ANA: "Mali ang sinasabi ng media na pang-266 na naging papa ang bagong halal na si Pope Francis, 'lamoba 'yon? Nahalal na ika-146 pope si Benedict IX no'ng 1032 pero kagyat din siyang tinanggal sa papacy that same year ngunit walang pumalit sa kanya porke bakante ang trono mula noon hanggang 1045."
LISA: "Oo nga 'ga. Pero no'ng 1045 eh ibinalik sa papacy si Benedict IX pero muling inalis sa papal throne sa ikalawang pagkakataon no'ng taon ding 'yon. Pumalit ang ika-147 pope na si Gregory VI hanggang mamatay no'ng 1046, at pinalitan siya bilang ika-148 papa ni Clement II."
CION: "Subalit ng mamatay si Clement II no'ng 1047 eh muling iniluklok sa papal throne si Benedict IX at namatay siya no'ng sumunod na taon, 1048, kung kaila'y pinalitan naman siya as pope ni Damasus II. Karaniwang 3-beses kung bilangin ang pangalan ni Pope Benedict IX kung kaya MALI ang naipupublikang tamang bilang ng mga naging pope."
No comments:
Post a Comment