Magmula noong October 14, 2013 kung kaila'y naisyuhan ng Certificate of Filing of Amended By-Laws mula HLURB ang newly elected PHAI BOD and Officers ay hindi na muling nakapag-convene ang Homeowners' association hanggang ngayong taong 2013.
Noong November 28, 2009 ay nagsagawa ng "mock" election ang isang grupo ng homeowners. Ang moro-morong (s)election na ito ay isang uri ng kutsabahan sa pagitan ng subdivision developer at Manila Water upang magbuo sila ng isang pekeng Palmera II Homeowners Association Inc (PHAI).
Sa pamamagitan ng pekeng PHAI, ang subdivision developer na si Sen. Manny Villar at ang Manila Water (Tripartite) ay nagpirmahan silang tatlo sa isang dokumento (Memorandum of Agreement) nang lingid sa kaalaman ng buong homeowners ng Palmera Hills II Subdivision.
Magpapatupad ang Developer at Manila Water, as masterminds, kasama ang PHAI bilang "kolektor" nila, ng right-of-way toll fees na sisingilin ng Tripartite sa halagang P438 monthly kada homeowner na kinabitan ng Nawasa water. Mula noong hanggang sa sumandaling ito'y patuloy pa rin ang kanilang illegal exaction sa aming 980 legitimate homeowners.
Samakatwid, hindi lang civil liability ang dapat isampang kaso laban sa pekeng homeowners association at sa kanilang mga security guards dahil sa tinamong sugat sa pananaga ng salarin sa magkapatid na ikinamatay ng isa, kundi, isama na rin ang criminal aspect ng kaso laban sa kanila.
ANA: "Madali lang namang mapatutunayan ng Taytay Police na talagang peke ang homeowners association porke walang BIR registration ito bukod pa sa hindi recognized ng HLURB, o, 'di ba?"
LISA: "Oy, 'lamobang kinasuhan na dati ni Sir Leo 'yang pekeng PHAI na 'yan sa Piskalya, pero, biglang na-dismiss ang kaso, piktapos eh nagkaro'n bigla ng brandnew car 'yung tomboy na fixcal na humahawak sa kaso?"
CION: "Gayun man, lahat ng documentary evidence, about one inch thick, eh isinumiteng lahat ni Sir Leo sa Ombudsman for investigation. 'Lamoyon?"
No comments:
Post a Comment