Saturday, October 3, 2015

SOVEREIGN WILL OF THE PEOPLE AND DNA

ANA: "Hindi pa sumasapit ang election period pero naglalabasan na ang batuhan ng MUCK (dumi o basura o putik) laban sa isa't-isang presidentiables, o ha! Hindi talaga mapapasubalian na napaka-EPEKTIB ang kasalukuyan nating panahon gamit ang Internet - INSTANT COMMUNICATION AGE - para busisiin at himayin ang kuwalipikasyon ng mga presidentiables laban sa isa't-isa. Tulad ng kasong citizenship na isinampa vs Gracia, pandarambong laban ke Nognog, 'tsaka ang TWERK kuno laban ke Mar, Ohohoy!!!"

LISA: "Ah, alam ko na ang ibig sabihin ng twerk. Ayon sa 2013 Oxford Dictionary eh kumbinasyon 'to ng twist & jerk. Dati nang ginagamit ang twerk sa mga political campaign para pamparami ng BOBOtantes! Habang nagsasayaw eh GUMIGILING ang balakang na merong pakinod-kinod na tila ba inaapuntahan ng LEWDNESS (kalibugan) at uploaded sa Internet, see? Twerking PLAYGIRLS ang regalo raw ni senatoriable at MMDA Tsip Tolentino sa b-day party ng isang congresman sa Laguna. SIKAT, o, 'di ba?"

CION: "Heh, ang agenda natin eh kualipikasyon ng presidentiables, hindi twerking, noh! Oke, si Gracia eh napulot sa harap ng isang Simbahan no'ng September 1968. Kagyat na INAMPON siya ng mag-asawang FPJ at Susan Roces, batay sa dokumentong isinumite ni Gracia sa SET. So, base sa dokumentong ito, eh nagbigay ng kanyang opinyon si exCJ Temyong, na si Gracia daw eh NATURAL-BORN citizen ng Phl??? Pero naging mag-asawa lamang sina FPJ at Susan noong December 1968 at ninong nila sa kasal eh si FM!"    

No comments:

Post a Comment