Sunday, October 4, 2015

MAR ROXAS: PROFESSIONAL AND NOT TRANSACTIONAL

ANA: "Mas madali ngayong unawain o intindihin ng lahat ng klase ng voters (A, B, C, D & E) and the masses (HOI POLLOI), ang pinalulutang na plataporma-de-gobierno ng 3 presidentiables dahil sa panahon natin ngayon ng INSTANT COMMUNICATION AGE, o, ha! So, by necessity, eh kelangang maghayag ang bawat isa sa 3 presidentiables ng kani-kanilang pangako o pamBOBOla kung ano ang isusulong na proyekto kung sino man sa kanila ang mananalong presidente ng Phl. Halatado ang nagsisinungaling, 'di ba?"

LISA: "Me tama ka r'yan 'ga! Ngayon pa lang kase eh ASKANCE (nag-aalinlangan) na ang hoi polloi sa binitiwang PANGAKO nina Nognog at Gracia. Tingnan mo, 'pag si Nognog daw ang mananalong panggulo, ang kanyang FLAT PORN: NO corruption, NO stealing, NO political dynasty except for Nognog family! Samantala, 'yung ke Gracia naman daw eh, she was inspired by her father's (FPJ) DREAM to help the poor and the oppressed kapag siya ang mananalo. Si Gracia ba eh LACKADAISICAL (nananaginip-ng-gising)?"

CION: "Ay, tamang-tama! Ngayong araw opisyal daw na ihahayag ng LP ang Mar - Leni tandem 'tsaka 12 pang senatoriables. Ang Mar - Leni Team eh magsisilbi raw, kung mananalong pareho, bilang mga PROFESSIONAL and NOT TRANSACTIONAL. Ibig sabihin ng professional eh EXTREMELY COMPETENT in a job, hindi 'gaya ni Nognog na pulos TRANSACTIONAL (business deal na 13%), o, 'di ba? Mar - Leni Team Platform: To put in place the appropriate system in attaining the nation's goals of economic prosperity and stability. DAANG MATUWID!!!"            

No comments:

Post a Comment