Wednesday, October 14, 2015

PUBLIC AUCTION TO THE HIGHEST BIDDER - PART II

ANA: "Sabi ni PNoy: 'the key to success - was more than just the filing of cases - the CONVICTION of the accused' o, ha! Ang quote na'to kase ni PNoy ang nakikita kong sinusundan ni Sir Leo. Tingnan mo, sinampahan ng kaso sa Piskalya ng anak ni Sir Leo, si Leilani, ng kasong FALSIFICATION at ILLEGAL ASSOCIATION si Edgardo 'BUKOL' Leones, presidente ng pekeng PHAI, at ang ladyguard nitong si Magdalena Vito dahil hindi nila pinapasok sa gate ang isang truckload na gamit nito sa lilipatang tirahan."

LISA: "Eh pati nga anak na si Lala eh nagdemanda rin ng ESTAFA, noh! Lahat ng 3 kaso na 'yan eh hawak ngayon ni aTONGni Cliford, aboGAGO ng land grabbing syndicate na Balikatan, o, ha! Nabisto ni Sir Leo ang pag-aregLAW para maTENGGA sa Piskalya ang naturang 3 kaso vs pekeng PHAI upang protektahan ang Balikatan na 'wag itong madamay! Ows? Samantala, 'yung Small Claim Case No. 2014-0078 vs Sir Leo, after the auction, eh muli raw sasampahan ni BUKOL ng another Claim Case si Sir Leo? RES JUDICATA!"

CION: "So, ang talagang expertise ni Cliford, bukod sa aregLAW, eh WILE (panlilinlang)! Ayaw kasing i-DELIVER ni Sheriff Leyva sa purchaser (highest bidder) ang personal property ni Sir Leo, as per aregLAW ni Cliford, in BLATANT violation of Section 23, Rule 39 of the Rules of Court! Ang anak kasing si Leilani ang purchaser. Me utos na siempre si Cliford sa REPUGNANT na si Bukol para muli nilang haharangin sa gate at hindi papasukin sa subdivision ang mga gamit na napanalunan sa public auction ni Leilani, o, 'di ba?"      

No comments:

Post a Comment