Thursday, March 7, 2013

PA'NO IHAHALAL ANG PAPA?

Ang lahat ng cardinal sa buong daigdig ay magtutungo sa Vatican para maghalal ng papalit kay Pope Benebict XVI.

Walang ibang tao, maliban sa mga cardinal, ang pahihintulutang manatili sa loob ng conclave.

Ikakandado ang pintuan ng conclave at magtatalaga ng dalawang bantay sa loob at dalawang pang bantay din sa labas.

Ang bawat cardinal ay may kanya-kanyang silid sa loob ng conclave at sila'y magkikita-kita sa Sistine Chapel kapag maghuhulog ng balota.

Kung ang mga bobotong cardinal ay mahahati o divided evenly by three, ang sinumang makakakuha ng hindi bababa sa 2/3 na boto ay siya na ang mahihirang na bagong pope.

Pero kung hindi saktong mahahati sa tatlo ang bilang ng mga botanteng cardinal ay 2/3 plus one vote ang iiral na sistema upang makahirang ng bagong pope.

Araw-araw na uulutin ang nasabing proseso ng botohan hangga't walang makakakuha ng at least 2/3 votes para kamahirang ng bagong papa.

Ang may pinakamaikling eleksiyon ng pope ay naganap sa loob lamang ng kalahating araw ay ang pagkakahirang bilang papa kay Julius II noong 1503.

Samantala, ang pinakamatagal na halalan sa kasaysayan ng conclave ay ang pagkakapili kay Pope Gregory X, dalawang taon at siyam na buwan (1268 - 1271).

Kapag may nahalal nang bagong pope, ay susunugin ang mga balota ng walang kasamang straw upang puti ang kulay ng usok na bubuga sa chimney.

Sa labas ay daan-daan libong tao ang naghihintay sa St. Peter's Square sa fumata (smoke signal) at sabay-sabay na magdiriwang kapag kulay puti na ang usok na lumalabas sa chimney.

Malakas na isisigaw ng sabay-sabay ang "VIVA IL PAPA!!!" (Long live the Pope!!!).


No comments:

Post a Comment