Wednesday, October 14, 2015

PUBLIC AUCTION TO THE HIGHEST BIDDER

ANA: "Maagang nagising si Sir Leo kaninang umaga (Oct 14, 2015) para kumpirmahin kung merong nakapaskel na NOTICE sa 3 pampublikong lugar para sa nakatakdang PUBLIC AUCTION sa kanyang personal properties ngayong araw. Re: Writ of Execution duly signed by Sheriff IV Maria Divina C Leyva, Office of the Clerk of Court, RTC-Antipolo, batay sa isinasaad ng Sec 15(b), Rule 39 of the Rules of Court, - 'xx-xx by posting a similar notice in the 3 public places above mentioned for not less than 5 days.' - o, ha!"

LISA: "Eh wala namang nakita si Sir Leo na NOTICE FOR PUBLIC AUCTION sa Antipolo City Hall, sa Public Market at mismong sa Antipolo Hall of Justice in BLATANT violation of the Rules of Court. So, ano ang dahilan ni Leyva ha, para walang maakit na sumali sa bidding? Sa dispositive portion kase ng Writ of Execution ng Sheriff - 'NOW, THEREFORE, by virtue of the said Writ of Execution and in accordance with Rule 39, Sec 18 xxx-xxx the undersigned will sell at public auction to the highest bidder for CASH xxx-xxx."

CION: "PRETEXT ang tawag sa ganyan 'day! Ang ibig sabihin kase ng Sec 18 ng Rules of Court eh 'wag nang ituloy ang auction (subasta) basta babayaran mismo ng judgment obligor (sa katauhan ni Sir Leo) ang UTANG kuno nito sa pekeng PHAI! Ang implikasyon kase nito eh teknikalidad porke iisyuhan ng resibo ng pekeng PHAI si Sir Leo. Ang resibong ito ang gagawing EBIDENS ng pekeng PHAI sa HLURB bilang palusot na kinikilala ni Sir Leo ang legality ng PHAI. Eh, MINTIS! Kase, Sec 19, Rule 39 ang UMIRAL."    

No comments:

Post a Comment