Thursday, October 1, 2015

NOGNOG SUFFERS SHARP DROP IN APPROVAL RATINGS

ANA: "Hay, talaga namang isang VICISSITUDES (malaking pagbabago) ang resulta ng 3rd quarter survey na isinagawa ng False Acia (Pulse Asia) noh? Dati kase eh nangunguna sa survey hanggang alapaap si Nognog dahil siyang mag-isa pa lamang noon ang deklaradong tatakbong prisidinti, 'tsaka, 'di pa frozen no'n ng AMLC ang more than 200 bank accounts nito, see? Dahil sa multi-bilyon niyang kadatungan, ang tingin ng mga nakikinabang ke Nognog eh tall dark and handsome ini. Pero ngayon, itsurang BALUGA na siya!!!"

LISA: "Heh! An'tindi mong manlait, noh! Kun'sabagay eh halatang natauhan si Nognog dahil sa pagbagsak ng kanyang approval ratings. Tila ba BUMUBULUSUK siyang 'di bumuka ang kanyang PARAKAYDA (frozen assets) na tiniklop ng AMLC. Kung dati-rati eh nag-AATAS lang si Nognog ng kanyang pasarbey sa False Acia para sa maaga nitong pangangampanya sa mga HOI POLLOI (BOBOtanteng mga taga-promdi), eh kabud ngang INAMPAT (stanched) ng AMLC ang daloy ng kanyang kaperahan, o, ha!"

CION: "Uh-unga 'day. Napagtanto na marahil ng Nognog camp na NAHATI na ang dating GULLIBLE (mapaniwalain) mga BOBOtantes sa promdi na nirarasyunan dati ng kilong bigas, sardinas, t-shirts 'tsaka P500 cash ni Nognog. 'Yung iba kase eh si Gracia na ang minamanok at umaasang ipagpapatuloy ng mga negosyanteng tagaSULSOL (bugaw) ni Gracia na itutuloy ng mga bugaw ang rasyon sa hoi polloi na 'di na kayang ibigay sa kanila ni Nognog. Pero 'yung ibang hoi polloi eh tila susunod na sa DAANG MATUWID?"            

No comments:

Post a Comment