ANA: "Dumami at sumigla ang debatihan ng bloggers dito sa Disqus na meron pang PIKUNAN matapos isampa kahapon sa COMELEC ni De La Salle Pol-Sci prof, Tonying Contreras, ang ikatlong kaso para idisKWALIPAY si Gracia sa pagtakbo sa pagka-prisidinti! Sa kanyang Petition, sabi ni Tonying eh KULANG sa 10 taon ang pagtira sa Phl ni Gracia to qualify her to run for president on May 9, 2016. Kase, no'ng July 18, 2006 lang daw iginawad na MULI ke Gracia ang kanyang pagka-Pilipino batay sa RA-9225."
LISA: "Uh-unga 'ga. Madali kasing maintindihan ng mga Pinoy ang nilalaman ng Petition ni Tonying dahil its mathematical and numerical. Ang pinagbasehan ni Tonying sa isinampang Petition vs Gracia eh ang mismong COC ni Gracia! So, kung July 18, 2006 ang petsa noong mabawi ni Gracia ang kanyang pagka-Pilipino citizenship at muling nanirahan sa Phl, eh KULANG pa rin sa SAMPUNG-TAON (10-years) ang kanyang permanenteng paninirahan sa Phl on election day (May 9, 2016), to qualify her to run for presidente, o ha!"
CION: "Oke, kung ibabase sa petsang July 18, 2006 kung kaila'y muling nabawi ni Gracia ang kanyang pagka-Pilipino hanggang sumapit ang petsa ng presidential election on May 9, 2016, malinaw sa kuwenta ko na si Gracia eh 9 YEARS, 9 MONTHS and 26 DAYS lamang na RESIDENT dito sa Phl mula July 18, 2006, see? Samakatwid, short ng 10 years na paninirahan ni Gracia sa bansa para ma-qualify siyang kandidatong presidente ng Phl in violation of the Consti, 'di ba? So, parang puno ng manggang hitik sa bunga ngayon na BINABATO ang Mar-Len tandem! SusMARyopes!!!"
No comments:
Post a Comment