ANA: "Ba't tila nasaklot ng pagka-balisa ang Gracia camp re pagdating sa Kabisayaan ni Leni sa imbitasyon ng Bacolod Bishop, Vic Navarra, bilang 1st political sortie ni Leni as vice presidential candidate na umano'y balwarte ni Gracia? Napagtanto marahil ni Gracia na siya sana dapat ang nasa kalagayan ngayon ni Leni, kung pumayag lamang siyang maging katandem ni Mar, sa halip na kalabanin ito bilang kandidatong presidente? Dahil sa SULSOL at INDISCRETION niya eh posibleng baka matanggal pa siya as Senator?"
LISA: "An'dami-rami mo namang tanong 'ga! Halata na ngang nagkaroon talaga ng ABERRATION (pagkaligaw sa matuwid na landas) si Gracia at inaani na niya ngayon ito dahil sa kasong natural born citizenship ni Gracia na isinampa laban sa kanya, o, ha! Hindi kase puedeng UMIWAS (eschew) sa isinasaad ng Phl Consti at NILINAW mismo ito ni SC Sr Asso Justice at SET Chair Tony Carpio, na isang naturalized born citizen of the Phl si Gracia! Pero INALMAHAN 'to ng mga backers ni Gracia, 'di ba?"
CION: "Sabi nga ni Nognog eh sa PROPER FORUM daw dapat dalhin ang mga kasong kinakaharap nilang kapwa ni Gracia! Ganito rin ang PAHIWATIG (implicit) bilang LEGAL FICTION ni SC ex-CJ Temyong re Filipino citizenship ni Gracia - LET THE BOBOTANTES DECIDE! NakanangINA naman huuu! Kase,
kung ang Consti ang magiging SANDIGAN vs mga INFRACTIONS (paglabag sa batas) na kinakaharap kapwa nina Nognog at Gracia, eh parehong HINDI PUEDE kumandidato sina Nognog en Gracia, peksman!!!"
No comments:
Post a Comment