Monday, October 12, 2015

HARASSMENT

ANA: "Sabi ni PNoy eh me 2 uri umano ng abogado sa Phl - '1. Those who know the LAW, and, 2. those who know the JUDGE.' - Para sa'ken, una, puede kong ihambing ang matalino sa batas na abogada, si Ombudsman Conchita, at ikalawa, puede ko ring ihambing si Tanda na me kilalang 8 SC aso justiis na nagpalaya sa kanya dahil sa huMONEYtarian reasons, o, ha! Inihahambing ko ang talino ng tuso at aboGAGOng si aTONGni Cliford Equila ng Balikatan Inc, sa talino ni Tanda - 'those who know the judge'!"

LISA: Uy, batang-bata pa si aTONGni Cliford, and yet so CORRUPT. Naging SUBSERVIENT kasi siya bilang clerk of court noon ni judge Palattao ng Mla RTC Br-33. Pinagpaliwanag si Cliford ng SC, bilang clerk of court ng RTC Br-33, re: People vs Mamalias y Fiel, kung bakit sinintensihan ng judge na makulong ng habambuhay sa Munti si Mamalias samantalang MATAGAL NG PATAY ito o sadyang pinapatay? Hinanap ng mga kaanak si Mamalias pero 'di nakita sa MCJ at wala ring record na dinala siya sa Munti!"

CION: "Kaya nga 'yan ang katangi-tanging talino ni Cliford eh. Ang mang-HARASS (manligalig) para sa kapakanan ng kanyang employer, ang Balikatan, na me kasong land grabbing/double selling (a la Delfin Lee case) sa Ombudsman, see? Inimbestigahan na dati 'to ng House of RepresentaTHIEVES panahon pa ni Speaker Propero Nograles. Ang kopya ng records sa House probe eh nakuha ni Sir Leo at isinumite sa NBI bilang EBIDENS vs Balikatan! Pero GINAGAPANG ang kaso ng Balikatan kaya natengga na sa NBI???"

No comments:

Post a Comment