acosta, sabi ni Sen Sonny. Tapos, dahil din daw sa SUHOL eh sumulat ng kanyang PUNIETA (ponencia) si SC aso justiis Lokong Beermanen at pinapirmahan sa 7 pang SC aso justiis, na kargado rin siempre ng suhol, para makapagpiyansa si Tanda at makalabas sa kalaboso! See? Hay, sobra nang OSTENSIBLE (hayag) ang suhulan sa Husgado! JANGLE!"
CION: "Hay naku, WA EPEK 'yang pasigaw-sigaw mo r'yan 'day! Pa'no kasi'y NAKATUON (focused) ang tri-media sa isyung SPLAYED (inilatag) laban sa citizenship ni presidentiable Gracia. So, sinasamantala 'to ni Nognog para maghayag naman ng kanyang IMPLICIT (pahiwatig) para sa buong Judiciary? Gustong mangyari kase ni Nognog eh, IPAGBAWAL ng SC ang pagsuSUSPINDE ng OMB sa mga pulpolitikong kakandidatong me kaso sa OMB tuwing sasapit ang eleksiyon! That's REPUGNANT (nakasusulasok)!!!"
No comments:
Post a Comment