Friday, September 4, 2015

NOGNOG SINGS NEW TUNE ON BONGGET

ANA: "Kumbaga sa hayok na buwaya eh OMINOUS (nagbabantang managpang) para magpakabundat (SURFEIT) 'tong si Nognog, batay sa comparison ni Mareng Winnie sa buwayang si Lolong at buwayang si Nognog na kapwa animals, o, 'di ba? Biruin mong an'daming dinapurak ng walang pakundangan ni Nognog na pamilya ng mga libo-libong NAGLAHO, biktima ng martial law ni Strongman Ferdie, tatay ni Bongget, no'ng martial law (Sept 1972 - Feb 1986). Kalimutan na raw 'yon at magMOVE-ON, sabi ni Nognog!"

LISA: "Eh 'di wow! Lubos-lubos (STARK) na ang pandering (pambubugaw) activities nitong si Nognog para maka-engganyo pa ng maraming voters para suportahan ang posibleng tandem nila ni Bongget para panggulo at pangalawang panggulo, see? Maliwanag kase na ito'y LAISSEZ FAIRE (pansariling kapakinabangan) lamang ni Nognog. Ang target ng laissez faire ni Nognog eh mga kabataang voters na born in the year-1986 up, para idagdag sa block (BULOK) voting ng INK at alagang mga BOBOtantes, o, ha!"

CION: "Sa palagay ko eh LACKADAISICAL (nananaginip-ng-gising) 'tong si Nognog pero binabangungot naman tuwing matutulog. Ganito kase 'yan eh - magpapa-interview si Nognog sa ac/dc media people 'tsaka sa harap nila'y ipahahayag ni Nognog ang kanyang pamumulitika ayon sa kanyang guni-guni. 'Gaya ng pagtatanggol niya sa INK bilang KONSINTIDOR, kasama si disGRACIA, si Tsiz na me heartache at si Bongget, re separation of church and the state, o, ha! Pero sa gabi eh binabangungot na nasa kalaboso siya!"  

No comments:

Post a Comment