Monday, March 4, 2013

FOOLHARDY (matitigas-ang-ulo)

ANA: "Hay naku, talagang naguguluhan ako.'Yun bang claim ng Sultan daw ng Sulu na ariin ang Sabah eh kaalam at merong pahintulot ang Phl Gov't na lusubin at agawin ito porke para umano ito sa kapakanan ng Pilipinas?"

LISA: "Hindi ahh. Kusang lumusob ang mga followers ni Jamalul Kiram III sa Sabah, Malaysia para bawiin daw ito na pag-aari umano ng Sultanate of Sulu. Samakatwid, maliwanag na ang Sultanate of Sulu eh isang political entity at hindi ito ang Phl Gov't, o, 'di ba?"

CION: "Korek kayo r'yan, 'day. 'Yung mga lumusob na tauhan ng Sultanate of Sulu, kasama ang kanilang mga udyukero, eh pawang matitigas-ang-ulo. Wala silang juridical personality bilang Sultanate of Sulu (political entity), kundi maituturing silang goons at anti-Filipinos, peksman!!!" 

No comments:

Post a Comment