ANA: "Medyo nga kataka-taka at mahiwaga (UNCANNY) kung bakit ang kultong INK (Iglesia-ni-Kulafu), batay sa malinaw na pahayag ng PDI, eh gumagalaw na tila me sariling sovereign republic na hiwalay sa bansang Pilipinas? Ang masa eh tunay na DISCOMBOBULATE (thrown into confusion) kung bakit ang PNP daw eh masigasig na UMAASISTE rin pabor sa INK re: illegal abduction and detentions case/s na isinampa laban sa INK ng dating matataas nitong ministro na sinibak sa kanilang mga tungkulin?"
LISA: "Eh pa'no kase, ilang dekada ring pinag-uukulan ng IMPORTANSIYA ng mga pulpolitiko ang INK kada sasapit ang eleksiyon para mapagkalooban ang highest bidder(?) ng INK's 2 million block (BULOK) voting kuno para sa kanilang ikakapanalo, mula kandidatong panggulo, 'gaya nina Nognog at Gracia hanggang sa pinakamababang posisyon ng konsehal ng bayan, o, ha! So, kung mananalo halimbawa si Nognog dahil sa dagdag na 2 milyong bulok-voting na ipagkakaloob sa kanya ng INK, eh 'di WOW!!!"
CION:"Kaya nga nakulapulan na ng malaking pagdududa ang buong PNP dahil kuno sa partisipasyon nito sa pagdukot at pagkulong sa mga sinibak na ministro ng INK, see? Sabi nga ni blogger mad_as_Hamlet sa ibaba - 'The separation of criminals and policemen must upheld' - tapos, ang sagot naman ni blogger AllaMo - 'Their respective necks and torsos can, must, be separated with extreme prejudice.' Susmaryopes! Merong utang-na-loob daw kase ang bagong C-PNP sa INK dahil ang INK nag-recomend sa C-PNP ke PNoy?"
No comments:
Post a Comment