Hindi nagtutugma ang bilang ng mga historian hinggil sa tamang numero ng mga naging papa, kabilang na ang bagong luklok ngayon na si Pope Francis I (former Jorge Mario Bergoglio).
Si Pope Benedict IX ay nahalal na papa no'ng 1032 ngunit siya'y tinanggal sa trono at pinalitan ni Sylvester III, isang antipope.
Ibinalik sa trono si papa Benedict IX no'ng 1045, pero muli siyang inalis sa papacy at inilagay si Gregory VI nang naturan ding taon, 1045.
Sa ikatlong pagkakataon ay nakabalik sa papacy si Bededict IX no'ng year 1047 at nanungkulan pa ng isang taong singkad, kung kaila'y namatay na siya.
Karaniwa'y tatlong beses na binibilang ang pangalan ni Pope Benedict IX sa talaan ng mga nagsilbing papa.
Samakatwid, kung masusundan ang tamang history, ang bagong halal na Pope Francis I, ay siya ngayong ika-263rd Pope!
ANA: "Itinuturing na pulos antipope ang mga naluklok na papa mula kay Clement V noong 1305 hanggang 1417, kung kaila'y tinanggal ng sabay sa papacy ang dalawa pang antipopes, o, 'lam mo 'yon?"
LISA: "Ay sinabi mo. Do'n natapos ang the great schism of the west. Pero 'yung mga naluklok na antipope sa Avignon, France eh itinuturing silang tunay na pope ng kanilang simbahan, 'di ba?"
CION: "Korek kayo r'yan 'day. Pero ayaw kilalanin ng Katolikong theologians ang bawat naluklok na antipope eh siyang nag-iisang pope sa mundo sa panahon ng kanyang panunungkulan. Ito ang nagpapagulo sa talaan ng totoong bilang ng mga naging papa mula kay St. Peter hanggang sa bagong pope na si Francis I."
No comments:
Post a Comment